Naglalakad ako sa school grounds pero kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan ako ng halos lahat ng tao tsaka magbubulung bulungan. Hindi naman sila ganyan dati sa akin eh. Kahit naman hindi nila kami kalebel, maayos naman sila sa akin kung makitungo. Pero pagpasok ko pa lang ngayong araw ay iba na. Yung iba tinataasan ako ng kilay ng hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginawang hindi maganda sa kanila pero bakit ganun sila?
Hindi pa naman oras ng pasok kaya nasa labas pa ang karamihan na panghapon ang pasok kagaya ko. Umupo muna ako sa isang bench. Wala si Margaux, naninibago ako. Nakausap ko na sya kagabi at magtatagal pala talaga sya sa China dahil sa lola nyang kamamatay lang. I feel bad for her. Wala man lang ako sa tabi nya para pagaanin ang pakiramdam nya. Gusto ko syang yakapin ngayon at pagaanin ang bigat ng nararamdam nya pero malayo sya. Hay.
Hindi ko alam ang pakiramdam ng mawalan dahil hindi ko pa nararanasan. Lumaki na kasi ako na wala na talaga si papa. Ang sabi ni mama, namatay daw si papa ilang bwan pa lang ng ipanganak si Charlie. Siguro maglilimang taong gulang pa lang ako noon. Lumaki kami ng walang papa, pero hindi nagkulang si mama sa pag aalaga at pagmamahal. Madami syang sakripisyo sa amin kaya mahal na mahal namin sya at gagawin namin ang lahat makabawi lang sa kanya. Pinangako na namin ni Charlie yan sa isa't isa kahit anong mangyari.
"I've seen the School's underground website. Grabe, girl. Akala mo hindi makabasag pinggan. Kaya pala walang ineentertain na guys dito. Mas malaki pala ang target."
"Geez, nasilo na nga nya eh."
"I can't believe what I saw. Kung hindi ko lang talaga sila kilala iisipin kong magkapatid sila. You know, having the same eye color and some facial features."
Huh? Ano bang pinag uusapan nila? Hinanap ng mga mata ko ang nagsasalita at nakita ko sila kabilang bench, isang bench ang pagitan mula sa kinauupuan ko. Mga kaklase ko pala.
"Sure ako alam na ng dean yan. Bawal yun dito, right? Actually sa lahat ng school, bawal ang student-teacher relationship. That's a big no, no. It's either mapapatalsik sa school na 'to si Celine or iteterminate si Sir Marcus dito. Pero hula ko, makikick out si Celine. Anak ni Zander Young si Sir Marcus eh. Honorary. Mayaman ang pamilya nila. Graduate si Sir sa SOPA eh, balita ko dun dapat sya magtuturo but he had chosen Yonsei. Siguro kasi sinundan nya si Celine. Err, kunwari walang alam. May namamagitan naman pala. Eh kung bakit dito din naisipang mag-aral ni Dale at Joaquin, hindi natin alam."
Napanganga ako sa narinig ko. Ako at si Sir? Duh, we don't have a thing! Ano bang pinagsasasabi ng mga to? Hindi muna ako nagbigay ng ibang reaksyon sa narinig ko. Pinagpatuloy ko lang ang pakikinig at nanahimik.
Underground website. Natatandaan ko, lahat ng mga nag aaral dito, isa na ako doon ay may kanya kanyang account sa website na yun para updated sa lahat ng activities na gaganapin sa school. Kahit mga bagay tulad ng dating status ng mga famous students nandoon. Pero matagal na akong hindi nagbubukas noon eh, si bestie na lang ang nagbabalita sa akin.
"Alam na kaya yan ng buong school. Malamang pati sila Dale at Joaquin alam na yun. Baka nga alam nila na girlfriend ng kuya nila ang isa sa mga estudyante nya, hindi lang sila umiimik. Ugh. Nakakainggit pero nakakairita. Ang landi nya. Sana makick out na lang sya dito."
Hindi na ako nakatiis. Napatayo ako na naglikha ng ingay na nakatawag sa atensyon ng mga taong narito, kasama na yung dalawang tsismosa na to.
Mabilis kong tinawid ang pagitan ng bench na inuupuan ko sa bench na inuupuan nila. Napatayo din sila sa gulat.
"Anong sinasabi nyo? Anong meron sa akin at kay sir Marcus?" Nagpipigil ako ng inis. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos dito.
"Duh, Celine. Ipagkakaila mo pa ba? Akala pa naman namin matino ka. Kaya pala hindi ka nagpapaligaw sa kahit kaninong lalaki dito sa school, kahit famous at heartthrob na. Yun pala, kay Sir ka pumatol."
BINABASA MO ANG
It Has To Be You
Teen FictionShe's been missing for the past fifteen years. She's been living her life being somebody else. Believing in a made up identity and her fake family. Si Celine yung tipo ng babaeng hindi maarte. Mabait na ate, mapagkakatiwalaang kaibigan, masipag sa l...