Nakahinga ako maluwag ng makalabas na ako ng silid ng may ari ng hotel.
Pakiramdam ko kasi pinagkaitan ako ng sapat na hangin habang nasa loob ako ng silid na yun.
"How was it.?" Seryosong tanong sa akin ni Maam helen ang supervisor ko.
Nagugulohan akong tumingin sa kanya.
"Your encounter with the big boss, kumusta.?" Paglilinaw nya sa tanong nya.
Huminga muna ako ng malalim bago ako ngumiti.
"Okey lang. Mabait naman sya at marunong syang magtagalog ."
"Really.... how come na marunong sya mag tagalog Pilipino ba sya.?"
"Parang hindi. Mas mukha syang amerikano na koreano."
Tumango tango si maam Helen.
"I think totoo nga yung mga kwento na lahat ng staff sa bahay nila ay mga Pilipino. Pati yung yaya, driver at personal body guard nya ay pilipino. At Pilipina din daw ang asawa nya."
"Ganun nga siguro." Sang ayun ko sa kanya.
Hindi nawala sa isip ko ang lalaking may ari ng hotel.
There's something in him na hindi ko maipaliwanag.
I have this feeling that he is someone I know pero hindi naman.
Ang gulo at ginugulo niyon buong sistema ko.
Bago matapos ang shift ko ng araw na yun ay biglang pumasok sa quarter namin ai Miss Anderson.
"Cortez." Mataray na Tawag nito sa akin.
"yes maam."
"Pinatatawag ka ni Mr.Heuman."
Biglang akong kinain ng takot ng marinig ko ang pangalang sinabi nya.
Napatulala ako.
" Miss Cortez naririnig mo ba ang sinabi ko. Pinatatawag ka ni Mr. Heuman ang may ari nitong hotel pumunta ka raw sa suite nya."
Ayun nagsalita rin ng tagalog ang Manager, akala mo naman kasi kung sino sya na tila ba nandidiri na magsalita ng tagalog eh Pilipino namam sya.
Heuman.? Heuman ang apelyedo ng may ari nitong hotel. Heuman din ang apelyedo ng asawa nya na tinakasan nya, magkano ano kaya sila.
Binalot ng takot ang buong pagkatao ko.
"Miss Cortez naririnig mo ba ako." Lumakas na ang boses ni Miss Anderson, dahilan para makatawag na sya ng pansin ng iba pang chambermaid na nasa loob ng quarter.
"Ah yes maam.... susunod na po ako."
Kinakabahan man ay nagmamadali akong umakyat sa silid ni Mr. Heuman.
kinailangan ko pang magipon ng sapat na lakas ng loob bago ko nagawang pindutin ang door bell sa silid nya.
Nagbuzzer ako pero walang nagbubukas.
Muli aking nagbuzzer.
Waka pa rin.
Parang gusto ko ng umalis na lang. His family name is giving me a chill.
Pero marami namang tao na may apelyedong Heuman sa buong mundo, wala naman siguro syang kaugnayan sa asawa ko kasi kung meron man matagal na sana akong natunton ng mga naghahanap sa akin.
Muli sana akong pipindot ng May lumabas na lalaki sa kaharap na silid ni Mr.Heuman.
Ang gwapo nya rin.
"Hi. " Bati nya sa akin.?
"Hello... " Bati ko rin sa kanya sabay ngiti.
Always smile yun ang turo sa amin sa hotel.
BINABASA MO ANG
OBSESSINGLY IN LOVE
RomanceSabi no Ate Merriam obssesion is... a state in which someone thinks about someone or something constantly or frequently especially in a way that is not normal : someone or something that a person thinks about constantly or frequently : an activity...