Kasama si Margaret through video call ay ikwenento ko kay Farah ang nangyari sa buhay ko ng nakaraang dalawang taon.
Yung dalawa kinikilig ako naiinis kasi pakiramdam ko parang tele nobela ang kwento ng buhay ko na inaabangan nilang ang magiging sususnod na kabanata.
Kinagabihan ay hindi ko na pinauwi si Farah kasi inayanko sya ng inoman pero hindi na yung alak sa cellar ni Alexander kasi ang samantalaga ng lasa.
Nagpabili namlangnako ng san meg light.
Inaaya sana naming uminom si kenny kasi crush sya ni Farah pero ayaw nya mapapatay daw sya ng boss nya.
At tulad ng nakaraang gabi lasing na lasing na naman ako.
Pero kinaya ko pa namang umakayat sa kwarto ko. Si Farah ayon sinamantala ang kalasingan para landiin ang head ng security ko.
Umiikot man ang paningin ko ay nakuha ko pa ring kunin ang phone ko at icheck kung may chat ba ang asawa ko
Wala.
Ano ba inaasahan ko sa matanda na ni hindi nga siguro yun marunong magamit ng gadgets.
Nagpicture ako habang nakahiga sa kama yung mukha lang ang kita. Nag peace sign pa ako at nag pa cute at sinend op iyon sa kanya.
Agad syang nag seen.
Gising pa ang matanda.
"Thank you!"
Ewan ko ba kung bakit yun ang sinabi ko.
Sa totoo lang kasi kahit naman panay ang reklamo ko sa buhay ko ang dami damino9 naman talagang dapat ipagpasalamat sa kanya.
Nag seen lang sya ni hindi nag react kasi simpleng 👍 kaloka.
Ibinababa ko nanyung phone ko at natulog.
Kinabukasan may pasok na ako.
Ipinahatid ko na lang si Farah kay kenny pagkatapos nyanakong ihatid sa opisina.
Yung kaibigan ko nangungulit mag Bar daw kami.
Gustohin ko man hindi pwede isa yung sa ipinagbabawal ng asawa ko.
Buong linggo na ipisina bahay lang ako. Wala akong natanggap na chat mula sa kanya at hindi rin ako nag chat kasi wala naman akong sasabihin sa kanya..lahat naman ng update sa kompanya ay sa email ko ipinapadala.
Week end nangungulit talaga si Farah mag bar kasama yung dalawa pa naming kaibigan.
Sinubukan ko mag chat sa asawa ko.
"Can I go to a bar with my friends?"
"No!" Yun lang ang sagot nya.
Hindi na ako uli nag chat.
Nagulat na lang ako pagbaba ko ang dami g nakabantau sa labas ng bahay.
Naandon din si kenny.
"Bakit andami nyo.?"
Tanong ko dito.
"Ewan ko ba sa asawa mo pinababantayan ka ng husto."
Bigla akong nadismaya.
Iniisip nya bang tatakas ako.
Sa inis ko ay tinawagan ko si Farah at tinanong kung saang bar sila at sinabi kong susunod ako.
Nagbihis lang ako ng tattered jeans at spaghetti strap na pang itaas na punatungan ko ng maong na jacket.
"Saan ka pupunta.?" Tanong ni kenny.
"Bar."
"Wait." Sabi nya.
Alam ko tatawagan nya ang boss nya.
BINABASA MO ANG
OBSESSINGLY IN LOVE
RomanceSabi no Ate Merriam obssesion is... a state in which someone thinks about someone or something constantly or frequently especially in a way that is not normal : someone or something that a person thinks about constantly or frequently : an activity...