19.
Sana nalang pala lagi na akong naka-confine.. Sabi ko sa sarili ko. Kahapon, parang ayaw ko nang matapos ang araw na 'yun. Paggising ko, sa tabi ko ay wala na sya. I even asked the nurse where he went pero sabi ng nurse ay lumabas na raw ito.
Maybe he has some classes to attend.. I felt disappointed though. Gusto ko lang syang makasama buong araw, kaya't napasimangot ako.
Nagulat na lamang ako nang may nag-deliver ng isang bouquet ng red roses. At doon nakita ko ang nakasulat sa card: Get well soon, princess. :) - G.
You idiot, you made my heart skipped again.. I thought, smiling. But what's shocking is, when I saw him. He was the one who pretended to be the delivery boy of the flowers.
Hindi ko pa sana mamalayan na sya iyon kung hindi pa nya tinanggal ang bouquet ng bulaklak na nakatakip sa mukha nya.
"Surpriseeeeee!!" Sabi nya sa akin habang tumatawa. Hays, ang gwapo talaga neto kahit kelan. Pero ako nga lang ba talaga? Napa-isip ako.
"Halika dito, may sasabihin ako sa'yo dali!" Sabi ko naman rito habang pakunwaring bumulong. Sumunod naman ang ungas at yumuko ito. Ayun binatukan ko nga.
"Aray! Ang sakit, ikaw na nga sinurprise ikaw pa nambabatok!" Reklamo nito habang hinihinas ang ulo nya.
"Muntik na'kong ma-atake sa puso dahil sa'yo eh!" Sabi ko.
"Bakit may sakit ka ba sa puso?" Bigla nitong tanong at sumeryoso ang mukha nya. Napatigil ako nang mapagtanto ko kung ano yung nasabi ko.
"W-wala! Eto naman, expression lang yun kasi ginulat mo talaga ako.." Sagot ko naman. Mukha naman syang nakumbinsi sa sinabi ko.
Bigla syang naglabas ng gitara, "Oh aanhin mo naman yan?" Tanong ko dito. Nakakapagtakang biglang may dala syang gitara, eh kanina naman etong bouquet lang ang dala.
"Haharanahin ko ang prinsesa ko." Sagot naman nya habang nakangiti at nag-wink pa ang ogag. Inirapan ko na lamang sya, kasi sa totoo lang ayaw kong mapansin nyang namumula ang mga pisngi ko. At kahit ganon manlang, mata ko lang ang mapapansin nya.
Nagsimula na syang nag-strum sakanyang gitara, "Matagal-tagal din nawalan ng gana. Pinagmamasdan ang dumaraan. Lagi na lang matigas ang loob. Sabik na may maramdaman." Intro nito.
Tumingin ito saglit sakanyang gitara, "Di ka man bago sa paningin." Napangiti ito at ibinaling ulit ang tingin sa'kin. "Palihim kang nasa yakap ko't lambing. Sa bawat pagtago.
Di mapigilan ang bigkas ng damdamin."Napapikit nalang ako sa ganda ng boses ng lalaking ito, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga. Walang papantay sa'yo."
"Kung may darating man na umaga, gusto kita sana muling marinig.." Bakit ba sya biniyayaan ng sobrang gandang boses? Tanong ko sa isip ko, ang perfect na kasi. "Ngiti mo lang ang nakikita ko, tauhin man ang silid."
Dumilat ako at nakita ko gwapo din ng lalaking kumakanta sa harapan ko, perfect na din. "Walang papantay sa'yo, maging sino man sila. Ikaw ang araw sa tag-ulan, at sa maulap kong umaga."
Perfect na talaga, perfect na lahat. Sana ganto nalang palagi. Yung mundo lang namin ang nakikita ko.
Lumapit sya sa tabi ko, yumuko at hinawakan ang kamay ko. "I love you, Leen." Those words even made my heart melted as he kissed the back of my hand.
"Walang panga-pangako. Isa lang ang siguarado, sa'yo lang 'tong puso ko.." sabi nya habang itinuturo ang bandang dibdib nya. Nainis ako sa sinabi nya, kaya't sinapak ko ang braso nya. Nakakainis ang mga kalokohan nya.
Tumawa ako ng malakas, "You're so cheesy, huh?" Hinihimas naman nya ang braso nya.
"Its okay to be cheesy sometimes, when it comes to the person you love," at ngumiti pa sya ng nakakaloko habang itinaas-baba ang kilay nya.
I wish this could last a lifetime, I'll never forget these memories he gave me.
I closed my eyes then smiled at him saying those exact same words, "I love you, too, Gazer." He kissed my forehead. At that moment, I felt butterflies on my tummy.
Inilapit nya ang mukha nya mula sa akin, magkadikit ang aming mga ilong. Dama ko ang mainit nyang hininga, mas lalo kung ipinikit ang mga mata.
Hindi ko na napigilang itanong, "Hindi mo ba ako hahalikan?" Hindi sya umimik.
*ring* *ring* *ring*
Biglang tumunog ang kanyang telepono, "Kelangan ko lang ito sagutin saglit." Naging malamig ang tono nito at lumabas sa room.
Dismayado akong yumuko, ano bang problema nya?! Tanong ko sa sarili ko.
* * * * * * *
Kinabukasan, okay naman na daw ako sabi ng doctor pero kelangan pa naman daw mag-ingat kasi baka pano nanaman itong ulo ko. Sa wakas, inilabas na din ako dito sa boring na hospital.
Chineck ko ang phone ko, wala pading text galing kay Gazer. Nandito ako ngayon sa park, nakaupo lang sa isang bench. Lumiban nanaman ako sa klase ko, eh mas boring pa dun eh.
Chinecheck ko lahat ng social media accounts ko nang biglang may nagsalita. "Harleen?" Napatingala ako.
Nanlaki ang mata ko kung sino ang nakita ko, "Uyyyy, kamusta ka na?!" Tanong ko sakanya. Lumundag ako sa tuwa at kaagad ko syang niyakap.
"O-okay lang naman, walang problema. Sorry, hindi kita nabisita noong na-ospital ka daw? Alam mo naman, busy from school." Paliwanag naman nya. Tumawa kami pareho at umupo sa bench.
"What do I even expect from you, Mr. Masipag Mag-aral?" Napahalakhak naman kami pareho.
"How long has it been, Fran?" I asked. "Nine months? Ten? Or eleven maybe?—" panghuhula ko pero pinutol nya ito.
"Almost one year, actually." Dugtong nya. Napatigil ako sa pagsalita nang naging seryoso sya.
Walang umimik saglit, kaya't ako na ang nauna. "I missed my best friend." Pilit akong ngumiti upang mapawi ang pagka-awkward sa'ming dalwa, lalo na yung nangyari noon.
"You better be," yinakap nya muli ako. "So how's your relationship with Gazer?" Bigla nyang pag-iiba sa usapan habang humilay sya sa yakap.
"Okay naman kami, pero ngayong araw wala syang paramdam eh." Paliwanag ko. Sa tono palang, Dismayado talaga ako.
"Sorry to hear that, but—" Ako naman this time ang pumutol sa sinasabi nya.
"I trust him, Fran." Ngumiti ako ng mapait.
"Let me finish first, Harleen Xena Quinzel." Sa pagbanggit pa lamang nya ng buong pangalan ko, importante talaga ang sasabihin nya.
BINABASA MO ANG
Why Leave Me? • KATHNIEL •
Fiksi PenggemarIt all started when it used to be just a simple life that Harleen Xena Quinzel lives with.