"Dalian mo nga yang kilos mo, Celine! Para ka namang mamamatay na eh."
"Masyado ka lang talagang excited. Para namang aalis yung sapa dito!"
"FYI, we only have six hours to enjoy! Mamayang hapon pabalik na tayo sa city. Parang gusto ko na nga dito. Ayoko ng umuwi." Nagpout pa sya.
Last day na kasi namin dito sa Antonino na ipinagpapasalamat ko naman dahil sa wakas uuwi na din kami. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan dito, pero kasi madaming mga nangyaring nakakainis at nakakahiya. Nagkayayaan kasing maligo sa sapa kaya heto si Margaux at hindi magkumahog sa kakamadali. Akala mo naman lalayasan sya ng tubig.
"Excited lang talaga akong maligo, hindi ba pwede yun?"
"Excited maligo o excited ka lang magpaturo at makita si Jimin? Hindi ka naman marunong lumangoy, Sy." I deadpanned. Nagpapapadyak sya na akala mo bata habang nakapout. Totoo naman kasing hindi sya marunong lumangoy. Excited lang kasi talaga syang magpaturo sa lalaki para masolo at makatsansing sya. Tong kaibigan ko na to, nakalayo lang sa kanila na ibang tao ang kasama ang landi landi na. Hindi man lang nya naisip na nadito yung pinsan nyang si Sicheng, diba?
"Wag ka ngang KJ dyan, Celine. Hindi ka din naman marunong lumangoy ah!"
-__-
Sabi ko nga, hindi din ako marunong lumangoy. Nasabi ko ba yun? Hindi pa? So ayun, hindi talaga ako marunong lumangoy. Ayokong matuto. Wala akong balak. Nung nahulog nga ako sa lagoon noon, hindi naman kasi malalim kaya hindi naman ako malulunod.
Nag init bigla yung pisngi ko nung maalala ko yun. Alam ko nakalimutan na nya yun at maging ako man kasi ngayon ko lang naalala pero hindi ko maiwasang hindi mamula dahil doon.
Yung poker face na mukha nya noong kapwa kami nahulog naaalala ko pa din. Aish. Ano ba naman yan. Ayoko na ngang maalala yun eh."Ano na Celine? Dito ka na lang ba? Magpaturo ka kay Johnny o kaya kay Hansol kung paano lumangoy. Magaling naman yung dalawang yun, eh."
"Ayoko nga. Dito na lang ako. Hintayin ko na lang kayo."
"Hello, C? Okay ka lang? Sure kang gusto mong magpaiwan dito ng mag-isa?" Nakataas kilay na tanong nya.
"Oo?"
Hindi sya nagsalita pero nakatingin sya sa akin ng nagdududa. Eh totoo namang ayoko eh. Hihintayin ko na lang talaga sila dito.
"Wala kang makakasama dito."
"Ano?"
"Alam mo hindi ka talaga nakikinig sa announcement kagabi nila coach, ano!?"
Sa totoo lang, hindi talaga ako nakinig dahil antok na antok ako. Buti nga namanage ko pang maglakad papunta sa tent namin.
"Nakinig ako ah." Deny ko.
"Oh? Kung nakinig ka edi sana hindi ka papayag na maiwan dito ng mag-isa lalo na at matatakutin ka."
"Oo nga sabi eh. Hindi naman siguro lahat ng athlete aalis eh. Tsaka--- Aray naman, M! Bat ka ba namimingot?"
"Gaga ka! Hindi ka talaga nakinig! Walang maiiwan dito kahit isa kasi lahat may pupuntahan. Ay, nakakainis."
"Di nga?" Kunot noong tanong ko.
"Oh akala ko ba nakinig ka?"
"Oh sorry na." Ako naman ngayon ang napapout.
"Magbihis ka na nga. Nakapajama ka pa eh!"
Tinignan ko ang sarili ko. Okay naman tong suot ko ah? Tsaka hindi naman ako lalangoy. Para saan pa?
"Magbihis ka naman ng iba! Hindi ka ba mahihiya nyan? Andami natin mamaya sa sapa tapos ganyan lang sout mo. Ano ba yan. Kaya ka tinatawag na manang ni Charlie eh!"
BINABASA MO ANG
It Has To Be You
Teen FictionShe's been missing for the past fifteen years. She's been living her life being somebody else. Believing in a made up identity and her fake family. Si Celine yung tipo ng babaeng hindi maarte. Mabait na ate, mapagkakatiwalaang kaibigan, masipag sa l...