21.
Naka-lean si Karen sa locker habang nakakulong sa braso ni Gazer.
F*ck. I cursed them on my mind. Kaya pala.. sabi ko sa sarili ko. Then my tears started to pour from my eyes, parang sinaksak yung puso ko ng sobrang daming karayum. Isama mo pa ang walang awang pagtapak sa puso ko, sabay tapon sa basurahan.
Nang maiyak ko na nang palihim ang lahat, I chinned up walking the way where they was. Nagulat naman ang mukha ng dalawa nang makita akong naglalakad sa papalapit sakanila.
Pumalakpak naman ako habang papalapit sakanila. Trying to hold on my tears and pretending to look brave this way is too hard but I can, they wanted to play a game with me? Then I'll give what they want.
"Nicely done! Excellent work, btches!" Pangunguna ko habang nakangiti sobrang laki.
Tumawa naman si Karen, "Look who's here?" Oh girl, she's provoking me. "Since nandito ka naman na, Gazer has something to tell." Tiningnan naman nya ang magaling nyang kalandian habang sinasabi ng mukha nyang sige na bes, sabihin mo na ang dapat mong sabihin!
Gazer hesitated but Karen forced him to do what it has to be done. "Leen—" itutuloy pa sana nya ang sasabihin nya but I cut him off.
"Don't ever f-ing call me Leen again," I told him.
Bumuntong sya ng hininga, "Karen and I are officially—" he paused looking at Karen then they hold their hands. Tinaasan ko sya ng kilay. "Dating."
I WANNA GET OUT OF THIS SCENE AS SOON AS POSSIBLE, FUDGE ITS MAKING ME CRY!! I told my conscience. But instead, my brain and heart fought.
PRETEND TO LOOK LIKE EVERYTHING'S OKAY, HARLEEN. DON'T LOOK SO FRAGILE AND WEAK. Told my brain.
DON'T GIVE THINGS UP SO EASILY. I KNEW HE STILL LOVES YOU. Told my heart.
At this point, I can't follow my heart. It just leads me to some stupidity again. Neither my brain, because I can no longer hold on and pretend.
"Congratulations," pero ayun nga lang ang linyang nasabi ko kahit ang gusto ko naman talagang sabihin ay "Tangna ninyong dalawa, sobrang lalandi ninyo! Congrats kasi kung may subject mang kalandian, outstanding kayo!"
Ngumiti ako sakanila at nag-walkout bago pa nila makitang bumagsak ang luha ko dahil hindi ko na nakayanan. Ayokong magmukhang weak, pero ayoko din ipakitang may pakialam pa ako. Sobrang hirap diba?
"Leen!" Dinig ko pa ang pagtawag nya sa akin pero hindi ako lumingon. Ayokong lumingon kasi baka bibigay na'ko, inaamin ko na, naging marupok ako.
Mas binilisan ko pa ang lakad ko nang madama kong sinusundan nya ako. Pakyu sya! Ni hindi manlang nya hinintay na magbreak kami bago maging sila?! Anong klaseng katangahan 'yon! Sabi ko isip-isip ko.
Pero mas tanga naman ako kung magpapaniwala pa ako hindi ba? Tugon naman ng isip ko.
Ngunit kung kahit na anong bilis padin ng lakad ko ay baliwala padin pala. Dahil mabilis nya din ako naabutan, sa tangkad ba naman ng taong ito. Teka tao nga ba?
Mabilis nyang inabot ang braso ko, napatigil ako pero hindi ako lumingon sa gawi nya. Ayaw kong makita nyang hindi ko kaya ng wala sya, pero totoo nga siguro, hindi ko kaya ng wala sya.
"I can explain.." mahinahon nitong sinabi, pinigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko saka humarap sakanya.
Sinampal ko sya ng sobrang lakas na para bang andun na lahat ng bigat sa dibdib ko pero kulang padin eh. Napahawak naman sya at hinihimas ang namumula nyang pisngi.
"Explain?! I don't need your f-ing excuses! I just need to know the truth!" Sigaw ko sakanya. Hindi na'ko nakapagpigil, hindi ko na din napigilan ang luha ko sa pagpatak.
Bumuka ang kanyang labi na tila may gustong sabihin ngunit walang salitang lumabas. Lumiko ang kanyang mga paa kung saan sya nagmula at naglakad papalayo mula sa akin.
Hindi ko kinaya yung sakit na nadarama ko 'nong pinili nyang talikuran ako, hindi lang emotionally kundi pati physically. Nagsimulang sumakit ang ulo ko't dama ko na din ang pagkahilo. Pero pilit ko itong binalewala at tumakbo upang habulin sya.
"Gazer!" Tawag ko sakanya ngunit hindi nya ako nilingon. Bumalik sya sa locker room at nadinig kong isinarado nya ang pintuan.
Kinatok-katok ko ang pintuan, ngunit hindi nila ako pinagbuksan. Pinilit kong pihitin ang door knob pero nakasara ito.
Dumako ang aking paningin ko sa maliit na silipan sa pinto, but what I saw just made my heart broken into pieces. Doon ko nakita si Gazer na papalapit kay Karen, at hinalikan ito sa kanyang pisngi habang nakatingin pa ito sa akin.
Gago. I murmured. Tangna mo, minahal kita. Pero san banda ako nagkulang? At nagawa mo pa ding maghanap ng iba. I thought.
Halos manikip ang dibdib ko nang makita iyon, sobrang sakit. "Harleen!" May tumawag sa akin kaya't napalingon ako pero hindi ko na maaninag kung sino iyon.
Dala narin siguro ng pagkahilo ko, nanlalabo na ang paningin ko. Pilit kong nilabanan yung sakit, pero mas nilamon ako ng sakit na iyon.
* * * * *
Francis' POV
"Harleen!" Tawag ko rito kay Harleen na mangiyak-ngiyak habang kinakalabog ang pintuan ng locker room.
Papunta na sana akong locker room dahil may kailangan akong kunin nang may nadinig ako na nagmumula sa hallway.
Nakita ko ang mga pangyayari ngunit hindi lahat. Nang maabutan ko nalang ay hinahabol nalang ni Harleen si Gazer na papalayo.
Ito na nga bang sinasabi ko eh! Ito yung kinakatakutan ko nanaman sa lahat, yung makitang masaktan yung babaeng mahal ko sa piling ng gagong iyon!
Hindi ako pumayag sa pasya nya noon dahil ayaw kong masaktan sya ulit. Pero nang makita ko ulit ang mga ningning sa kanyang mga mata ay hinayaan ko sya sa gusto nya dahil nakita ko syang ngumiti at naging masaya kahit hindi dahil sa'kin, kahit sa piling ng iba.
Oo masakit pero kung para sa kanya rin lang naman, okay na ako. Kaya balik naman tayo sa reyalidad ngayon at tama na nag kadramahan.
Tinawag ko sya pero lumingon lang sya, ni hindi alam kung ano ang sasabihin kaya natigil ako.
Pero mas nataranta ako sa sumunod na pangyayari. Bigla na lamang bumagsak sa sahig si Harleen at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Why Leave Me? • KATHNIEL •
FanfictionIt all started when it used to be just a simple life that Harleen Xena Quinzel lives with.