XXII: She's Sick

23 19 1
                                    

22.

Francis' POV

Kaagad kong isinugod sa pinakamalapit na ospital si Harleen matapos itong mawalan ng malay.

Ano bang ginagawa nya sa sarili nya? Halos pinapatay nya na ito sa pagka-depressed at pagod. Halata rin sa kanyang mga mata na hindi sapat ang kanyang tulog.

Kasalukuyan syang nasa hospital bed, mahimbing na natutulog. Hindi ko pa ipinapaalam sa kanyang mga magulang ang tungkol sa nangyari sa kanya. Dahil kaninang buhat-buhat ko pa sya ay pilit nyang sinabi sa akin na huwag ipaalam ito sa kahit na sino.

Nakaupo ako sa tabi nya, habang pinagmamasdan ang payapa ng kanyang mukha. Sana na nga lang, Harleen. Kung sana, kung pwede lang, ako nalang. Sa piling ko, hinding-hindi kita magagawang saktan.

Natigil ako sa mga naiisip ko, dahil alam kong hanggang kaibigan nga lang pala ako. Hanggang doon lang.

Bigla akong napalingon nang bigla na lamang bumukas ang pinto, at doon nag-apoy ang galit ko. Halos uminit na ang dugo dahil sa nakita ko.

"Ano pang ginagawa mo dito, Gazer? Matapos ang ginawa mo kay Harleen, magpapakita ka pa! Wala ka na ba talagang hiya?!" Pinilit kong panatiliin na huwag sumigaw dahil baka magising ko si Harleen.

"Hindi ako nandito para makipag-away. Sa labas tayo mag-usap ng mapayapa." Malamig na sinabi ni Gazer habang lumabas at marahan na isinara ang pinto.

Sumunod na lamang ako, dahil kailangan ko talagang malaman kung bakit nya iyon nagawa.  Marami akong tanong na tanging sya makakasagot.

* * * * * *

Harleen's POV

Nagising na lamang ako na mabibigat ang talukap ng aking mga mata. Doon sa tabi ko unang nakita si Fran. Tahimik at seryoso.

"Are you feeling okay now?" Tanong nito. Kahit hindi naman ako okay sa ngayon ay tumango na lamang ako bilang sagot.

"Fran, do you think—" I paused, bakit ko nga ba naisipang itanong ito pero.. Gusto ko talagang malaman. "Do you think Gazer visited me while I'm asleep here?" Pagdugtong ko. Mukhang natigilan naman si Fran at nagulat sa aking naitanong ngunit mabilis din naman nyang binawi ang kanyang reaksyon.

"I'm sorry, Harleen. But I don't think so, nandito ako buong araw pero hindi ko sya nakita." Nadismaya ako sa pagkasabi ng sagot ni Fran. Sa totoo lang ay gusto nang bumagsak ng mga luha ko pero mabilis kong iniwas ang aking mukha kay Fran upang hindi ito mapansin.

"Buong araw? Edi andami mong na-miss na lessons sa school, hindi ka na dapat nag-abala sa pagbabantay sa akin dito." Pag-iiba ko ng paksa ng aming pinag-uusapan habang nakatingin sa kisame.

"It's okay, I can study here. Makakahabol pa din naman ako sa mga lessons, mas mag-aalala pa'ko tungkol sa'yo hindi mo ako hahayaang bantayan ka rito." Pag-papaliwanag nya.

"Harleen, nag-aalala na ako sa'yo. May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tanong nya na napalingon naman ako sa gawi nya. Anong tinutukoy nya?

"Anong sinasabi mo?" I asked with a puzzled look. Naguguluhan ako sa kanya.

"Tungkol sa kundisyon mo, Harleen. Sabi ng doktor hindi lang ito basta epekto ng dahil sa aksidente mo." Nagulat ako sinasabi nya, pero hindi ko pa rin maintindihan.

Why Leave Me? • KATHNIEL •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon