24.
Fran's POV
Nagulat ako sa biglang pagdapo ng palad ni Harleen sa aking pisngi. I looked into her eyes, eye full of sorrows she's having through. Kahit masakit sa kalooban ko, sabi ni Gazer, kailangan eh. I need to make her forget how to love him completely, bago pa man nya malaman ang totoo. Or at least, I'll make her learn how to love me, but that's impossible, I know.
"Harleen, I'm sorry." Lumapit ako sakanya at iniharap ang kanyang mukha sa akin. Umaagos ang kanyang mga luha mula sakanyang mga mata.
I wiped her tears using my thumb, "Shhh. I'm sorry, okay?" I said, trying to calm her down.
She sobbed then she buried her face in my chest, asking me the question, "Am I that hard to love?" Harleen, kung alam mo lang...
I hugged her as I tight as I can, "Hindi ka naman mahirap mahalin. Andito pa din naman ako, diba?"
Humiwalay sya sa aking yakap, "I'm glad you came into my life," she smiled. "Thankyou for being there whenever I'm at my worst. You're the best guy best friend I love.." First blood. Ouch. Best friend. But at least, sinabi nyang mahal nya ako!
I know it'll take time, I'll just have to wait. I'll heal every broken pieces of hers, it'll be my duty from now on. Napaka-fragile pa naman ng isang 'to. Madaling mahulog, madaling mabasag.
I pinched her nose, "Tama na nga! Ang pangit mo pag umiiyak, hindi bagay." Sabi ko ito sakanya.
"Naiisip ko nga minsan, kaibigan ba talaga kita Fran? Bakit sobrang sama mo sa'kin!" Pinalo-palo naman ako nito, ngunit iniharang ko ang aking mga braso.
"Pero kahit ganon, ikaw talaga pinakamamahal kong beshyyyy!" Tumalon pa ito at bigla akong niyakap. Ang bilis nya magbago ng mood?
"Weirdo!" Ang tanging salitang nasabi ko sakanya.
* * * * * * * *
Harleen's POV
Tama nga siguro si Fran, kailangan ko nalang tanggapin dahil iyon siguro ang mas ikabubuti ko. Pagkatapos ng usapan namin kanina, nagpaalam na ito dahil may pasok pa daw sya. Tumatakbo pa man din sya bilang maging isang valedictorian sa klase nya.
So ako naman? Eto pumuntang park, naglalakad-lakad lang kasi ayaw kong pumasok, ang boring pero mas boring pa kasi 'pag pumasok pa ako.
Tutal malapit naman nang mag-4pm. Marami naman na ding mga tao dito, dahil malamang uwian na nila yung iba. Karamihan ay ang mga bata kasama ang kanilang nanay at tatay.
Umupo lamang ako sa isang swing roon at pinagmasdan ang pamilyang nagsasalo-salo ng buo sa isang hapunan dito sa park. I was still wondering why mom have to leave me with my dad? Ang na-alala ko lang ganito din kami noon kasaya nila papa. Ano ba kasing dahilan nya?
"Miss, mukhang mag-isa ka ah?" Biglang may nagsalita sa likuran ko. Gusto ko sanang sabihin na bulag ba sya? Kasi obvious naman pero napangaga ako nang paglingon ko sa kung saan galing ang boses na iyon.
"J-john?" Nauutal na banggit ko sa pangalan nya. Bakit pa sya biglang nagpakita? "Bakit ka andito?" Tanong ko.
Hindi nya pinansin yung tanong ko at umupo nalang sa isa pang swing sa tabi ko habang nakangiti. "I missed this place," banggit nito at tumingin sa akin. "Naalala mo pa ba?"
BINABASA MO ANG
Why Leave Me? • KATHNIEL •
Fiksi PenggemarIt all started when it used to be just a simple life that Harleen Xena Quinzel lives with.