Sa lahat ng security ko si ken lang talaga ang gusto ko. Kaibigan kasi ang turing nya sa akin at hindi boss.
Naligo lang ako at nagayos then bumababa na ako.
Naabotan ko si Ken na nasa sala naka upo sa sofa at may kausap sa phone.
"Good morning Ken."
Ngumiti sya sa akin.
"Good morning Mrs Heuman." Bati nya sa akin.
"Fuck off Ken. " Nakangiti ring sagot ko sa kanya.
Alam nya kasi na ayaw na ayaw kong tinatawag nya ako sa pangalang iyon.
Tumawa sya.
"Thank you nga pala kagabi." Sabi ko.
"Ha. Saan.?' Tila nagugulohan tanong nya.
"Ha.?" Sabi nya sa kung sino mang kausap nya sa phone.
"Ah." Tumango sya "Okay Boss." Sagot nya sa kausap na alam kong ang asawa ko sa kanya lang naman kasinuto nakikioagusap.
Tumingin sya sa akin.
"Walang ano man. Nalasing ka ba ng husto kagabi?" Tanong nya.
"Ha. Itinanong mo pa talaga. Binuhat mo na nga lang ako paakyat sa kwarto ko at di ako makagulapay."
Tila lalo syang nagulohon.
"Ha ginawa ko yun ?"
"Hala lasing ka rin ba kagabi.?"
Nailayo nya ang cellphone sa tainga nya kaya alam kong sumigaw ang kausap nya.
"Ah okay boss. Excuse me Maam kausapin ko lang to si Boss at nahihilo ako sa inyo. Hintayin na lang kita sa sasakyan."
"Okay susunod ako. Magkakape lang."
"Okay." Sagot nya.
"Sorry Boss. Sorry..sorry."
Paulit ulit nyang sabi sa phone.
Mukhang kinagagalitan sya ng amo nya.
Habang umiinom ng kape ay kinuha ko ang phone ko.
Nag chat ako kay Andy Heuman.
"Don't be angry with Ken, it's my fault I got drunk. I didn't know that the wine in your cellar was so strong."
Typing sya.
"Don't worry, I'm not mad. We're talking about something else. Btw good morning Mrs Heuman."
Napangiti ako sa di ko malamang dahilan.
"Good morning Mr. Heuman." Reply.
Naiiling ako. Asawa ko ba talaga yung kausap ko. Mukhang hindi. Baka EA nya. But it feels so personal.
Ah whatever at least nakakausap ko na sya ng hindi sa email.
Pag labas ko ay nakasandal sa may pinto ng sasakyan si ken.
May kausap pa rin sya pero gumamit na sya ng earpiece.
"She's here boss. Beautiful as always."
Tinaasan ko sya ng kilay.
Tumawa lang sya at ipinagbukas ako ng pinto.
"Where to Mrs. Heuman?"
"Sa MOA mona tayo."
"Sure."
Umalis na kami. Alam kong nasa kabilang linya pa rin ng telepono ang tinatawag ni Ken na Boss na hanggang ngayon ay hindi pa rin naman ako sigurado kung sya nga ba ang asawa ko. Wala namam kasing sinasabi sa akin si Ken at sa paraan ng pakikipagusap nya rito ay parang magkabarkada lang sila kaya hindi naman talaga siguro sya ang kausap nito. Baka tauhan din lang ni Alexander Heuman.
BINABASA MO ANG
OBSESSINGLY IN LOVE
RomanceSabi no Ate Merriam obssesion is... a state in which someone thinks about someone or something constantly or frequently especially in a way that is not normal : someone or something that a person thinks about constantly or frequently : an activity...