"T-teka lang po, ha? Sino po ba kayo?"
Nacurious na talaga kasi ako. Iyak na nga sila ng iyak, yakap pa ng yakap sa akin. Hindi ba, weird iyon? Baka mamaya pag-isipan na naman nila ako ng masama. Noong una, pakikipagdate sa professor, baka ngayon nagpapaiyak naman. Ni hindi ko nga sila kilala, hindi ko pa sila nakikita kahit minsan tapos andito sila sa harap ko at umiiyak.
Pero isa lang ang tiyak na tiyak ko. Iba ang pakiramdam ng yakap nila.
The middle aged woman continued wiping her tears with her hands while looking at me as well as the man beside her. Nakuha na namin ang pansin ng mga kapwa estudyante dito at ngayon pinagtitinginan na naman kami. Hinila ako ni Margaux papalapit sa kanya.
"Sino sila? Bakit ka iniiyakan? Patay ka na ba?"
Matalim na tingin ko lang ang isinagot ko sa kanya. Pinagsasasabi kasi nito. "Chill lang naman, bestie. Bakit ka ba kasi iniiyakan?"
"Aba, malay ko. Hindi ko sila kilala."
"Oh my god, parents nung kambal. Why o why sila umiiyak?"
"Girl, akala ko ba wala? Bakit nandito sila sa school and why are they crying in front of Celine??"
Here comes the rumor tearing up again. Right, magulang nung kambal so ibig sabihin magulang ito ni Sir. Ano na naman ba ang kailangan nila? Naniniwala ba sila sa issue na girlfriend ako ni sir? Tapos na yun, diba?
"Umalis na kaya tayo? Nawiwirduhan ako sa kanila. Basta basta na lang silang umiiyak eh."
Tumango ako sa sinabi ng kaibigan ko. Siguro kailangan ko lang din magpaalam ng maayos sa mga ito. Hindi naman maganda na basta basta na lang kaming tatalikod.
"A-ano po.. uhm, sir, ma'am. Aalis na po kami. Baka po kasi nag-umpisa na po ang klase namin. Ayoko pong mahuli."
The woman looked at me with her eyes swollen. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya sa hindi malamang dahilan. She held my hand tight, she touched my face like I was a precious gem who needs to keep. She's chewing her lower lips to suppress the tears falling from her eyes but she failed.
"Kumusta ka na?" She managed to ask me."O-okay naman po ako."
"Anlaki mo na.. Lumaki kang maganda. Sobrang ganda."
I'm feeling like confused was understatement today. Teka, lumaki daw akong maganda so siguro kaibigan sya ni mama? Oh.
"Kaibigan po ba kayo ni mama? Para kasing kilalang kilala nyo ako eh."
The man beside her rubs her back as if he was trying to calm the woman down. With that, I saved enough space between us three. Siniko ako ni Margaux, implying that we need to go. Nagring na kasi ang bell.
"May problema po ba kayo? Kung may problema po kayo, mukhang hindi ko po kayo kayang tulungan. Hindi ko po kasi kayo kilala eh. Pero kahit anong pagsubok pa yan, kaya nyo pong lampasan yan. Laban kung laban. Fighting!" I don't know, I've managed to cheer them up despite for being a total stranger. We turned our back to them and walked as fast as we could to reach our room. Baka mamaya kumain na naman ng toyo yung substitute prof namin eh. Toyoin na naman, baka kami pa ang mapag-initan. Ayaw pa naman nun ng late na pumapasok.
"Bilis, bestie! Andun na daw si Datu Puti!" Nagmadali na lang kaming tumakbo papunta sa room. Mamaya ko na lang iisipin yung nangyari.
Pero dapat ko pa bang isipin yun?
Our classes went on smoothly. Wala namang ibang nangyari, walang nagtanong sa nangyari kanina kahit pa ilan sa mga kaklase ko ang nakakita.
Margaux and I went out together and now heading to the school's gate. Uuwi na kami. Sa labas na daw kasi nag-iintay ang sundo niya kaya naglakad na kami palabas. Wala akong balak sumabay ngayon sa kanya. Hindi ko alam kung bakit eh. Parang may iba akong nararamdaman. Ewan.
BINABASA MO ANG
It Has To Be You
Teen FictionShe's been missing for the past fifteen years. She's been living her life being somebody else. Believing in a made up identity and her fake family. Si Celine yung tipo ng babaeng hindi maarte. Mabait na ate, mapagkakatiwalaang kaibigan, masipag sa l...