=Kath’s POV=
“Kath??”
“Ate Kylie!!!!” Napasigaw ako at napayakap sa kanya, ganun din siya.
“Ok ka lang ba? Gabing gabi na ah?”
“A-ateeee!” Napaiyak na lang ako kasi sa sobrang takot na rin.
“Huy, bakit naiyak? May nangyari ba sayo? Lika nga sa loob.”
Pumasok na kami sa bahay nila. So hindi pala talaga ako niloloko ni Kimpoy. Medyo malaki din yun bahay nila kahit bungalow lang. Andito kami sa kusina at binigyan niya ako ng tubig. Nanginginig pa rin kasi ako.
“Ano ba kasi talagang ginagawa mo dito? Gabi na ah?”
“Ate, muntik muntikan na kasi ako dun sa mga lasing na yon.”
=Kylie’s POV=
Eh? Anong ginagawa ni Kath dito. Obvious naman na sinundan kami. Pero bakit? Kawindang ah?
“Ate, muntik muntikan na kasi ako dun sa mga lasing na yon.” Kitang kita ko sa itsura niya na takot na takot siya.
“Nako, eh madami talagang ganyan dito. Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, anong ginagawa mo dito??”
“Sinundan ko po kayo, kasi gusto ko SIYA makita.” Biglang napabuntong hininga siya.
“Eeee. Kath! Delikado naman yang ginawa mo. Buti na lang at naglakas loob kang kumatok.”
“At buti na lang ikaw ang nakita ko.” Napatingin siya sakin na may lungkot sa mata niya. Bakit kaya??
Inalok ko na siya ng pagkain pero wala siyang gana, lumabas na lang muna kami sa garden sa likod ng bahay namin para mag-usap.
“Kath, I have a question.” Umpisa ko, masyado kasing tahimik.
“Kung bumalik na yung ala-ala ko? Yes ate. I can remember everything now.”
“Kaya mo ba kami hinanap? Ayoko mag-assume, pero mukhang yun nga. Pumunta ka ba dito para sa kanya??”
“Opo.”
“Pero para san pa Kath?? I mean, diba kayo na ni Kimpoy?” Gaaaah bat nagiging parang mean ako kay Kath. Ayokong magalit siya sakin.
“Hay, sabi na nga ba.... Ate, ayaw mo na ba ko para kay DEEJ?” Nakatungo lang siya, ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Another Chance Just for Love (Book 2) : "Last Chance"
FanfictionHow many chances can you give just for love? The story continues... Will they ever get their Last Chance? ♥