Author's note:
Meron sa unahan, meron din sa hulihan. HAHAHA. Gusto ko lang mag-sorry sa inyo guys. Sorry talaga! @MissRoyals @NightRed13 yung relasyon niyong dalawa ang binabase ko dito sa Chapter 19. Kaya Maraming salamat atleast may natulong kayo sa akin.
Don't mention my name please. HAHAHA. Thank you talaga Darkers.
HINDI ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang naglalakad ako patungo sa kusina nila. Halo halo ang kaba na nararamdaman ko . Isama mo pa na naka-boxer short lang ako dahil gaya nga ng sinabi ng tatay ni jen. Hinubad ko siya. Kasi may gusto akong patunayan.
"O! Maria!" Sigaw ng nanay ni jen. Siya ang unang nakakita sa akindahil lahat sila nakatalikod.
"What the he--" agad agad na lumapit si jen sa akin at tinulak ako patungo sa isang silid.
"Anong trip mo, xander?" Pagtataray nito.
Ang kaninang takot ko ay nadagdagan pa ulit ng takot dahil sa nakataas na kilay ni jen.
"A-ano k-kasi..." ni paliwanag wala akong masabi, ni hindi ko nga alam kung saan ba ako magu-umpisa.
"Ano?! Anong trip mo para ibalandra dito yang kaganda-- ay! Yang katawan mo?"
Kung alam lang siguro nito kung bakit ako nakahubad dito...
"Trip ko lang?" Nababalot ng kaba yung loob ko. Una ang tatay ni jen, pangalawa yung nanay neto, pangatlo yung ni jen, pang apat itong babaeng mahal ko. Yung pagkakatingin nito sa akin yung tipong gusto ka ng lusawin.
"Shut up boss!" Sigaw nito.
Mabilis pa si xander na tumingin sa mata ni Jen at tumayo ng tuwid. Ang kaninang nakayukong ulo nito ay bigla dumiretso. Ganito ba siya kagalit? Fuck.
No. Para kay jen din 'to. So hang on ka lang alexander.
Kanina habang humahakbang ako papasok sa bahay ni jen yang mga katagang yan ang iniisip ko. Para kay jen, para kay jen, para kay jen.
Pinagkrus nito ang dalawang kamay nito sa dibdib niya, at taas ang kilay na tumingin ulit ng deretso sa mga mata ko. At saka biglang tumalikod patungo sa pinto.
Pero bago pa yun mangyari ay niyakap ko na ito mula sa likuran.
"Sweetheart..." Malambing na tawag ko rito. Bakla man tawagin pero ganon naman talaga eh, mababakla ka pagdating sa taong mahal mo. "I'm sorry. Cara mia." Hinalikan ko ang gilid ng tainga nito.
Kahit gusto kong sabihin ang totoo dito kung bakit ako naghubad sasabihin ko, pero bawal.
"Xander, stop. Baka makita tayo ni itay." Anito.
"Patawarin mo muna ako." Kasabay nun ang paglapat ng mga labi ko sa leeg nito na agad naman tumagilid para bigyang laya akong halikan ito roon.
"Xander, stop." may diin na sa pagkakasabi nun.
NAGULAT AKO ng biglang pumunta si xander sa harapan ko. Actually kanina pa ako nagpipigil na wag kiligin at wag mag-respond sa mga ginagawa nito at ngayon na nasa harapan ko na siya mahihirapan na akong itago yung kilig ko rito. Yun talaga yung purpose kaya tumalikod ako.
"Sorry na, cara mia." Kahit hindi ko man alam ang ibig sabihin nun may feeling ako na tinatawag ako netong, sweetheart or something like that.
Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at winawagayway sa ibaba. At dahil pa hard to get ako syempre lamya lamya yung mga kamay ko. Sinadya ko talaga yun.
"Sweetheart..." Tumingin ako rito at dahil tukso ang mga labi nito na napakasarap tikm-- ay este tingnan dun syempre nagtungo yung malilikot kung mata.
BINABASA MO ANG
BASTARD SERIES 1: Alexander Lincoln - COMPLETED
NonfiksiALEXANDER LINCOLN is a bastard and also a jerk. He always get what he wants... one way or another. He would blackmail, threaten, and pay someone to get what he wants. His employees call him Adolf Hitler, his ex-lovers call him jerk and some busines...