Request for dedications is over. Eh kasi po, matatapos na to. Hehe. Ilang chapters na nga lang ba!? Tenen! Bahala na. baka 2 na lang :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=Kath’s POV=
Bat ganon, parang tama si Ate Kylie, medyo naging magulo desisyon ko ah?? Gusto ko maging ok kami pero ayokong sabihin ang totoo. Na mapapadali na sana?
Alam niyo kung bakit??
Dahil gusto ko…
Gusto ko marealize niya na hindi ko siya niloko.
Na siya mismo ang makaramdam nun.
Gusto ko siyang bigyan ng space para mag-isip pero hindi ako lalayo sa kanya.
Ako naman ang magpapaka-stalker niya.
MAHAL KO SIYA EH.
Ganun talaga..
Kaya DEEJ hangga’t kaya ko pa.
Sana sabihin mo na.
=After 2 weeks=
=Someone’s POV=
2 weeks na pala. Ganon lang ang nagyari, parating pumupunta si Kath kina Ate Kylie, Pero pag nakikita naman niya si DJ, natatameme lang siya. Si DJ patuloy lang din nag-iisip kung bakit andito si Kath pero lagi silang lumalabas nung Ysa na yun. Si Ate Kylie ang pumapagitna sa kaguluhan nung dalawa, ewan, pero parang naaaliw pa siya.
Minsan nasusungitan ni DJ si Kath, hindi pala minsan, madalas. Ewan, bitter pa rin ata. Pero kung alam niya lang ang totoo, hindi siya magkakaganyan. Para ngang gusto ng sumuko ni Kath, pero kinakaya niya pa.
=Kylie’s POV=
“Bangon na! ang batugan nito!” Tinutulak ko si DJ sa kama niya, pupunta pa kasi kami sa palengke. Fiesta kasi dito ngayon, maghahanda kahit papano.
“Ano ba ate!!”
“Hoy DJ, mamimili tayo ngayon diba?”
“Aiissshhh! Oo na!” Umupo na siya sa kama niya na nag-iinat pa, umupo na rin ako.
“DJ, anong nararamdaman mo?”
“Saan?”
“Sus. Parang di naman alam tinutukoy ko, malamang dun sa pagpunta ni Kath dito.”
“Wala.”
“Wala daw?? Lokohin mo lelang mo! Hindi nga! Seryoso!”
BINABASA MO ANG
Another Chance Just for Love (Book 2) : "Last Chance"
FanfictionHow many chances can you give just for love? The story continues... Will they ever get their Last Chance? ♥