27.
"Dad?" Is all I can manage to say. Pumiyok pa ang boses ko sa pagkakasabi ko sa isang salitang 'yun.
Huminga sya ng malalim, "Hindi ka daw lumalabas sa kwarto mo, anong nangyari? Ni hindi ka pa daw kumakain, at nagkukulong lang sa kwarto mo? So I ditched my work so I could check up on you." It made my heart melt, I never heard these lines from him before.
"Dad, can I ask you something?" I turned around para magkausap kami nang maayos. Hindi naman makapaniwala ang reaksyon nya nang makita nya ang mukha ko.
Sino ba namang hindi magugulat kung yung anak mo mugtong-mugto ang mata, sobrang pula na akala mo zombie. Buhok na buhaghag, halatang di pa nagsusuklay kaya mukhang mangkukulam.
He refused to give any attention of my question instead he worriedly asked if I was okay, what happened, and why. Sinamaan ko sya ng tingin na mas lalo kong naisip na siguro naisip na ng tatay ko kung mamamatay tao na ba ako o ano.
He lifted my head into his shoulder, hinaplos-haplos naman nya ang buhok ko. "Ano na nga ba 'yung tanong mo kanina?"
I looked at him, "Nung iniwan ka ba ni mama, anong ginawa mo?" Napatigil sya sa paghaplos ng buhok ko.
"Sobrang kumplikado," he bagan. "Nawalan ako ng gana sa buhay, nawalan ako ng rason kung bakit pa ako nandito, nawalan ako ng rason kung paano na ako magiging masaya kung wala na piling ko ang mama mo." I can feel the sadness in his tone, that made my heart broke even more.
"Sobrang wasak ako 'non kasi bigla nalang nang-iwan ang mama mo. But then, I remembered you." He explained. "I shouldn't wasted those times na sana naging ama ako sa'yo, andami kong pagkukulang sa'yo. I remembered the only reason I should keep on holding, and it is you, anak." He smiled as he looked at me. I've been a very bad daughter to him in this past years.
"Pa, I'm sorry.." I told him. Umayos ako sa pagkakaupo.
"It wasn't your fault you became so hardheaded. It is because you were lack of my attention back then," And oh God, I saw my father crying infront of my very eyes. "I am so proud of you na ginagalingan mo 'non ang pag-aaral mo, anak. But I was such a douchebag for not paying attention kaya ka nagsawa."
I wiped his tears as I smiled at him, "It's okay, dad. It's okay now, I forgive you."
He hugged me so tight as he could then told me, "Nak, babawi ako sa'yo."
* * * * * * *
4 months later...
"Having a good day, huh?" Fran said out of the blue. I looked at him then smiled. Nandito kami ngayon sa cafeteria, having lunch.
"Things are getting better, and I'm happy with that." Sabi ko at nag-start nang ikuwento yung nangyari sa usapan namin ni Papa noon.
"So nasabi mo na ba?" Biglang tanong naman nya.
"Ang alin?" Tanong ko pabalik.
"Yung tungkol sa kundisyon mo, kailan mo ipapaalam?" Natigil ako sa sinabi nya. Naalala ko tuloy ang tungkol sa sakit ko na biglang nagpakaba sa'kin.
"Hihintayin ko nalang yung tamang tiyempo." Sagot ko. Bakit ba bigla nyang pinaalala? Nakakalimutan ko na eh, ayun na eh.
"Good. I'm just worried." He told me while looking into my eyes. I can really tell that he is worried sick.
* * * * * *
After ng klase, dumiretso na ako kaagad sa tabi ng gate upang maghintay ng masasakyan. Ang normal na nang buhay ko nito, maliban nga sa sakit ko.
"I'll drive you home." Nagulantang ako sa biglang nagsalita sa likuran. Palagi nalang syang sumusulpot kung saan!
"John, ano nanaman bang problema mo?!" Nasigaw ko ito sakanya.
"Problema ko? Hmmm.." Napaisip pa sya, habang hinawakan ang baba nya at tumingala sa itaas. "Ikaw, hangga't hindi kita nakakayang ibalik sa'kin, at yung dating tayo. I want you back, to be with me, again." Diniinan nya ang bawat salita sa huling linya na kanyang binitawan.
Tinaasan ko sya ng kilay. Seriously? Iniisip pa ba nya 'yun after all these years!? Binalewala ko ang sinabi nya at sumagot nalang ako ng, "I can take care of myself."
Pumara ako sa bawat sasakyang dumaraan pero ni isa walang tumigil. Kung sinuswerte ka nga naman oh!
"E-hem! E-hem!" Pekeng ubo ni John sa likuran ko habang naka-cross arms pa at nakasandal sa gate, kaya napairap ako sakanya.
Patuloy pa din ako sa pagpara pero pana'y puno na ang loob ng mga sasakyan at sa mas lalong sinuswerte kong kapalaran, bigla namang ang nagtago ang araw at kumulimlim ang ulap. Kasabay 'non ay ang tunog na nagpapaalala sa'kin na malapit nang umulan.
Lumingon ako sa likuran ko at naroon pa din si John na chill na chill lang na nakasandal sa may gate. "Ano, sabay ka na?" Tanong nya habang nakangising-aso.
Tiningnan ko lamang sya ng masama at pinapatay ko sya ng palihim sa utak ko. Gustong-gusto ko syang saksakin, sarap ilabas yung armalayt ko at pagbabarilin 'tong lalaking nasa harapan ko.
Hindi ko pa rin sya pinansin at ipinagpatuloy ang pagpapara kahit nangangawit na'ko. Magpasundo nalang kaya ako kila papa? Ihhh. Ayaw ko din maging sagabal! Sa kasamaang palad, puno pa din talaga 'yung mga dumaraan. Yung totoo? Sinasadya ba sa'kin 'to! Urrrgh.
Napasimangot ako, bakit ba punong-puno ang mga sasakyan ngayon? Ano bang meron, ha! Bad trip na'ko, ayaw ko ng sobrang tagal na naghihintay.
"Maghihintay ka pa ba ng iba?" Nagsalita nanamn sya, nakakairita. "Kung nandito naman na'ko, ikaw nalang din ang hinihintay ko." Natulala ako sa mga sinabi nya. Is he insane?
Umupo ako na parang palaka sa gilid, nangawit na'ko. Tumingala ako at naramdaman ko ang biglang pagpatak ng tubig na napunta sa pisngi ko. "Urrrrrgh!" I screamed in frustration, at tuloy-tuloy na ang patak ng ulan.
Natawa naman sya sa reaksyon ko. No, as in no. Hindi ako sasabay sakanya kahit na maulanan man ako rito. Maghihintay ako, baka sakaling meron pang bakante.
"Uy, hindi ka pa ba sasabay sa'kin?" Bakas ang pag-aalala nya sa kanyang boses. Hindi ko sya pinansin at iniwasan ko sya ng tingin. Nanatili ako sa kinauupuan ko, at habang tumatagal mas lalong lumalakas ang kaninang ambon na naging ulan na.
Halos wala na ring tao rito, at kami nalang ang natira. Nagulat naman ako nang bigla syang lumapit sa kinauupuan ko kaya't napaatras ako ng kaunti. Hindi na sya muli umimik, tinanggal nya ang polo nya at inisabig sa'kin na parang nagsilbing jacket.
Nakasando na lamang sya, at basang-basa pa kaya kitang-kita ang hubog katawan nya. "Hindi man masyadong nakakapagpabawas sa lamig mo at least medyo makakatulog sa iyo."
BINABASA MO ANG
Why Leave Me? • KATHNIEL •
ФанфикIt all started when it used to be just a simple life that Harleen Xena Quinzel lives with.