01.

402 26 10
                                    

CELINE

Sa buhay ng tao, nandun yung pagkakataong nahihirapan ka na at gusto mo ng sumuko. May mga pagsubok na hindi mo kailanman inaasahang mararanasan mo at meron ding pagkakataong para kang nakalutang sa langit dahil sa pagganda ng takbo ng buhay mo.

Walong bilyong tao ang namumuhay sa iba't ibang pamamaraan. May mga taong sadyang ipinanganak na may silver spoon sa bibig, may mga taong ipinanganak na may kaya lang, may naghihirap, may mas naghihirap, may nagsusumikap para umunlad, pero mas madami naman ang tamad at sumasang-ayon na lang sa agos ng buhay. Tsk. Magbago na nga sila. Amen.

Madami namang pwedeng pagkakitaan pero dahil mas madami nga ang tamad ay pinipili na lang nila kung ano ang mas magaan. Kagaya na lang ng pag-i-snatch na lang ng mga gamit ng iba para ibenta at pagkakitaan. Kawawa naman yung nagsikap para mabili ito.

Sari saring tao ang makakasalubong mo sa daan sa inaraw araw na takbo ng buhay mo, ganun din sa buhay ng bawat isang tao.

May mga Engineer, Technicians, mga abogado, CEO ng mga malalaking kompanya, Nurse, Doctor, Guro, piloto sa mga paliparan, mga office personnel, may mga artista at kilala sa industriya at kung anu ano pa. Pero mas madami pa ding mga snatcher, magnanakaw, holdaper, killer, rapist, akyat bahay gang, kidnapper at adik. Sila pa ang mas madalas mong makikita sa paligid sa panahon ngayon. Kaya nga nag ingat ingat na kayo.

May mga tao din namang kahit hirap na hirap na ay marangal pa din ang pinagkakakitaan. Isa na doon ang mga katulong, mga taxi at jeepney driver, bus operators at higit sa lahat ay ang mga labandera.

Wait, baka iniisip nyo na labandera din ako. Naku, hindi! Mahal ko ang paglalaba pero hindi ko propesyon ang laundry. Pero parang ganun na nga. Confusing ba?

Ako si Celine Pua, isang babaeng may asul na mata, mapuputing balat, mahaba ang buhok at may magandang mukha. *wink emoticon*

Isa akong estudyante sa Yonsei University. Isa sa mga unibersidad na may pinakamagandang facility sa buong Asia sunod sa SOPA. (Disclaimer. Wala akong maisip na pangalan ng school so I borrowed that two exclusive schools in Korea. Hahaha) Sobrang lawak na school grounds, high end equipments sa lahat ng activity area, sing laki na yata ng isang barangay sa probinsya ang area nito. Or mas malaki pa.

Walang tulak kabigin sa katayuan ng bawat estudyanteng nag aaral doon. May anak ng pulitiko, anak ng artista, anak ng mga businessmens. Marami ding foreign na hindi din magpapahuli pagdating doon.

Isa lang naman akong ordinaryong taong pilit ipinasok ni mama sa school na yun. Hindi naman kami mahirap, pero sa laki ng tuition sa school ay talagang maghihirap kami. Sariling flowershop at laundry lang namin ang pinagkakakitaan ni mama para sa amin ng kapatid kong si Charlie. In short, hindi kasing taas ng ibang estudyante na dito nag-aaral. Nasa 7th grade na si Charlie at sa isang private school din nag-aaral. Minsan, naaawa na din ako kay mama dahil wala syang ibang katuwang. Kaya para hindi ako mabagabag ng konsensya ko, tumutulong ako sa kanya kapag wala akong pasok kahit na mukhang ayaw nya. Kapag dumadating ako sa bahay ay ako na ang gumagawa sa mga gawain. Hindi na kailangan ng katulong.

Sa school, masyado ng cliche ang storya ng isang mahirap na aayawan ng lahat. Wala ako sa korean drama o kahit anong nobela. Hindi ako binubully. Kasi maganda ako. Hahaha.

Well mannered ang mga estudyante sa pinapasukan ko. Hindi sila yung mga typical na rich kids na "bully" o kaya naman brats. Meron din naman... Mga iilan.

Meron lang talagang isang grupo ng pinagsamang brat and bully that consists of five. Galit sila sa akin, palibhasa mas maganda ako. Hahaha. Hindi ako nerd at hindi din ako scholar para ibully nila. Hindi kasi nagbibigay ng scholarship ang school para sa mga college na. Sa Middle at Juinior high school lang meron. Kung tutuusin pwedeng pwede si Charlie doon pero ayaw nya. Ayaw nya sa school na ito. Nagkalat daw ang pangit. At isa na ako sa nakalistang pangit para sa kanya. Hindi naman ako makaganti para sabihan syang 'Pangit ka din, magkamukha kaya tayo' kasi hindi naman kami magkamukha. Siguro si papa ang kamukha ko.

It Has To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon