08.

238 23 11
                                    

CELINE

"Who are you? What are you doing here?" Yan yung mga tanong na gumulat sa akin. Curious lang naman kasi ako kung anong nasa loob ng kwarto dito. Puro pictures lang naman kasi ng mga bata ang nandito. Well, old photos.

Napalingon ako sa nagsalitang lalaki at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko sya. His hair was white, his brows were arching up and he looks like a bitch. At ang nakahuli pa lalo ng atensyon ko ay ang suot nya. Uniform ng Yonsei. Schoolmates kami? Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, not in a way na mukhang nakakainsulto. Tinitignan ko lang ng maigi kung tama ba ang nakikita ko. Pero bakit parang hindi ko naman sya nakikita sa school? Eh, ewan.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?"

"A-ah... A-ano.. tinitignan ka?"

"Alam kong gwapo ako, wag ka ng masyadong pahalata. Sino ka ba? Anong ginagawa mo sa teritoryo namin? Paano ka nakapasok? Sino nagpapasok sayo? Bagong maid ka ba?"

Napalitan ng inis yung curiosity ko. Hindi din mayabang ang isang to.

"Pipi ka ba? Hindi marunong magsalita?" Naglakad sya papalapit sa akin, biglang nagbago ang facial expression nya. Kanina para lang syang nagsusungit. Ngayon, parang nag iba. He looked so dangerous. Titig na titig sya na parang tatagos sa kalamnan mo ang mga tingin nya. This guy was so fierce. He has a strong and sharp jawline, white skin, chincky eyes, itim na itim na kulay ng mata, he's tall. I suddenly remember Jack Frost. Hindi ko alam kung saang movie o anime si Jack Frost, nakikita ko lang sa kwarto ni Charlie ang napakadaming posters nya. He resembles it na parang sya ang inspiration nung creator. Pwede pala yun?

Pero ang hangin talaga ng taong to. Sino ba sya dito? Ang sungit sungit nya. Kaanu-ano ba sya nila mama? Mommy?

Napaatras ako nung tuluyan na syang nakalapit. He was folding his arms over his chest. Umaatras ako, umaabante sya. Ganun lang ng ganun ang ginagawa namin for a few moment hanggang sa bumangga ang likod ko sa pader ng kwartong ito.

Pinantay nya ang mukha nya sa mukha ko pagkatapos ay tinitigan nya ko. Konting kembot na lang magdidikit na ang mga labi namin. Naamoy ko ang hininga nya.

"Hm, asul pala ang mga mata mo? Anong pangalan mo?"

"C-celine.." Hindi ko naman sinasadyang mautal. Kinakabahan lang ako dahil sobrang lapit nya.

"Nice name, but what are you doing here, Celine?"

Nakaawang lang ang labi ko at hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Walang lumalabas kahit isang salita sa bibig ko kahit pa asar na asar ako sa taong to. At ang dahilan? Nag-uumapaw sya sa self confidence. Conceited na masyado.

He cornered me with his two arms, sa magkabilang side sa bandang ulo ko.

"Anyway, you're pretty." And then he flashes a lopsided smile. Kung ibang tao lang siguro ako, baka kinilig na ako pero hindi. Mas lalo lang akong nainis kaya naman itinulak ko sya. Hindi sya gaanong naapektuhan sa pagtulak kong yun kasi ni hindi man lang sya napaatras man lang.

"Oh, fierce. I like that." Nagwink pa sya sa akin na hindi ko naman nagustuhan. Itinulak ko sya ulit at sa pagkakataong ito napaatras na sya.

"Sino ka din ba at kung makaasta ka akala mo hari?" He looked at me unbelievably. At kung inaakala nya na mapapatiklop nya ako dahil biglaang pagtalim ng mga tingin nya, aba hindi. Ako yung tipo ng tao na hindi basta basta nagpapatinag lalo na kapag kagaya nyang puro hangin ang katawan.

Tinuro nya ang sarili nya, nakaawang ang labi. "Tinatanong mo ako, kung sino ako? Teka lang ha, ako muna ang sagutin mo. Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit naman kita sasagutin?"

It Has To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon