16 : Vanish

96.2K 1.8K 154
                                        


Vanish

Hindi naman naging mahirap ang unang araw ko sa trabaho. I've been thinking of all the things that might happen in the long run.

Ano ba 'tong pinasukan ko? Tanong ko sa aking sarili. Dahil hindi ganito ang hinangad kong mangyari.

I have been busy infront of the computer when I heard Vincent spoke my name.

" Love, aren't you not tired yet. Tara, samahan mo 'ko. I'll feed you" Saad niya sa akin.

" Ang brutal mo naman magyaya, Vincent. May kamay naman ako para sabihin mong papakainin mo pa ako" Saad ko na lamang sa kanya.

" Baka kase pati iyan, kailangan ko pang gawin sa 'yo para malaman mong mahal kita" Saad muli niya

" Iyan na naman tayo Carlos Vincent eh." I told him. He smirked

" Let's go" Saad niya.

" San- Sandali, 'yung bag ko" Saad ko sa kanya ngunit nilingon niya lamang ako bago kinuha 'yung bag ko.

" Ako na maghahawak nito, Love. Baka mabali pa mga buto mo dito. Baka sa pagkabali ng mga buto mo, hindi mo na matandaang mahal kita" Saad niya.

Seryoso, ang baduy na magsalita ng lalaking 'to.

" OA mo naman, Vincent. Sino bang nabalian ng buto dahil lang sa bigat ng bag niya" Saad ko sa kanya habang pinipigilang tumawa.

" Wala, gusto lang kitang patawanin. Baka natakot ka na sa akin kanina, takbuhan mo na lang ako bigla. Huwag mong gagawin 'yun, Love, baka madapa ka at makalimutan mong mahal kita" Is this man seriously into jokes right now.

" Hoy Vincent, may sakit ka ba" Saad ko na lamang sa kanya habang naglalakad kami pareho.

" Bakit, aalagaan mo ulit ako kung sakali mang magkasakit ako. Paiinumin mo ulit ako ng gamot at maaalala mo na rin na mahal kita" Nananadya na ba talaga ang lalaking 'to. Kanina pa 'to nagaastang bata.

Naglakad na lamang ako.

" Love" Tawag niya sa akin.

" Bakit" I snapped out of it.

" Huwag mong bilisan maglakad, baka matalisod ka at makalimutan mong mahal kita." Saad muli niya.

" Ba't ba palagi na lang may kasamang mahal kita, Vincent" Saad ko sa kanya.

" Baka kailangan kong paulit ulit na sabihin sa 'yo, Love. Palagi mo kaseng nakakalimutan eh" Saad niya sa akin.

" Bata pa ako okay, hindi pa ako matanda para makalimutan ko 'yan" Saad ko ulit sa kanya.

" Kanina nga nakalimutan mong mahal kita, kailangan pa kitang halikan para malaman mong mahal kita" Saad ulit niya. Napapikit na ako ng mata dahil sa sinabi niya.

" Hindi ka na galit?" Tanong ko na lamang sa kanya.

" Mamahalin mo pa ba ako kapag mageskandalo ako, mamahalin mo pa ba ako kapag magmura na lang ako palagi at magalit na lang sa kaibigan ko. Mamahalin mo pa ako kapag kinalaban ko pati ang sarili kong kaibigan?" Tanong niya sa akin. Ba't ba palagi na lang may sagot ang lalaking ito sa mga tanong ko.

" Aba'y malay ko ba" Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa naging sagot. What kind of answer is that?

" See? You already forgot that I love you" He answered again.

" Ewan ko sa 'yo" Sagot ko. Lumabas na kami ng building habang hawak hawak parin niya 'yung bag ko.

" May balak ka pa bang ibalik sa akin 'yung bag ko Carlos Vincent?" Tanong ko sa kanya.

No Commitment (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon