Chapter 9 - Hi
Sabi ko na nga ba't hindi ko ma-e-enjoy itong vacation leave ni Kenz eh. Paano ba naman. Nalaman na ni Kenz na nandito si Baetrz and he wants to meet her!! Shit!
Paikot ikot ako ngayon dito sa hotel, wala si Kenz dahil tumawag rito.
Mag-isio ka Jaxx! Anong pwedeng idahilan para di sumama?!
Ah! I know what to do!
"Babe?" Napalingon ako sa likod ko.
"Nakaready na yung table natin sa dining hall. Nandun na rin daw si Miss Baetrz."
"Ah babe di ako makakasama ha? Bigla kasing sumama pakiramdam ko." Hinawakan ko pa ang sintido ko para maniwala siya. Hinawakan ako nito sa noo at leeg.
"Wala ka namang lagnat. I think you need to rest. Napagod ka siguro kahapon. Sige ako na lang makikipagmeet sa kanya. Papaakyat na lang ako ng foods?" Tumango ako. He kiss me first bago siya umalis.
Nakahinga na ako ng malalim dahil di ka na makikita si Baetrz. Tama na yung kagabi. Sobra na akong nashock dun.
Umupo muna ako sa sofa at nanonood ng youtube videos.
I'm so hungry. Past 9 na rin kasi ng umaga.
Mamaya pa ay may nagdoorbell na, sa wakas nandyan na rin ang foods! Dali dali kong binuksan yung pinto pero nabigla ako sa sumalubong saakin.
Mukhang imbis na mabubusog ako mukhang mamatay na ata ako sa kaba.
"Hi. It's nice to see you again baby."
Baby. Wala pa ding pagbabago kung paano niya ako tawagin sa baby.
"Anong ginagawa mo dito?" Pilit kong nilakasan ang loob ko kahit parang ayaw ng lumabas ng mga words sa bibig ko.
"Di mo ba muna ako papasukin?" Kumunot ang noo ko at bago pa ko makapagreact eh, nakapasok na ito. Naalala ko tuloy yung nasa bahay kami.
"Bakit ka ba kasi nandito? Nasaan ang asawa ko?
Umupo 'to sa stool.
"Hmm.. gusto mo bang malaman kung nasaan siya?" Nagsmirk 'to saakin na nagpapainit ng ulo ko.
"Nasaan ang asawa ko?" Naiirita na ako.
"May tumawag sa kanya kanina, and pagbalik niya kinikailangan nya daw umalis. Alam mo ba kung sino ang kasama niya?"
"The fuck Baetrz! Diretsuhin mo na lang!" Sigaw ko.
"His with Sassy again Jaxx. Kasama na naman ng asawa mo yung babaeng kinaseselosan mo." Ngumisi ito saakin.
"No. Sinasabi mo lang yan dahil gusto mong maghiwalay kami kasi di ka pa rin makapagmove on!"
Nagseryoso ang ekspresyon nito.
"Seriously Jaxx? Do you think di pa ko nakakapagmove on huh?" Tumayo ito at lumapit saakin.
"Tell me Jaxx. Ako ba ang di pa nakakapagmove on o..." Lumapit 'to saakin at binulong saakin ang huling salita niya.
"O ikaw?"
Halos lumabas na ata ang puso ko sa dibdib to ko sa sobrang bilis ng tibok.
"U-umalis ka na!" Tinulak ko siya. Nagsmirk na naman siya saakin.
"Kitams? Ikaw ang di pa makalimot Jaxx. Aminin mo man o hindi. Alam mo sa sarili mo na mahal mo pa din ako."
"No! Hindi kita mahal! At kahit kailan di kita minahal!" Sigaw ko.
"Sabihin mo na lahat ng excuses mo pero alam kong mahal mo pa din ako ayaw mo lang aminin."
"Umalis ka na please. Umalis ka na lang." Sabi ko at binuksan yung pinto. Lumapit ito doon.
"Fine pero hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Alam kong naalala mo pa yung sinabi kong tutulungan kitang makalimutan ang asawa mo. Lalo na ngayong nagkita sila ni Sassy. Ikaw mismo ang lalapit saakin."
"Fuck you." Tinitigan ko siya sa mata. Nginisian nya muna ako bago umalis. Balabag kong sinarado yung pintuan, napaluhod ako sa sobrang pahihina ko.
Dahil ba ito sa sinabi ni Baetrz na di pa rin ako nakakapagmove on sa kanya o dahil alam kong malapit na akong iwan ng asawa ko?
--
Hapon na ng bumalik si Kenz nasa kwarto lang ako habang wala siya at nagdedesisyon.
Nagulat ito ng makita akong nakatitig sa kanya pagkapasok na pagpasok pa lang niya.
"B-babe.." halata sa boses nito ang takot at tensyon. Tumayo ako t lumapit sa kanya.
"Saan ka galing?"
"Babe let me explain."
"Explain what Kenz? Ilang beses na ba natin 'tong pinag-awayan ha?!" Sigaw ko.
"Babe intindihin mo naman ako kailangan ko siyang samahan."
"Samahan para ano?! Para makipaglandian?!"
Umiling ito. Hinawakan ako sa braso pero inalis ko yun ngunit mas malakas siya saakin kaya hinawakan niya ako ng mahigpit kaya kahit nasasaktan na ako sa higpit eh, hindi ako umaaray. I need to be strong not for everyone but for myself.
"No. Hindi ganon. She call me because her boyfriend I mean ex is broke up with her earlier. So, nakakahiya naman kay--"
"Sa dad niya." Hindi ko na siya pinatapos buong lakas kong inalis ang pagkakahawak niya saakin
"I'm going home." Sabi ko at kinuha ang maleta sa gilid ng pintuan, kanina ko pa ito pinag-isipan. Magpapalamig muna siguro ako. Yung malayo sa lahat.
"No. You can't leave me here!" Nakita ko ang galit na may halong lungkot na mukha niya pero umiling ako.
"Kaya mo ngang tiisin ako kanina paano pa kaya yung ilang araw na mawawala ako? Don't worry babalik din ako, magpapalamig lang."
Narinig ko pa siyang sumigaw pero nakalabas na ako at nakasakay na sa elevator.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta bawal sa bahay namin ni Kenz, magpapalamig nga ako eh. Pag sa bahay naman ng parents ko siguradong malaking gulo.
Alam ko na.
Sumakay ako ng jeep papunta sa Complex Laguna. Don muna ako sa dati kong yaya titira.
Napasinghap ako. Space. Sa wakas.
Ngunit nagkamali ako. Dahil pagkasakay ko sa jeep eh, nakita ko yung pamilyar na kotse.
Shit!
----
Hope you liked this chapter! :*
Pleace leave a comment down below. Vote and follow me. :)SOCIAL MEDIA'S ACCOUNT:
IG: sabbyst
FB: Audrey Isabel
TWITTER: itsaaav
YOUTUBE Sabbyst FashionEMAIL: akosisab05@gmail.com
Thank you!
Gyumybby
Lovelotsxxxxx
BINABASA MO ANG
My Lesbian Mistress (SPG)
RomanceHanda kong iwan ang asawa ko para sayo Baetrz - Jaxxine