13.
"Leen! Leen! Leen!" dinig ko yung boses malapit sa tenga ko, nakakarindi. Nakakairita, sarap na ng tulog ko eh.
"Tumigil ka nga dyan, nakakairita yang boses mo. Kaaga-aga pa, mamaya ka na mang-gising. Natutulog pa'ko eh!" Sagot ko at tinakip ko yung unan sa tenga ko. At nang maramdaman ko nang nawala na yun, tinanggal ko na yung unan.
Napangiti naman ako, at umayos ng higa habang nakapikit pa din.
Pero napakunot ang noo ko nung madama kong may nagpupumilit na idilat yung mata ko gamit yung mga daliri nya.Napadilat ako ng di oras, "Ano ba!?" Napasigaw na'ko, eh ang kulit eh.
"Oy, gising na mag-toothbrush ka na! Baho ng hininga mo, sisigaw ka pa sa harap ng mukha ko." Aba ang kapal naman neto! At dun ko lang napagtantong sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa.
"Maligo ka na, kaya ka pala araw-araw kung ma-late eh! Hindi ka ba nagpapagising o kahit i-set mo manlang yang alarm ng orasan mo?" Ang aga-aga pa kaya, hello!? 5:30am palang eh, 7am ang classes ko.
"Eto na nga oh, maliligo na!" Iritado kong kinuha yung tuwalya sa gilid tapos papasok na'ko ng banyo nang ma-realize ko kung sino itong taong 'to na nasa loob ng kwarto ko at nagsimulang manggising sa gantong oras at kung manermon dinaig pa tatay ko!
"Teka nga, aba aba! Gazer, ba't pano ka nakapasok sa kwarto ko? Sa bahay namin, ha? At kung makapag-utos ka kala mo utusan naman ako!? Ganda mong pambungad ng araw, ah?"
Nag-peace sign lang sya, "Umakyat ako sa bintana ng kwarto mo, eh na-miss kasi kita, sorry ha? Napaka-cold mo kasi kahit mga texts ko di mo manlang ma-reply-an." Bigla syang sumimangot, ang drama talaga.
"Eh nakakatamad mag-type eh, tumawag nalang sana." Pa-inosente kong sagot. Pero totoo naman eh!
Mas sumimangot pa tuloy sya, awww ang cute nya. Para lang syang tuta.
Lumapit ako sakanya at tumungo ako sakanya pilit na inaabot sya, sa tangkad ba naman netong lalaking 'to. "Anong ginagawa mo?" tanong nito.
"May sasabihin ako, halika!" sumunod naman sya sa sinabi ko. Inilapit ko ang labi ko sa pisngi nya, and ...tsup!
Pagkatapos ko syang hinalikan sa pisngi, namutla sya sa gulat sa ginawa ko. Mas natawa tuloy ako tingnan ang mukha nya HAHAHAHA!
"Sige, ligo na'ko! Uwi na shooo! Baka silipan mo pa'ko eh." pagtataboy ko sakanya.
Doon lang sya nanumbalik sa reyalidad. "As if naman sisilipan kita, eh ang taba mo naman ewww." Saad nito.
"Maka-ewww ka naman! Umuwi ka na nga, baka ikaw pa ma-late eh! Shoooo!" Sabi ko dito.
"Osige, sunduin kita mamaya ha? May utang ka pa sa'king kiss, take note sa lips naman." Nang-aasar pa talaga sya.
"Mukha mo! Asa ka namang makakuha ka, bleh!"
Narinig ko pa ang tawa nya bago pa tumahimik ang loob ng kwarto ko. Umuwi na muna talaga sya.
× × × × × × × × × × × × × × × ×
At talagang ang aga nya pa ako sinundo, ni hindi ko pa nga natatapos yung breakfast ko.
"Hoy, ano bang meron at bakit sobrang aga mo?" pag-rereklamo ko.
"'Wag nang masyadong maraming sinasabi, pasok na!" at binagbuksan nya nga ako ng pinto ng sasakyan.
Nasa passenger's seat ako nakaupo, ang seryoso nya magmaneho. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan.
"Yung utang mo nga pala." Bigla nyang sinabi.
"Huh? Anong utang?" Wala naman akong natatandaang umutang ako sakanya ah?
"Kakasabi ko lang kaninang umaga, nakalimutan mo na!?" medyo nairita pa sya.
"Sabihin mo nalang!" sabi ko.
"Yung kiss!" at ayun hinampas ko nga yung braso nya ng sobrang lakas, bakat pa yung kamay ko doon.
"Aray ang sakit! Problema mo? Bakit ba ang bayolente mo kay babae mong tao!" Ginamit naman nya ang isang kamay nya upang himasin ang braso nya pero nakatutok padin sya sa pagmamaneho.
"Eh sira ulo ka kasi eh, ang seryoso na nga eh nagawa mo pang mang-asar!" 'Yon lang ang nasabi ko.
Nag-make face naman sya, at naiinis ako kasi ang cute talaga! Kinurot ko yung pisngi nya, tumawa naman sya.
× × × × × × × × × × × × × × ×
Ilang minuto lang 'yung byahe kaya nakarating nadin naman na kami sa school.
Dinala nya ako sa court kung saan nagpapractice ang mga basketball players.
Binati naman agad sya ng kanyang mga tropa, at ako? Pinaupo lang sa isang sulok. Ano bang dahilan at bakit nya ako pinapunta dito, at ang aga pa ha may practice sila? 7:12am palang.
"And why the heck am I even here?" I asked him with irritated look. Watching basketball practice is so boring, I mean oo madaming gwapo with pandesal (abs) pero ang boring padin.
"You're my lucky charm," he winked. "Today's our last practice, mamayang 10am na ang game. So make sure you'll be there, alright?" He smiled. Urgh.
"Alright. Alright. Just treat me some snacks after." I rolled my eyes. Oo na, malakas ka talaga sa'kin!
So I watched their boring basketball pratice until 9. I didn't attend class since mas boring naman ang gagawin dun.
Para akong ginawang yaya doon, pinaghawak ako ng mga errr basang shirts nya pero infairness ang bango mga besh kahit pinagpawisan na. Pinaghintay ako sa locker room nila ng ilang oras na ba!? Naiirita na'ko.
Pagka-labas nyang locker room, sinalubong ko agad sya. "Ano pa pong balak nyong ipagawa sa'kin, señor?
"Wala naman sa ngayon, antayin mo nalang muna ako saglit sa canteen at oorder ako ng kakainin natin at tsaka mag-lunch tayo together. So ayun lang naman, salamat nalang sa pagtatanong. Na-appreciate ko talaga ang concern mo." Ngumiti pa sya sa'kin ng nakakaloko.
So that's it, hindi ko na napigilan! Dinuro ko sya, "You're so—urgh! So unbelievable!" At nag-walk out na'ko. Mag-lunch ka mag-isa mo, bahala ka sa buhay mo!
Pagkatalikod ko, bigla nyang hinawakan yung braso ko at saka inihirap ako sakanya. "Eto naman, galit agad?"
Baliw talaga 'to eh, "Eh sino bang hindi magagalit dun!?"
Hinigit nya ako at inilapit ang mukha nya saakin and ...tsup!
He smacked me a kiss in my cheeks, nanlaki ang mata ko sa ginawa nya.
Tiningnan ko lang sya ng may halong pagtataka, "Oh ba't ganyan ka makatingin? Kulang pa ba?" Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita. I was left dumbfounded."Ahhh.. Kulang pa ha!" tsup! tsup! tsup! tsup! Hinalikan nya ako sa noo, sa kabilang pisngi ko, sa ilong ko, at sa iba pang sulok ng mukha ko. But he never kissed my lips.
Inilayo ko naman ang mukha nya sa'kin at saka tumawa, "Oy tama na, oo na bati na tayo! Happy?"
He hugged me so tight. "Yeyyyyy!" His reaction was just like a little boy who just won a first prize on a game.

BINABASA MO ANG
Why Leave Me? • KATHNIEL •
FanficIt all started when it used to be just a simple life that Harleen Xena Quinzel lives with.