26 : Missionary

102K 1.8K 57
                                        


Missionary

At talagang sinulit na namin ni Charm ang paglalakwatsa. Kung hindi ba naman kase kami binigyan ng dalawang oras lang na paglalakwatsa hindi sana kami parang bulate na kung saan saan na lang pumupunta, mapuntahan lang ang lahat ng gusto naming puntahan.

Hindi pa kami tapos bumili ng magring 'yung phone ko, senyales na malapit ng magalastres. Mahina akong napamura.

" Ano 'to, umihi lang tayo sa public comfort room?" Bahagya kong tanong kay Charm na todo tawa sa naging saad ko sa kanya.

" Hindi, umihi tayo ng dalawang beses sa public comfort room at naubos na agad ang dalawang oras natin" Saad sa akin ni Charm.

" Pero may ideya ako, actually. 'Yun ay kung gusto mo" Yaya niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Kilala ko 'tong si Charm. Parang anghel lang kung titignan mo pero hindi rin minsan.

" Ano kaya kung tumakas tayo. Uwi nalang tayo ng alasotcho ng gabi sa amin" Saad niya sa akin.

And that is the most interesting thing I've heard today.

" Game!" Saad ko kaagad.

Pareho kaming napatingin sa paligid. 'Bakit ba kase nagkaroon pa ng bantay 'tong Charm na 'to?

" Hindi ko kasalanang bilyonaryo ang mapapangasawa ko George" Rinig niyang sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na iyun ang iniisip ko.

" At hindi ko din kasalanang manyak pala ang boyfriend ko" Saad ko naman kay Charm. Pareho kaming napatingin sa isa't isa.

" Ba't ba napunta tayo sa lalaking may topak?" Tanong ko sa kanya.

" Matagal ko na 'rin iyang tinanong sa sarili ko George" Sagot naman sa akin ni Charm.

Dumiretso na lamang kami sa loob ng isang jewelry shop.

Huwag ng magtaka pa ang mga lalaki kung puro ganito ang trip puntahan ng mga babae.

If men are naturally polygamous, as they say.

Then women are artistically materialistic, by nature. But not all.

Napatingin ako sa aking relo, It's already past three oclock. We're way too late already.

Three oclock ang palugit namin.

" Charm, I think we better get off this place and find somewhere. Mahirap ng mahuli dito. Hanap na lang tayo ng ibang lugar" Agad naman na umoo si Charm.

Mabilis kaming naglakad palabas ng mall. Gusto kong tawanan ang aking sarili kase para kaming mga batang ayaw magpahuli sa mga magulang.

Hindi ko na namalayang may tumatawag na pala sa akin kung hindi ko pa maramdamang nagvivibrate yung phone ko.

Saglit akong nalatingin kung sino 'yung tumatawag at hindi na ako nagulata pa ng makita kong si Vincent 'yung tumatawag.

I cancelled it.

Napatingin ako kay Charm na nakangisi rin

Mukhang pati siya ganon din ang natanggap.

Hindi tumagal ng makatanggap ako ng text message kay Vincent.

Agad ko itong binasa habang mabilis kaming naglalakad palabas ng mall.

"You stop walking and answer my call, Love or else I'll personally get out from my car" I read it. Agad naman akong napahinto sa paglalakad na parang napapatakbo na ng mabasa ko ang mensahe ni Vincent.

No Commitment (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon