=Kath’s POV=
“Hindi na ko papayag ng ganito, itigil na natin to.”
Yan ang huling sinabi niya sakin at bigla ba naman akong tinalikuran. E kung kutusan ko kaya siya?! Hindi pa nga kami eh, ganito na. So ano? Wala na naman?? It’s over between us . AGAIN! Ang labo niya. Dali dali akong pumasok ng kwarto at nagkulong dun. Buti na lang walang tao at walang nakakita sakin.
Umiiyak na naman ako. At siya na naman ang iniiyakan ko. Anu bang nagawa ko at kailangan kong magsuffer ng ganito. Gusto kong ipatanggal ang puso ko sa sobrang sakit. Sana tuluyan na lang akong naging manhid. Humiga na lang ako at nagsoundtrip, hindi ko namalayan na nakatulog na naman ako.
=After 3 hours=
POKE! POKE! POKE!
“Anu ba, kita ng natutulog yung tao eh.” Pagsusungit ko.
“Anak, gising.”
“Mom?? Anung ginagawa mo dito? Diba nasa bakasyon kayo ni Dad??”
“Anu ka ba, nakalimutan mo na bang ngayon ang balik namin?” Dad.
“OH SHOOT!”
“At ikaw dapat ang susundo sa kanila diba??” Paningit ni kuya.
“Sorry ma, nawala sa isip ko eh.”
“Mukhang may problema na naman ang anak ko ah? Magbihis ka, lalabas tayo.” Mom.
“Kayo na lang ma, wala ako sa mood.”
“Dali na bes, magdidinner lang tayo sa labas. Pagbigyan mo na sila Mom, kakadating lang nila oh.” Julia.
“Alright. Wait niyo na lang ako sa baba.”
“Wag mo na masyadong garbohan yang suot mo ah. Bilisan mo.” Kuya.
Nakalabas na sila at nagbihis na ko. Wag daw garbohan eh. So nagshorts na lang ako at tanktop with leather jacket. Para komportable naman. Ilang minuto lang ay bumaba na rin ako.
“Let’s go.” Aya ko sa kanila. Pero pagbaba ko, wala naman sila dun, pumunta ako sa labas ng pinto, wala na din ang kotse nila. May note na iniwan sa pinto.
Something came up with the reservation, kelangan ayusin, sunod ka na lang sa “Somewhere Restaurant.” –Mom
K. Pwede naman tawagan yun diba?? Pwede rin namang hintayin na lang ako. Kelangan ko pa tuloy magdrive. Nako.. Kung hindi lang ako gutom hindi na ko susunod dun. Sumakay na ko sa kotse ko at pumunta na din dun. Pagdating ko, madilim yung resto. Sarado na ba? Pagcheck ko sa time, 9pm na. So I called Mom.
BINABASA MO ANG
Another Chance Just for Love (Book 2) : "Last Chance"
Hayran KurguHow many chances can you give just for love? The story continues... Will they ever get their Last Chance? ♥