Thats it.
To make the story short.
Nagpakasal ako kay Mr.Alexander Heuman.
At legit na sa papel lang naman yun kasi pinapirma lang nila ako sa Marrage contract tapos hindi ko na alam kung anong hukos pokus ang ginawa nila. Basta binigyan lang nila ako ng libro na kailangan kong aralin para alam ko ang isasagot kung sakali man na may mag iimbistiga sa legality ng kasal ko sa President CEO ng HIC, tapos pinapirma nila ako sa ibat ibang dukomento na hindi ko na maintindihan kung ano at para saan.
At simula ng araw na pumirma ako nilang asawa ni Alexander Heuman ay nagbago na ang takbo ng buhay ko.
Namuhay ako ng marangya pati ang pamilya ko.
Nagbuhay Reyna ako.
Nakatira sa malapalasyong bahay, may mga mamahaling sasakyan, maliban sa cash card na may lamang 500 thousand consumable in one month at kapag naubos ko yun maghihintay lang ako ng susunod na buwan at 500k Uli ang laman ng cash card ko at meron pa akong golden credit card na walang credit limit. Maliban pa yan sa emergency mail na pwede kong gawin derekta sa e-mail mismo ni Mr.Heuman kung kinakailangan ko ng mas malaking halaga, in a minute nasa bank account ko na ang pera kahit magkano pa yan basta inaproban ng hindi ko kilalang asawa ang request ko.
Yes hindi ko kilala ang asawa ko never ko pa syang nakita kahit dalawang taon na kaming kasal.
Hindi sa nagrereklamo ako. Actually pabor nga iyon sa akin, kasi hindi ko alan kung papano ko sya pakikiharapan. Imagine 25 years old lang ako tapos ang asawa ko triple pa ng edad ko ang tanda sa akin. Literal na matandang hukluban eww.
Pero makalipas lang ang ilang buwan ay pakiramdam ko ay nasasakal na ako naging mahigpit na kasi sa akin si Mr.Heuman, kahit hindi kami nagkakausap ng personal ay ipinaparating nya sa akin ang kanyang mga mensahe sa pamamagitan ng E-mail, pinagbawalan nya akong maglalabas sa gabi lalo na mag bar o kahit pumunta sa mga party, at kung company event naman ang pupuntahan ko kailangan nakasunod sa akin ang mga bodyguard ko na sya ang kumuha, pinagbawalan nya rin ako na makipagkaibigan lalo na sa mga lalaki.
Mabuti na lang at isa isa na ring nagive up ang mga nanliligaw sa akin sa hindi ko malamang dahilan at yung pinaka pursigido na manliligaw ko na kasamahan ko sa trabaho ayon na sesante sa hindi ko rin malamang dahilan.
Kahit saan ako pumunta ay may nakasunod sa aking bodyguard at PA in other words alalay na hindi ako komportable.
Sinubukan kong kausapin sya sa pamamagitan ng e-mail nakiusap ako sa kanya na bawasan ang mga bodyguard ko at katulong.
Hindi sya nag reply sa e-mail ko pero kinabukasan may nadagdag na dalawa sa body guard ko at isang alalay.
Mapangasar diba.? ang gago.
Minsan naman ay nagpaalam ako sa kanya na pupunta ako sa birthday party ng isa sa mga kaibigan ko.
Hindi uli sya nag reply, kaya akala ko okey lang sa kanya.
Pero pagdating ko sa venue napansin ko na maraming mga mata ang nakatingin sa akin at nagba bantay sa bawat kilos ko at agad nilang hinaharang ang mga lalaking magtatangkang lumapit sa akin kahit mga kaibigan ko sila at pinagbawalan rin nila ang mga waiter na bigyan ako ng alak. kaya ang kinalabasan hindi man lang ako nag enjoy sa party.
Minsan naman ay umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko sa probensiya. Natuwa ako kasi akala ko apat lang ang kasama kong bodyguard at isang alalay.
Pwedeng pwede ko silang ilusot na mga kasamahan ko sa trabaho at napagtripan nila na sumama sa akin sa bakasyon kasi lima lang sila.
Susme yun pala may advance security team na sa bahay namin, kaya yung mga magulang ko hindi matapos tapos ang mga tanong tungkol sa kanila. Kaya sinabi ko na lang na mga Company outing namin at sa probensiya namin nila napili na mag outing kaya sa halip na yung pamilya ko ang makasama ko sa outing eh yung mga bodyguard at alalay ko.
Noong una natutuwa ako kasi pakiramdam ko talaga para akong prinsesa pero habang tumatagal nasasakal na ako and now i want a way out kung papano hindi ko alam kaya nga ako humingi na ng tulong sa bestfriend kong si Margaret.
"At anong balak mong gawin ha.?" tanong ni Margaret sa akin.
"Tatakas ako. Ihanap mo ako ng trabaho at matitirhan dyan."
"Nagpapatawa ka ba, sa yaman ng asawa mo mahahanap at mahahanap ka nya kahit saan ka magpunta."
"Mayaman na rin ako Marg kaya kong gumamit ng ibang identity para makalabas ako ng bansa, may mga nakausap na akong taong tutulong sa akin. With the money i have now walang imposible, ang kailangan ko lang ay ang matutuluyan ko pagdating dyan."
"Cathy... maari kang mapagamak sa binabalak mong yan. Hindi mo alam kung anong klase ng tao ang asawa mo, pwede ka nyang ipapatay kapag sunuway mo sya."
Napabuntong hininga ako ng malalim.
Naisip ko na rin yun. Pero gusto kong subukan kung mamatay ako eh di mamatay kaysa naman habang buhay akong mamuhay ng walang kalayaan.
"Cath. Bakit hindi mo na lang kaya subukang kausapin ang asawa mo. Sa palagay ko mabait naman sya kasi kung hindi bakit nya naman ibibigay sayo ang lahat ng meron ka ngayon ng walang hinihinging kapalit. Try to talk to him."
"Papano nga. Sa Email lang kami naguusap."
"Bakit sinubukan mo na ba sa kanyang hingin ang phone number nya o skype id nya messenger kaya.?"
Napaisip ako.
"Hindi"
"Bakit nga ba hindi?" Tanong nya uli.
Kasi yung totoo natatakot din akong makipagusap sa kanya ng hindi sa email. Natatakot ako na makita sya kahit sa video call lang o kahit ang maka chat man lang sya at lalo na ang marinig ang boses nya.
"Oh ano. Natahimik ka na dyan." Sabi ni Marg's.
"Natatakot ako Margs."
"Cath kahit sinong babae gugustohin na mapunta dyan sa kinalalagyan mo, kaya baho ka gumawa ng desisyon na pagsisihan mo, magisip ka muna okay."
BINABASA MO ANG
OBSESSINGLY IN LOVE
RomanceSabi no Ate Merriam obssesion is... a state in which someone thinks about someone or something constantly or frequently especially in a way that is not normal : someone or something that a person thinks about constantly or frequently : an activity...