IV: Escaped

192 40 29
                                    

4.

Maingay ang buong paligid marahil sa pagpapatugtog ng malakas gamit ang mga dambuhalang mga speaker. Malawak ang buong kwarto, pero puno ang mga tao rito.

May mga nagsasayaw sa dance floor. May mga nagkukwentuhan sa mga kanya-kanya nilang table. Hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil hindi ko alam kung nasaan ang mga dalawang babaitang yon!

May mga nag-costume pa ng mga anime, parang naka-cosplayer lang. May mga nagsuot lang talaga ng mga maiikling mga skirts sa mga kababaihan, diyosmio. Meron ring pakapalan ng make-up. Nagmistulang club ang party nya.

"Ladies and gentleman, may I call all of our attention for tonight's birthday celebrant." Natigil ang lahat sa mga ginagawa nila dahil sa lalaking nagsalita sa mic.

"May I now call Mr. Willis our birthday celebrant to come here in the stage," Sabi ng host. At mula sa gilid ay pumasok si John sa stage. "Let us give him a round of applause!" Nagsipalak-pakan naman sila.

Napanganga ako dahil sa costume na suot nya sa sobrang gulat. Naghiyawayan na rin ang mga kababaihan mula rito dahil sa pag-ngiti nya. Sino ba namang hindi makakapigil sa patili kung sa sobrang gwapo na nya'y sasabog kana.

"Hey guys!" Bati nya habang kumakaway at kasabay nun ang nakakabasag eardrums na tili ng mga kababaihan. Syempre excempted ako dun. "First of all I would like to say thankyou of all who attented my party so." Dagdag nya.

Bago pa man nya maituloy ang sasabihin ay may sumigaw na ng, "Wooooh! Let's party! Party!" Napangisi ako sa kung sinong sumigaw nito. Isa sa mga barkada ni John, siguro lasing na sya kahit hindi pa nagsisimula ang totoong party.

"Second, before the party. I would like to introduce to all of you, my girl." Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, letse. Kinakabahan ako pero kasabay ng kaba na nagpapabilis ng tibok ng puso ko ay ang ligaya na taglay nito. Halos lumundag na ang puso ko sa tuwa.

Walang ano-ano'y may tumutok saaking spot light. Napatingin lahat ng tao saaking banda. Hindi ko nalang ito pinansin dahil hindi na ako naiilang. Deretso ang tingin ko sakanya mula sa stage habang nakangisi.

Gumawa naman ng daanan ang crowd. Lumakad ako ng parang nang-iingit sa mga Barbie bitches sa paligid. Hahaha, I can feel they're cursing me sa bawat tingin nila. Nakita ko si Pauline sa gilid at ng magtama ang tingin namin ay nginitian ko sya. Isang mala-demonyong ngiting hindi nya makakalimutan.

Paakyat na ako sa stage kung saan naroon si John. Habang nasa hagdanan ako'y inaalalayan nya akong umakyat. Minsan rin naman pala may pagka-gentleman pala syang alam ah.

"Harleen Xena Quinzel, the henchgirl of the stunning Clown Prince of Crime, Joker." Napamewang ako sa sinabi ng host.

Inagaw ni Joker daw ang mic, "So wag nang maraming sinasabi, enjoy the party!" Pagkatapos nyang sabihin ito ay kaagad nag-start ang music mula sa DJ.

Nang mawala na ang atensyon ng buong crowd ay kaagad nya akong hinila pababa ng stage.

"Teka, John san tayo pupunta?" Medyo bakas na sa tono ko ang iritable.

"Sa lugar na hindi mo alam." Malamig nyang sagot at hinawakan ang kamay ko.

"Ano? Tatakasan mo yung party mo!?" Tanong ko.

"Hmmm.. Ganun na nga!" Sagot nya habang nakangiti at nagsimulang humakbang na syang sinabayan ko.

"Ewan ko ba sa'yo. Naka-costume tayo na lalabas?" Inirapan ko sya.

"Hahaha oo nga, ang saya diba?" Tiningnan ko sya ng masama dahil sa sagot nya.

"Hey, dinadalaw ka nanaman ba? Ang sweet kaya nang ginawa ko kanina diba? Aminin mo nga sakin, kinilig ka ba?" Pagmamayabang nanaman nya. Kumunot ang noo ko.

Why Leave Me? • KATHNIEL •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon