CELINE
"Good morning, sunshine!" Masigla akong lumundag pababa ng kama ko nagiikot ikot sa loob ng kwarto ko habang isa isa kong hinahawi ang mga kurtina para sumilay na ng tuluyan si haring araw sa loob. Isa na namang bagong araw. Medyo tinanghali na pala ako ng gising. Buti na lang pala at weekend ngayon kaya pwede kong gawin lahat ng gusto kong gawin.
Nagligpit ako ng mga kalat sa kwarto ko gaya ng araw araw kong ginagawa. Nandito pa din naman ako sa bahay namin nila mama. Hindi naman nila ako pinipilit lumipat ng bahay. May mga konting pagbabago lang ang nangyari sa buhay ko ngayon. May sumusundo pa din naman saking driver na pinapadala ng mga magulang ko. Pero hindi gaya nung una, ako na lang ang hinahatid at sinusundo. Hindi na kasama yung magkapatid dahil may sarili naman pala silang sasakyan. Minsan, personal na sila mommy at daddy ang sumusundo sa akin para ihatid ako sa school. Minsan si kuya.
Hindi naman ilang sa isa't isa sila mama at mga totoo kong magulang. Magkakasundo naman sila lalo na si mama at mommy na parehong may hilig sa mga bulaklak.
Pagkatapos kong mag ayos sa kwarto ko, dumiretso na ko sa banyo para maligo na lang. Wala naman na akong iba pang gagawin kaya mas maigi na sigurong ganun na lang ang gawin ko.
Pagkatapos ko namang maligo at magbihis dinampot ko ang laundry basket sa kwarto ko. Pumasok ako sa kwarto ni Charlie pagkagaling ko sa kwarto ko. Tulog pa pala sya. Niligpit ko na lang ang kalat na libro sa sahig tsaka ko inayos ang table nya. Hindi ko muna hinawi ang mga kurtina nya dahil baka magalit na naman sya. Pikunin pa naman yun at mabilis masira ang mood kapag naiistorbo. Kinuha ko na lang din ang maduduming damit nya pagkatapos ay lumabas na ako.
Diretso ako sa pagbaba. Kumakanta kanta pa nga ako habang bumababa ng hagdan. Pupunta na lang ako sa laundry para tumulong kila aling Linda. Sigurado namang wala na si mama ngayon. Baka nasa flower shop na sya ngayon. Susunod na lang siguro ako dun para tumulong naman. Namimiss ko na din kasing mag ayos ng mga bulaklak eh.
"Celine." Halos mapatalon naman ako sa gulat at nabitawan ko ang laundry basket na dala ko at tumama sa paa ko.
"Aray!"
Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si mommy kasama ni mama. Mabilis naman silang lumapit sa akin. Dinampot ni mama ang laundry basket samantalang hinawakan naman ako ni mommy sa magkabilang braso ko.
"Are you okay?"
"Okay ka lang ba?"
Sabay na tanong nila. Tumango naman ako bilang sagot pero napangiwi ako ng kaunti. Masakit kasi eh. Andami pa namang laman nung basket.
Inalalayan nila ako paupo sa sofa. Tinawag naman ni mama yung isang staff sa laundry at inaabot yung basket. Lah, gusto ko pa namang maglaba ngayon.
"Ano ba namang gagawin mo at dala mo pa ang mga maruruming damit na iyon, anak?" Tanong sakin ni mama.
"Tutulong po sana ako sa laundry ngayon eh. Wala naman pong pasok."
"You don't need to do that, honey. Hindi mo naman gawain yun."
"Tama ang mommy mo, anak."
"Pero naman kasi.."
"Ang mabuti pa, magbihis ka na." Sabi ng mommy ko.
"Po? Bakit po?"
"We're going shopping."
"OH.. Wow." Nandito na kami sa mall ngayon, particularly sa isang maganda at mukhang sosyaling boutique ako dinala ni mommy. Andaming magagandang damit na nakadisplay. Mapa panglalaki man o pangbabae.
"Good morning, Mrs. Young." Magalang na bati ng mga staff sa loob. Tumango lang naman si mommy bilang sagot.
Ngumiti lang ako sa kanila ng awkward pagtingin nila sa akin. Ngumiti naman sila pabalik.
BINABASA MO ANG
It Has To Be You
Teen FictionShe's been missing for the past fifteen years. She's been living her life being somebody else. Believing in a made up identity and her fake family. Si Celine yung tipo ng babaeng hindi maarte. Mabait na ate, mapagkakatiwalaang kaibigan, masipag sa l...