Author's Note:
Maiksi lang po itong chapter na to. Nasa 1k lang ang words nito eh. Ito ba hanap niyo dito? 👉👌👉👌 para hindi kayo masaktan. Wala pong ganyan 😂😂 sa chapter 19 na po yan.NANG makarating ako sa bahay ay nakita ko si Jen na natutulog sa sofa. Agad ko itong nilapitan at ginawaran ng halik sa noo.
"Oh! Andyan ka na pala. Kumain ka na ba? May niluto akong pagkain sayo kunin mo sa ref. Kaka-alis lang ni Catherine kasama si Theodore."
"Theodore and Catherine?"
Tumango ito habang kinukusot nito ang kaniyang mga mata.
Theodore and Catherine? Hmm? I smell something's fishy.
Binuhat ko si Jen patungo sa kwarto namin at dahan dahan itong inilagay sa kama.
"Sweetheart..." bangit ko sa pangalan nito.
Ngumiti ito "Hmm?"
"Are you okay na ba? Masakit pa ba yung ulo mo?" Tanong ko rito.
"Bakit?" Sabi nito habang may tinatago na ngiti sa mga labi nito.
"Nothing. I'm just asking." Kinuha ko yung kumot at kinumutan ito. "Sleep, sweetheart. Kakain lang ako tapos dun lang ako sa study room." Hinalikan ko ang noo nito at ginawaran ng halik sa mga labi.
Stop. Saway ko sa kaibigan ko. Ewan ko ba makita ko lang si jen nagre-react na kaagad yung kaibigan ko sa baba. Aish!
Nang makarating ako sa study room agad kong dinukot yung cellphone ko at di-nial ang numero ni Lovie.
"Hello, sir?" Anito sa kabilang linya.
"Lovie, nakalimutan kong sabihin sa yo kanina sa opisina na ikansela mo lahat ng meetings ko bukas. Tell them na importanter yung pupuntahan ko, mas importante pa sa buhay nila."
"Pero si---" hindi ko na pinatapos yung dapat na sasabihin ni lovie bagkus ay binabaan ko na ito.
Bukas? Anong mangyayari bukas? Ipapaalam ko ba sa mga magulang ni jen about sa aming dalawa? Aish! hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon. Fuck?! Una yung sa Kompanya ng Pharmaceutical mawawala na si Lovie kasi uunahin niya daw muna yung pamilya niya, sa madaling salita mawawalan na ako ng sekretarya.
"XANDER?" Pikit pa ang mga mata ko pero sapat na para makita ko ang kagwaphan nito.
"Oh, sweetheart. Gising ka na pala, nag handa ako ng breakfast mo kumain ka na."
Kunot noo akong tumingin dito at nagtatanong kung ano ang meron."Birthday ng tatay mo diba." Sabi nit-- Fuck!? Ang kaninang pikit kong mata ay bigla bigla na lang lumalaki. Paano ko nagawang kalimutan ang birthday ng tatay ko? ni hindi pa nga ako nakaka bili ng Birthday cake. Shit!
"Wait lang lalabas la---"
"Wag ka ng mag-alala nakabili na ako ng cake." ngumiti ito at nag patuloy sa ginagawa niya kanina. Ako naman ay nagtungo na sa stool para kainin ang inihandang pagkain ni xander.
"Okay ka lang ba talaga, sweetheart?" Tanong nito.
"Oo naman. Bakit?"
"This past few days kasi parang ang tamlay tamlay mo, tapos lagi ka na lang pagod, tapos kaninang madaling araw nagsusuka ka." Hinipo nito ang noo ko na para bang pinapakiramdaman kung may lagnat ba ako o wala. "Are you sure, you're okay?"
Nginitian ko lang ito ng matamis at tumango.
"TALAGA BANG dito tayo sasakay? Wag na diyan! Natatakot ako diyan."
Hiwakan ko ang kamay nito at hinalikan ang likod nun.
"It's okay. Nandito naman ako. Para na rin makarating tayo dun ng maaga." Sabi ko rito.
BINABASA MO ANG
BASTARD SERIES 1: Alexander Lincoln - COMPLETED
No FicciónALEXANDER LINCOLN is a bastard and also a jerk. He always get what he wants... one way or another. He would blackmail, threaten, and pay someone to get what he wants. His employees call him Adolf Hitler, his ex-lovers call him jerk and some busines...