02.

250 22 0
                                    

"Sigurado ka bang dito ka na lang?"

Tumango ako sa kaibigan ko. Nag aalangan syang ibaba ako isang kanto ang layo hanggang sa bahay namin. Galing kasi kami sa pamamasyal. Tutal linggo naman at wala namang masyadong gawain ay ipinagpaalam nya na ako kay mama. Pumayag naman sya kaya mabilis pa sa alas kwatro nya ako kung sunduin.

"Malapit naman na ako sa bahay, eh. Mas mabuti pa umuwi ka na agad. baka pagalitan ka nila tita. Lumabas kang walang driver. Don't worry, kaya ko na ang sarili ko."

"Assumera ka talaga bestie. Hindi ako nag-aalala sa'yo no. Tsaka wala naman sila mommy, nasa Hongkong sila. As usual, business trip."

Napairap ako sa hangin. Kahit kailan talaga may pagka-mean ito.

"Sige na, uwi na. Aalis na din ako." She nodded her head and I immediately went out of her car. Nagwave muna ako at hinintay kong mawala sa paningin ko ang sasakyan nya bago ako tuluyang tumalikod. Naglakad na lang ako patungo sa bahay. Kung tutuusin maaga pa kami eh. Hindi lang talaga ako mapalagay kanina habang namamasyal kami, hindi ko alam kung bakit.

Napahinto ako ilang metro ang layo mula sa bahay. Napukurap kurap ako ng ilang beses kung tama nga ang nakikita ko. Nagtago ako sa posteng pinakamalapit sa kinaroroonan ko. May ilang mga lalaking naka business suit ang lumabas galing sa bahay. Meron ding dalawang mamahaling sasakyan ang nakaparada malapit sa amin. Teka, anong ginagawa nila sa amin? Anong ginawa nila sa loob? Bagong client ba yun ni mama sa flowershop? Bagong customer sa laundry?

"Anong ginagawa mo dyan, manang?" Halos himatayin ako sa gulat. Kung sino man ang walanghiyang nagsalita na to ng bigla bigla, makakatikim sa akin. Nilingon ko ito at parang gusto kong maniris ng bubwit. Si Charlie lang pala! Parang may sariling isip ang kamay ko kaya bigla ko syang nasapak ng malakas sa braso. Sa sobrang lakas pati ako nasaktan.

"Aray naman, ate! Bakit ka ba nananakit?!" Hinimas himas nya ang braso nyang sinapak ko habang ako naman ay winawagwag ko ang kamay ko. Masakit eh.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat? Ano bang ginagawa mo dyan?!"

"Nakita kasi kitang nagtatago! Pinaalis kasi ako ni mama kanina sa bahay. Ang sabi bumalik na lang ako pagkatapos ng isang oras. Binigyan pa nga nila ako ng pera eh." Napakunot ang noo ko, ngayon ko lang ulit naalala yung nakita kong mga lalaki kaninang lumabas sa bahay. Lumingon ako sa bahay at nakita kong nadagdagan yung mga lalaki kanina. Nakatalikod sila sa direksyon namin kaya hindi ko makita pero parang pamilyar sa akin yung figure nung nadagdag na lalaki. Unlike nung mga nauna kanina, naka-casual lang ito.

Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita ang figure na yun.

"Bakit ka pinaalis ni mama? Dahil ba sa bisita?"

"May dumating na mga lalaki sa bahay kanina. Hindi naman sila nakakatakot. Mukhang kilala naman nila si mama eh. Tsaka ang yaman, ate. May manliligaw ka na ba, manang? Baka mamamanhikan na yung mga yun ah." Nanggigigil na hinila ko ang tainga ng kapatid ko. Anong mamamanhikan ang sinasabi nito?

"Ah! Ah! A-aray naman manang! Nagbibiro lang ako!" Binitawan ko ang tainga nya at muling tinignan ang mga lalaki. Nakatalikod pa din sila. Yung dalawa sa mga unipormado ay nasa gilid nung itim na sasakyan. Yung isa pa ay nasa may pinto ng driver's seat nung isa pang sasakyan. Driver at body guards yata sila.

Yung nakacasual naman, nakatingala pa sa bahay namin. Sino ba kasi sila? Bakit kasi ayaw lumingon samin para makita ko ang mukha nila.

"Manang,"

"Ano?"

Hindi ko nilingon ang mapang-api kong kapatid. Baka magdilim ang paningin ko at masapak ko na naman sya.

It Has To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon