14

18.9K 489 21
                                    

"I told you to stay away from him!" Galit na galit na sabi.

"Sir, he is a guest of the hotel, which means he is a customer, our job is to serve all the guests in your hotel.'

Bigla syang humarap sa akin. Nanlilisik ang kanyang mata sa galit, pero hindi man lang ako natakot sa kanya. Mas nadistract ako sa napakagwapo nyang mukha.

Pilit kong sinasaway sa utak ko ang mga naglalarong imahinasyon doon at pilit kong isiniksik sa isip ko na dapat akong matakot kasi katapusan ko na.

Tiyak kulungan ang bagsak ko nito.

Yung uri ng tingin na ibinigay nya sa akin ay yung tingin na ang daming gustong sabihin pero hindi nya masabi sabi.

Sa halip na magsalita ay may kinuha syang mga papel  mula sa ibabaw ng kanyang working table.

Itinapon nya iyon sa ibabaw ng kama.

Ang agad na tumambad sa paningin ko ay mukha ko.

Nilapitan ko ang mga papel na nagkalat sa ibabaw ng kama nya.

Birth certificate ko yun, marriage contract, police clearance and NBI clearance and its the real one Niña Catherine Samonte-Heuman.

Biglang nanginig ang aking buong katawan.

"That's you, isn't it?" Tanong nya.

Nanlilisik ang kanyang mga mata.

Gusto ko sanang tumangi, pero mukha ko ang nas Police at NBI Clearance.

Hindi ako sumagot. Noon na ako nakaramdam ng takot, hindi para sa sarili ko kundi sa kapatid ni Margaret na ginamit ko ang identity. Kung makukulong ako tiyak na damay sya pati si Marg.

"Do you know that I can put you in jail because you work at my hotel using a different name."  Mariing sabi ni Xander Heuman.

Hindi ako makatingin sa mga mata nya.

Ito na nga ang kinatatakutan ko.

"I'm sorry sir. Aalis na lang po ako dito."

"At sa palagay mo papayagan kitang makaalis dito, matapos mong takasan ang mga bodyguard mo at pahirapan ang mga tauhan ko na hanapin ka.."

Shit! Pagmumura ko sa akiing isip.

Confirm may alam nga sya.

Sukol na ako.

"I'm sorry sir. Babalik na lang ako ng Pilipinas." Nakayukong sabi ko habang mahigpit na hawak ang mga papel.

"For what.? So you can escape again."

Noon na ako tumingin sa kanya.

"Sir patawarin mo ako, wala akong intensiyon na idamay kayo sa gulo kaya aalis na lang ako."

"Sa palagay mo pagkatapos ng ginawa mo hahayaan pa kitang mawala sa paningin ko."

Hindi ko na maikubli sa boses ko ang takot alam ko na ngayon na lubhang maka pangyarihan ang mga Heuman kaya nila akong mahanap kahit saan pa ako magtago.

"Sir please."

"You really don't know who I am, isnt it.?'

"Ikaw ang may ari ng hotel na ito." Sagot ko.

"Eh ikaw sino ka ba.?"

Iniyuko ko ang aking ulo hindi ko kayang tumingin sa kanyang mga mata.

"Don't even think of lying, tell me who you are."

Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Ñiña Catherine Samonte"

"Ano pa.?" pagalit na sabi nya na nagpapitlag sa akin.

OBSESSINGLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon