Im so overwhelmed with your comments with the previous chapters! Super! Kahit yung A/N. Bongga ang mga comments niyo. Sorry kung di nakakareply dahil busy lang talaga, pero binabasa ko lahat. Salamat talaga sa mga nakakaintindi. Mahal na mahal ko talaga kayo. :)
Dami nagtatanong: Yezzz po, KathNiel pa rin ang next story. Siyempre para di tayo maubusan ng KathNiel dose. :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DING DONG! DING DONG! DING DONG! DING DONG!
“Sandali lang!” Narinig kong palapit na boses at binuksan ang pinto.
“DEEJ!!!” Full force kong isinigaw ang pangalan niya pero I think I’m too late dahil si Yaya lang ang nagbukas ng pinto.
“Mam Kath. Pasok po kayo.” Pumasok naman ako sa bahay nila kahit parang alam ko na. Wala na sila.
“Hinahanap mo po ba sila? Wala na po sila mam. Kanina pa po nakaalis.” Pahabol na sabi ni yaya.
“Ya, akyat muna ako ah?”
Umakyat ako sa bahay nila DJ.Hoping na andito pa sila kahit Malabo na. Dumeretso ako sa kwarto ni DJ. Wala na, malinis na. Talagang iniwan na nila. Hinalungkat ko lang ang mga gamit niya.
Bakit ngayon ko lang naalala ang lahat.
Huli na ang lahat.
Ang masakit pa dun, hindi ko alam kung san ang probinsya nila. Hmmm..
Umupo ako sa kama ni DJ, reminiscing all the memories we had. Naalala ko na talaga ang lahat. Bago ako maaksidente, nagpropose siya sakin.
Ang tanga ko lang dahil hindi ko pa siya sinagot ng OO.
Inuna ko pa si Kimpoy na nagsisinungaling sakin all this time. Who would’ve thought na gagawin niya sakin yun. Akala ko naman katulad siya ni Quen na naiintindihan ang nararamdaman ko for DJ.
Kung sinagot ko na si DJ sa proposal niya, edi sana masaya na kami ngayon. Ang buhay nga naman. Ganito na lang ba? Hindi ba talaga kami para sa isa’t isa??
Nakita kong may puwang sa isang cabinet ni DJ, pinakelaman ko yun, may isang box na may note na nakalgay.
“Anak, these are the things that will help you to remember the girl you loved and I know you will love forever. Sorry if we kept this a secret from you. We know that you and Kath’s hearts will find its way to remember each other.”-Mom
Binuklat ko yung box at nakita ko yung mga gamit, regalo, pictures namin ni DJ, simula nung nanligaw ulit siya sakin. Eto pala ang mga bagay na pilit itinatanong sakin nila Julia na hindi ko maalala.
BINABASA MO ANG
Another Chance Just for Love (Book 2) : "Last Chance"
FanfictionHow many chances can you give just for love? The story continues... Will they ever get their Last Chance? ♥