Sorry Sorry Sorry for the supe duper delay po. Forgive author please? T.T I'll try to adjust po para hindi naman once a week ako mag-update. Promise. Salamat sa pagintindi. Thank you. Enjoy reading po sana.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=Julia’s POV=
One week bago pa kami nakalabas ng ospital dahil nagpagaling muna si Kath. Ok na siya, medyo palagi na lang sumasakit ang ulo niya. Dahil nga siguro dun sa aksidente. Simula nung humiwalay ng kwarto sina Dj sa ospital, ni minsan hindi na niya nabanggit pa ito. Sobrang iwas siya.
Andito na ulit kami sa bahay at balik na naman kami sa dati. Kagaya nung nakaraang mga buwan ng pag-alis ni DJ. Bumalik na naman ang malungkot at iyaking Kath. Gusto ko na nga sana sabihin sa kanya yung totoo eh, na sila na ulit ni DJ pero sa tuwing sisimulan ko yung topic, she’s putting a stop to it.
“Goodmorning bes!”
“Goodmorning.” Matamlay na bati niya sakin.
“Ang aga naman para sumimangot. Cheer up.”
“Hay. Want some?” Alok niya sakin ng carbonara na niluto niya.
“No thank you, kumain na ko pero tiran mo ko, kainin ko mamaya.”
“Sure. Iwan ko na lang dito sa table. Alis muna ako.” Kath.
“San ka pupunta?” Tanong ko sa kanya na nakagayak palabas ng bahay.
“Diyan diyan lang.”
“Bes, ayaw mo ba talagang pag-usapan si----“
“Julia!”
“Sorry. Bakit ba kasi hindi mo matanggap na nagbalik na siya??”
“Tanggap ko na yun, pero andito pa rin yung sakit eh.” Sabay turo niya sa puso niya. “Hindi mo naman ako masisisi.”
“Trust me wala na yang sakit na yan. Masaya na kayo." Bulong ko sa sarili ko.
"Huh?"
"Wala. I know, pero bes, wala ka ba talagang maalala sa mga pangyayari nung mga nakaraang buwan??”
“Anu ba kasi yon?? Paulit ulit kayo ng tanong na ganyan sakin pero hindi niyo naman sinasabi sakin kung ano yung dapat kong alalahanin.”
“Hay, kung pwede nga lang sana eh.” Bulong ko sa sarili ko.
"Bulong ka ng bulong diyan. Ano bang sinasabi mo??"
BINABASA MO ANG
Another Chance Just for Love (Book 2) : "Last Chance"
Fiksi PenggemarHow many chances can you give just for love? The story continues... Will they ever get their Last Chance? ♥