1

45.7K 751 12
                                    

"Marge i need a job." Desperadong sabi ko sa bestfriend ko. Naguusap kami thru Video Call.

"Bakit nagsasawa ka na ba pagiging prinsesa mo.?" Hindi nya itinago ang sarcasm sa kanyang tinig.

Hindi nya naman kasi ako senesryoso sa tuwing nagrereklamo ako sa kanya kung gaano kaboring ang buhay ko.

"Margaret kung ganito ang buhay ng isang prinsesa ayaw ko na, mas gusto ko pang maging pulubi na namamalimos sa gilid ng kalsada. kaysa sa makulong sa mala palasyong bahay na to na wala kang ibang nakikita kundi ang mukha ng mga katulong at bodyguard ko na kulang na lang ay halikan ang lupang inaapakan ko."

Sinabayan ko pa ang pagsasalita ko ng pagkumpas ng kamay ko para ipakita sa kanya kung ano ang sinasabi ko.

"Niña Catherine, Hindi ba yan naman ang gusto mo ang maiahon sa kahirapan ang pamilya mo, at mamuhay ka ng marangya."

"Oo nga pero hindi ganito, na daig ko pa ang isang bilanggo. Sa Bahay at opisina lang umiikot ang buhay ko. "

" O di hindi pa rin boring kasi nag oopisina ka at hindi ka lang ordinaryong empleyado ikaw ang CEO sa kompanya na pinagtatrabahohan mo."

"Iniinsulto mo ba ako.?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"No... look Cathy... kahit sino sigurong babae ay gugustohing mapunta dyan sa kinalalagyan mo asawa ka ng isang napakayamang negosyante na ibinibigay lahat ng pangangailangan at luho mo pati na ng pamilya mo."

Tama ang sinabi ni Margaret asawa nga ako ng isang napakayamang negosyante na tanging pangalan lang ang alam ko, ni mukha nya ay hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.

Papano nangyari yun.

Ikukwento ko sa inyo.

Two years ago ay isa lamang akong ordinaryong empleyado sa isang kompanya na nag iimport ng mga kilalang brand ng damit, bags, sapatos at iba pang accesories at sila rin ang nagsu supply nito sa mga malalaking mall sa bansa. At nag iimport din sila ng mga native products mula sa Pilipinas papunta sa ibat ibang bahagi ng mundo.

Ang mga brand na sinasabi ko ay yung mga libu-libo ang halaga ng isang piraso lamang.

Accounting Clerk ako ng Heuman International. Tulad ng sinabi ko isa lamang akong simpleng empleyado, mula sa simpleng pamilya, nag aral at nagtapos sa isang simlpleng unibersidad at namumuhay ng simple in short mahirap lang ako.

Ngunit isang araw ay ipinatawag ako ng manager namin para sa isang indescent proposal.

"Miss Samonte The Boss needs a wife." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Manager. Kulang na lang ay sabihin kong pakialam ko.

"When i say Boss it means the Big Boss the President CEO of Heuman International. Mr Alexander Heuman."

Noon ko lang narinig ang pangalan ng Big Boss namin, at noon ko din lang nalaman na Heuman pala ang apelyedo nya akala ko kung ano lang ang ibig sabihin ng Heuman na pangalan ng kompanya na pinagtatrabahohan ko.

Hindi ko alam kung bakit sinasabi yun sa akin ni Mr. Harvey. hindi naman kasi talaga ako imteresado doon ang mahalaga sa akin ay ang makapag trabaho ako at ng sumahod ako at ng may maipakain ako sa pamilya ko.

"Miss Samonte, alam mo naman siguro na may batas tayo na ang sinumang banyaga ay hindi pweding mag mayari ng malaking negosyo sa Pilipinas lalo na kung buong kompanya ay pagaari nya at walang share ang sinumang Pilipino dito."

Umiling ako kasi hindi ko namam talaga alam ang tungkol doon at wala akong pakialam dun.

"Heuman International is a Private company na ang sole owner is Mr. Alexander Heuman who happens to be a 50% american 25 % korean and 25% pilipino but unfortunately the court doesnt recognize him as a Filipino Citizen."

Hindi ko alam kung saan papunta ang mga sinasabi ni Mr.Harvey pero unti unti niyong binubuhay ang curiousity ko about Alexander Heuman.

Tiningnan ko sya ng nakakunot ang noo.

"At dahil sa hindi sya kinilala ng batas bilang Filpino Citizen, pinapatigil ang operasyon ng HIC sa bansa until such time na mapatunayan nya na hindi sya ang nagmamay ari ng majority ng shares niyo. which is imposible kasi wala namang share holder talaga ang HIC."

Tumayo si Mr. Harvey may kinuha syang folder sa steel cabinet na nasa isang sulok ng opisina nya.

"Miss.Samonte hawak mo ang account ng HR kaya alam kong alam mo kung ilang daan ang empleyadong pinapasohod natin at kung ilang small time supplier ng mga native products ang umaasa at nabubuhay sa kompanya. Idagdag pa ang mga IP's na natutulungan ng Heuman sa pamamagitan ng pagbili at pagexport sa mg producktong gawa nila.

"Sir. sorry po pero hindi ko na po kayo maintindihan saan ba papunta ang usapan nating ito.?"

Pinilit ko na wag maging sarcastic.

"Miss Samonte 30 days lang ang ibinigay ng korte para patunayan na may karapatan ang HIC na mag operate sa Pilipinas, mahaba at matagal pa ang proseso bago mapatunayan ang pagiging partly Filipino ni Mr.Heuman kaya kailangan ng emergency solution ng kompanya para hindi mawalan ng trabaho at kita ang libulubong tao. At ang naisip na solosyon ng board ay ang magpakasal sa isang Pilipina si Mr. Heuman at ilipat sa pangalan nya ang branch ng MIC dito sa Pilipinas."

"Thats a very good option sir." Sang ayon ko sa sinabi nya.

"Yes it is. Ang problema ngayon ay ang babaing papayag na maging asawa nya."

"Sa yaman ni Mr. Heuman siguro naman maraming babae ang papayag sa gusto nya." Napapantastikohang sabi ko.

"Oo marami talaga pero hindi basta bastang tao si Mr.Heuman. Gusto nya maayos ang lahat at hindi magkakaroon ng problema kaya ang gusto nya ay yung babaing mapagkakatiwalaan nya at hindi sya ilalaglag. "

Parang nahuhulaan ko na kung ano ang koneksiyon ko sa mga sinasabi ni Manager Harvey.

"Gusto nyo pong ako ang maghanap ng babaing magiging asawa ni Mr.Heuman.?"

Nakangiting sabi ko.

"No." Sagot nya sabay iling.

"Ho... eh kung ganun bakit nyo ito sinasabi sa akin.?"

"Nagbigay na ako ng mga pangalan at profile ng mga babae na pagpipilian nya."

Seryoso syang tumingin sa akin.

"At nakapili na sya." Dagdag nya pa.

"Ganun naman ho pala eh ano pa ba ang problema.?"

"Ikaw ang babaing napili nya na maging asawa."

Halos malaglag ako sa upuan ko sa sinabi nya.

*Hindi magandang biro yan boss."

"Hindi ako nagbibiro Miss Samonte."

Tiningnan ko sya. Seryoso nga sya."

"Boss naman mahilig po ako manood ng Korean at Chinese drama pero wala po akong planong maging katulad nila ang lovelife ko. Magpapakasal lang ako sa lalaking mahal ko."

" Sa papel lang naman ang magiging kasal nyo. Hindi naman talaga kayo magsasama. Gagamitin lang nya ang pangalan mo."

Umiling ako.

"Iba na lang boss. Wag ako."

"Miss Samonte the boss only wants you."

"Boss naman. Ayaw ko po talaga maghanap na lang kayo ng iba."

At tumayo na ako.

"Miss Samonte kung hindi mo tatanggapin ang proposal na ito pwede ka ng maghanap ng ibang trabaho."

OBSESSINGLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon