10

20.7K 534 9
                                    

Canada.

Dalawang buwan na akong nandito, gamit ang pangalan ng kapatid ni Nicole na si Meghan ay nakalusot ako sa imigration as OFW, at dalawang buwan na akong nag tatrabaho as chamber maid sa hotel na pinagtatrabahohan ni Nicole. Ng hindi pumayag si Margs sa gusto ko si Nicole ang nilapitan ko.

Kung papano nangyari yun. Money talk.

Ewan ko. Pero nalulungkot pa rin ako kahit nakawala na ako bilang Heuman.

May na mimiss ako.

Hindi ang buhay na meron ako dati kundi ang taong nasa likod ng buhay na yun.

Ang asawa ko.

Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko naman sya nakasama ng pisikal, pero yung pakiramdam na lagi syang nandiyan na binabatayan nya ako kahit saan ako magpunta. Na isang chat lang or email sa tuwing may kailangan ako nagagawan nya agad ng paraan.

Nakaka miss yun.

Kung tatanongin mo ako ngayon kung gusto kong balikan ang dati kong buhay hindi. Pero yung asawa ko oo.

Its just that alam kong imposible yun.

Kasi ang pagiging asawa nya ay kakabit ang buhay na walang kalayaan.

But being his wife is amazing at some point.

Everyone respect me because I am his wife.

Nagising ak9 mula sa aking pagmumuni muni ng may lumapit sa akin.

"Meg pakiayos ng Presidential suite H sa pent darating daw ang may ari nitong hotel at yun ang gagamitin." Sabi sa akin ni Helen ang supervisor namin. Pilipino rin sya at mabit kaya kasundo ko sya.

Good thing sa hotel na pinagtatrabahohan ko kasi kahit ito ang pinakamahal at pinakamagandang hotel sa bansa ay halos lahat ng nagtatrabaho dito ay Pilipino, mas gusto daw kasi ng may ari ng hotel ang mga Pilipino kasi bukod sa masisipag ang mga ito ay maayos pang magtrabaho.

"Maam bakit po ako.? Bagohan lang ako at ang alam ko may nakatalaga talagang chamber maid para sa hotel room na yun."

"Yah i know... kaya lang tumawag sa akin ang mismong hotel manager ikaw ang gusto nyang mag ayos ng room na yun."

Bigla akong sinalakay ng nerbiyos. Papano kung pumalpak ako. Ayaw kong mawalan ng trabaho. kailangan ko ng pera para mabuhay, hindi ko pweding gamitin ang mga card na bigay sa akin ng asawa ko kasi tiyak na matitrace nila kung nasaan ako. Alam ko na pinahahanap na nya ako kasi ayon sa kapatid ko may mga lalaki raw na pabalik balik sa bahay namin at hinahanap ako.

"Meg sige na pumunta ka na sa presedential suite H at parating na daw ang may ari ng hotel."

Labis labis ang kaba ko habang ginagawa ko ang trabaho ko, nilinis ko bawat sulok ng silid kahit malinis na malinis naman na iyon at sinigurado ko rin na nasa ayos ang lahat. Kahit maayos na maayos naman na iyon.

Inaayos ko ang pagkakalagay ng unan ng biglang bumukas ang silid at pumasok ang hotel manager kasama ang isang Super gwapong lalaki, na daig pa ang super hot na korean actor.

"Excuse me. Who are you.?" Mataray na tanong sa akin ng hotel manager namin na halata namang nagpapaimpress sa lalaking kasama nya.

Tumayo ako ng tuwid at bahagyang yumuko.

"I'm Meghan Cortez maam."

Nakita kong tumaas ang kilay ng manager habang yung kasama nyang lalaki ay nagsalubong naman ang kilay.

"Meghan Cortez.? Newly hired.?"

"Yes maam." Muli akong yumuko.

"Then why are you here, you are not allowed inside this room. only the best chamber maid in this hotel are allowed to be in here. You are fired." Nanlilisik ang mga matang sabi sa akin ng babaing hotel manager.

"Stop right there Miss Anderson. you can't fired her, Its me who asked for her to make my room ready. "

"But Sir Shes just new in the job, how did you know her.?"

"I'm the owner of this hotel so its my job to know who my employees are how about you, do you know them yourself.?"

Nakita kong namutla si Miss Anderson.

"You may leave now Miss Anderson. Miss Cortez stay. "

Agad na sumunod si Ms.Anderson sa sinabi ng may ari ng hotel ngunit pasimple nya aking tinapunan ang nagtataray na tingin.

Ng kami na lang ang nasa loob ng silid ay lalo akong kinabahan. Nakayuko lang ako habang naghihintay ng anumang sasabihin nya.

"Miss Cortez.?"

"Y-yes Sir." tumingala ako ng kunti para tumingin sa kanya.

Nagtagpo ang aming mga mata. He owns a pair of beutiful blue eyes.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

May kakaiba sa paraan ng pagtingin nya sa akin.

Ilang sandali rin na naghinang ang aming mga paningin; ako ang unang sumuko. Muli akong yumuko.

Marahas syang nag buga ng hangin mula sa kanyang ilong.

Tila ba galit sya na hindi naman. Tumalikod sya sa akin

"Arrange my clothes in the closet." Utos nya habang humahakbang sya papunta sa may bintana.

Agad kong nilapitan ang traveling bag nya na nasa may pinto, hinila ko iyon papunta sa may closet bago ko binuksan para ilabas at iayos ang mga damit nya.

Habang ginagawa yun ay pasimple ko syang tinapunan ng tingin nakalagay ang cellphone nya sa tainga nya mukhang may tinatawagan sya.

"I found her, stop the search team.... i will bring her home as soon as posible." Sabi nya sa kausap nya sa telepono bago sya tumingin sa akin.

Bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan.

Minadali ko ang ginagawa ko, gusto ko ng makalabas sa silid na yun at makalayo mula sa mapanuring tingin ng lalaki.

Matapos maiayos ang mga damit nya sa closet ay humakbang ako paatras para sana isara ang pinto pero tumama ang likod ko sa isang malapad na katawan hindi ko na kailangang alamin kung kanino yun kasi dalawa lang naman kaming nasa loob ng silid.

"s-so-sorry po." Kandautal utal na sabi ko, sabay pihit palayo sa kanya, pero bago pa ako makahakbang ay nahapit nya na ako sa beywang at kinabig ako palapit sa kanya dahilan para magdikit ang mga katawan namin para tuloy syang naka back hug sa akin naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa itaas ng aking tainga, masyado syang matangkad para sa akin naka flat shoes lang kasi ako kaya halos umabot lang ako sa balikat nya.

Parang tinatambol ang dibdib ko dahil sa bilis at lakas ng pagtibok niyon.

Mahigit isang minuto yata na nasa ganun kaming posisyon.

Wala sa aming nagsasalita, tila ba pareho kaming ngpapakiramdaman.

Gusto ko sana syang itulak kasi alam ko na hindi tama ang nagyayari, ngunit wala akong lakas ng loob na gawin yun.

Natatakot ba ako.?

No... ang totoo gusto ko ang pakiramdam na nakakulong sa mga bisig nya.

Nababaliw na yata ako.

Pero sino ba sya at ano ang karapatan nyang gawin sa akin to.

"Fuck!" Pabulong na sabi nya.

"Sorry." Sabi nya sabay bitaw at hakbang palayo sa akin.

"Akala ko kasi matutumba ka kaya hinawakan kita...sorry."

Laglag ang panga ko dun.

"Marunong kang magtagalog.?" Hindi ko napigilang tanong ko sa kanya nakalimutan ko na boss ko pala sya.

Ngumiti sya, panty ko naman ang halos malaglag kasi sobrang gwapo nya talaga lalo na kapag naka ngiti.

But wait ngumiti ba talaga sya.?

OBSESSINGLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon