28.
Tiningnan ko lamang sya ng walang ekspresyon. "Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi ka pumapayag na iuwi na kita." Imik nya.
Tahimik lang kami kahit mukha na kaming ewan dito na nagbababad, basang-basa at tinitiis ang lamig ng ulan. Hindi ko ininda ang lamig, hindi na nanginginig ang mga labi ko dahil dito.
Niyakap ko ang sarili ko at ramdam ko na din ang bigat ng ulo ko na at kumikirot-kirot. Sa hindi inaasahan, naisandal ko na ang ulo ko sa kanyang balikat, "Hindi ko na kaya..." bulong ko.
Bumibigat na din ang mga talukap ng mata ko, at nagbabadyang ilang sandali nalang ay baka mawalan nanaman ako malay. Naramdaman kong gumalaw sya at tiningnan ako, "Uwi na tayo?" Tanong nya.
Marahan akong tumango. Kaaagad naman syang gumalaw at iniangat ang ulo ko mula kanyang balikat. "Kaya mo pa bang maglakad?" Tanong nya habang inilahad ang kamay nya na kaagad kong tinanggap.
Tumango ako kahit halatang hirap na ako. Kinuha nya naman ang kamay ko at pinaakbay ito sa balikat nya, nilagay nya ang kamay nya sa bewang ko at inalalayang maglakad.
"Inaapoy ka na yata ng lagnat." Sabi nya habang nagdikit ang balat namin. Para naman akong nakuryente sa sinabi nya.
"Okay lang ako—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla nya akong pinutol.
"Hindi ka okay, okay? We'll just go straight in our house, kailangan mo kaagad makainom ng gamot. Doon ka na rin magpahinga, ipagpapaalam nalang kita sa parents mo."
Hindi na ako nakapagsalita at patuloy sa paglalakad. San ba kasi 'yung sasakyan ng lalaking ito? Paghakbang ko sa'king kanang paa, dahil sa bwisit na batong nakaharang sa daan ko, natapilok ako at nawalan ng balanse. Biglang bumagsak ang buong katawan ko na agad nya namang nasalo.
"Tsk. Ang tigas kasi ng ulo mo eh," pabulong nyang sinabi pero narinig ko pa din naman. Pagkatapos 'non ay binuhat na nya ako parang 'yung buhat ng pang-bagong kasal.
Hindi na'ko umangal dahil tila nawalan na din ako ng lakas na sigawan sya. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko, kasi kanina ko pa gustong gawin 'yun.
Pagkatapos ng ilang minuto nya akong binuhat, ay naramdaman ko ang pagbukas nya ng pintuan na ang alam ko ay sasakyan. Nanatili akong pikit kahit alam kong hirap sya, huh serves him right.
Naramdaman kong maingat nya akong inihiga sa passenger seat, paalis na sana sya upang makapunta sa driver's seat pero dama ko ang biglang pagtigil nya.
The he suddenly uttered these, "I'm sorry..." Calmly but I felt the sincerity. Akala nya siguro tulog na ako, but damn I'm still conscious.
It's like those butterflies finally lift up again, he brought them back. Then the next thing I knew was me, feeling that need to rest.
* * * * * *
I woke up feeling still tired, pakiramdam ko ang buong katawan ko ay sobrang bigat. Sobrang masakit 'yung ulo ko.
Laking gulat ko nang makitang balot na balot ako ng isang makapal na kumot. Then I've realized, I'm the same big room. Same room where Gazer took me.
And the thought na narito nanaman ako for the second time, is the big chance na makita ko si Gazer. He mentioned noon na magkapatid nga pala sila ni John.
Ano nalang kaya ang iisipin ng nanay nila kung narito nanaman ako? Kung alam ng mommy nila na parehong ex ko ang magkapatid. That would be awkward, sabi ko sa sarili ko.
Mas sumasakit ang ulo ko sa t'wing maiisip ko nanaman 'yun at kung ano nga ba ang dapat kong gawin.
"Ma'm heto na po pala ang pagkain ninyo." Napatalon ako sa kama nang narinig kong may nagsalita at nakabukas na pala ang pintuan.
"Nagulat ko po ba kayo ma'm?" Napayuko sya. "Naku sorry po." Maid lang naman pala nila. Ipinunta na nya ang tray sa harapan ko.
Nginitian ko sya, "Okay lang—"
"Lorie naman kasi, bakit hindi ka kumatok?" Napatingin kami pareho sa kung sinong nagsalita. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko kung sino ito.
"Humihingi po ako ng pasensya sa nagawa ko, madame." Yumuko ito. Nginitian lamang sya ni tita Arlene.
"You may now go." Sambit nya lang at kaagad namang lumabas 'yung maid. "I'm sorry about what happened earlier." Biglang bumaling ang kanyang tingin sa akin na syang nagpakaba sa akin ng husto.
"A-ah eh, okay lang po 'yun hehehe." Napakamot nalang ako ng ulo then I awkwardly smiled at her.
Bigla syang lumapit sa'kin at kinuha ang thermometer sa table sa tabi ng kama. I was paralyzed when she checked my temperature.
Kumunot ang kanyang noo nang makita ang resulta, "You need to eat your breakfast, then take the your medicine. Then you may now take a rest. 'Wag kang magpapalipas ng gutom o kalilimutang inumin ang gamot." She ordered. Bakas ang pagka-awtoridad sakanyang boses kaya hindi pa din humupa ang kaba ko.
Naglakad sya papunta sa tapat ng pintuan. "You can stay here until you get better, I wouldn't mind." She coldly said.
* * * * * *
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang tumayo na sa pagkakahiga at hanapin ang bag ko. Nang makapa ko na ang phone ko ay agad kong tinext si Papa para ipaalam na narito ako sa bahay ni tita Arlene.
Napatingin ako sa oras, halos hapon na pala. Napatagal tuloy ang tulog, hindi gaano masakit ang ulo ko pero meron pa din kaunti.
Lumabas na ako sa kwarto at saktong nadatnan ko si Gazer sa hallway, bumilis ang pintig ng puso ko. Kung may nararamdaman man ako ngayon, iyon ay dahil sa kaba lang.
Natigil sya at nagkatinginan kaming dalawa saglit at ako ang nag-iwas. "U-uh hinahanap ko nga pala 'yung kapatid mo para sana uhm ano. Uhh magpasalamat sakanaya at—"
"He ain't feeling well." Hindi pa man ako natatapos magsalita ay sumingit na sya, that was so rude! Tapos 'yun lang din naman ang sasabihin nya.
"Okay, then please just tell him." Mahinahanon kong sinabi. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad.
Ilang hakbang palang ay tumigil din ako kaagad nang maalalang may nakalimutan ako. Nilingon ko sya ulit, "At pakisabi na rin na magpagaling na sya. I'm looking forward of talking to him soon."
Hindi pa ako nakakalayo nang madinig ko syang muling magsalita. "Leen, gusto sana kitang makausap."
BINABASA MO ANG
Why Leave Me? • KATHNIEL •
FanfictionIt all started when it used to be just a simple life that Harleen Xena Quinzel lives with.