31

18.5K 449 12
                                    

///AN---@summerrose_71 ang reader ko na masipag mag comment kahit hindi ako nakakapagreply salamat ng sobra. At syempre pa sina @sheilaespedes , JohannaPaula903, ilovegabelyn, aquarius0218, bigboss1995, at si Miss Ems. Arigatogozaimasu..///
🙌🙌🙌🙌🙌🙌🙌🙌🙌🙌🙌🙌

Tumawa lang ng malakaa si Dylan pagkarinig sa sinabi ni Xander.

Itinulak ko sya at ako ang humarap sa camera.

"Andy baby.."

"Baby... hon anong ginawa nya sayo.. sinaktan ka ba nya.?...nasaan ka.. pupuntahan kita." nagpapanic na sabi nya

Magulong magulo ang hitsura nya, pati ang damit nya ay wala sa ayos.

"I'm fine baby, wala syang ginawa sa akin nagusap lang kami."

Bigla akong niyakap ni Dylan sa itaas ng aking leeg, idinikit nya ang kanyang mukha sa gilid ng ulo ko.

"Fuck you Nievarez bitiwan mo sya, wag mo syang hahawakan... papatayin talaga kita... Bitiwan mo sya.!!" Halos mag wala na sya sa galit iwinawasiwas nya lahat ng gamit na mahawakan nya.

"Look at him Niña ganyan ba kumilos ang matinong tao, nababaliw na sya.. Nababaliw na ang asawa mo"

Pilit ako kumawala sa pagkakahawak nya ng mabitiwan nya ako ay sinampal ko sya ng ubod ng lakas.

"Ikaw ang baliw hayop ka."

Sinampal nya rin ako at hinawakan sa leeg.

Lalong nagwala si Xander.

"Sige Heuman magwala ka hanggang sa tuluyan kang masiraan ng ulo." At tumawa na naman ito.

Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nya sa leeg ko, nahihirapan na kasi akong huminga.

"Putang ina mo bitiwan mo sya.. hayop ka ano bang gusto mo sabihin mo, wag mo lang syang sasaktan."

"10 billion Heuman.... 10 billion us dollor at ibabalik ko sya sayo ng buo at walang galos."

Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nya. pero masyado syang malakas.

"Okey.. sige.. ibibihay ko ang gusto mo... pakawalan mo lang sya."

Humalakhak ng naman si Dylan.

"Baliw ka na talaga Heuman... youre a loser asshole... akin na ang asawa mo." At parang baliw na humalakhak uli sya sabay baling sa ibang dereksiyon ng web cam.

Tuluyan ng nagwala si Xander pinagbabasag nya ang mga gamit sa loob ng silid na kinaroroonan nya.

Nakita kong pilit syang inaawat nina lander at Vanna, tumulong na rin ang mga kalalakihan na mga bodyguard nya. May inilabas si Lander na hiringilya at tinurukan si Xander at ilang sandali pa ay natigil na sya sa pagwawala at untiunting nanglupay pay.

Binitiwan na ako ni Dylan.

Napasalampak ako paupo sa sahig at doon ay umiyak ako ng umiyak.

Awang awa ako kay Xander.

Hindi ko na namalayan kung ano pa ang nangyari, basta nagising na lang ako na nasa loob ng isang silid.

Mabilis akong bumangon at tinungo ang pinto, pero naka lock iyun at hindi ko mabuksan.

Kinalabig ko ng kinalabog iyun, kasanay ng pagmumura at pagtawag ko sa pangalan ni Dylan.

Hanggang sa nanghina na lang ako ay hindi nito binuksan ang pinto.

Alexander Andrius POV

Nagising ako sa loob ng private room sa aking opisina sa Singapore.

Pakiramdam ko ay nakatulog ako ng napakahabang oras.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata, ng bigla kong makita mula sa aking isipan ang mukha ng asawa ko habang hawak hawak sa leeg ni Dylan Nievarez.

Marahas akong bumangon.

I need to find her.

I need to find her.

Papatayin ko si Nievarez.

Papatayin ko sya.

"Xander calm down." Boses yun ni lander.

"I need to go, uuwi na ako ng Pilipinas, kailangan ako ng asawa ko."

Nagmamadali kong isinuot ang sapatos ko.

"Xander listen to me, you have to calm down."

"Fuck Lander how do you expect me to do that, kung yung asawa ko hawak hawak ng hayop na si Nievarez." Galit na sigaw ko kay lander.

"And how are you planning to save yure wife if you are acting like that.!" Ganting sigaw ni Lander.

"Acting like what.?... like a psychopath. Of course I am a psychopath... ikaw nga ang doctor ko di ba."

"You are not... ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ka baliw, yes maybe you are psychogicaly disturb pero wala kang sakit sa pagiisip." Mariing sabi ni Lander.

"Okey fine.. hindi na kung hindi, pero tuluyan akong mababaiw oras na hindi ko mahanap ang asawa ko, kailangan ko syang makita at papatayin ko so Nievarez dahil sa ginawa nya sa asawa ko."

"Yes gagawin mo yan at tutulungan pa kita, pero kailangan mo munang huminahon, ginagawa na ng daddy mo ang lahat para mahanap si Cathy, pinakikilos nya na ang mga tauhan nyo, pati PNP, NBI, AFP and even the SAF troopers. Pati nga yung mga kasamahan mo dati gusto na ring tumulong... sa dami ng mga naghahanap kay Dylan kahit sa impyerno pa sya magtago mahahanap nila siya."

Tama si Lander.

"Pero gusto kong ako ang makakita sa kanya, gusto ko ako mismo ang papatay sa kanya."

"Para ano, para lalo ka lang pagtawanan ni Dylan... hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakukuha ang laro nya."

Napatingin ako kay lander.

"Pinaglalaruan ka nya, gusto nya na tuluyan kang bumigay, na tuluyan kang masiraan ng bait para makaganti sya sa inaakala nya na kasalanan mo sa kanya. Kaya hindi mo sya hayaang manalo, sa halip makikipaglaro ka sa kanya, hangang sa sya ang bumigay at tuluyang masiraan ng ulo."

Kahit magulo ang isip ko ay pilit kong inintindi ang ibig sabihin ni lander.

Lander is my bestfriend, nag ka kilala kami ng ipakilala sya sa akin ni ate Alexa 5Years ago.

Yun yung mga panahon na kinakain na ako ng takot dahil sa tindi ng damdamin na meron ako para kay Niña Carherins ang babaing nakakuha ng atensiyon ko since i started studying at UP 8 years ago.

Hindi ko kayang ipalawanag ang klase ng damdamim ang nararamdaman ko para sa kanya noon basta ako alam ko napakatindi noon, at first pilit ko syang pinaglaban nakuntento lang ako sa patingin tingin sa kanya mula sa malayo.

Hanggang sa nangyari yung sa oblation run.

Mula noon hindi na sya nawala sa isip ko kinain nya na ang buong sistema ko sukdulang nakagagawa ako ng mga bagay bagay na hibdi na normal, ginawa ko ang lahat para maharang ang lahat ng mga lalaking nagkakainteres sa kanya i didint mind spending millions just to get rid of them. And more millions just to keep her within my sight 24/7.

Hanggang sa nakaramdam na rin ako ng takot sa mga ginagawa ko, i make my own research para malaman kung ano bang mali sa akin at doon ko nalaman na hindi na talaga normal ang nararamdaman ko its an obsession. Nagiging obesess na ako kay Niña Catherine.

Natakot ako hindi para sa akin kundi para sa kanya, hindi ko kasi alam kung ano pa ang kayang kong gawin para sa kanya natakot ako na baka masaktan ko sya ng hindi ko namamalayan.

OBSESSINGLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon