Para akong tumakbo ng napakalayo dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Sanay naman ako na tumatakbo pero hindi ganitong ganito ang nangyayari sa akin. Napapakurap kurap ako, pinakalma ko din ang sarili.
Nung nahulog kaming pareho sa lagoon kanina, hindi sya nagalit pero hindi din sya kumibo. Sabi pa naman nya hindi sya pwedeng bumaba pero dahil sa katangahan ko naman, nadamay pa sya. Tinulungan lang nya akong umahon at pagkatapos ay niyaya nya akong pumunta dito sa tree house.
"Punasan mo ang sarili mo. Wala akong mapapahiram sayong damit kaya pagtiisan mo na lang 'to." Malumanay naman nyang sabi at tsaka iniabot nya sa akin ang isang puting towel. Tinanggap ko naman ito at tumalikod tsaka ako nagpunas. Nahihiya ako sa kanya, dahil kasi sakin nabasa sya.
Pagkatapos kong punasan ang sarili ko, bagamat hindi naman tuyong tuyo, nilingon ko sya. Nakita ko syang nakahalukipkip lang sa bintana ng tree house at nakatingin sa malayo. Naglakad ako palapit sa kanya. Mukha namang napansin nya ako kaya napalingon sya.
"Okay ka na?" Nahihiyang tumango ako at tumayo na din sya ng matuwid.
"A-ano... Sayo ba tong tree house?" Lumingon ulit sya sa akin at walang salitang lumabas sa bibig nya. Basta tumango lang sya. This one is soft. Mukha naman syang mabait, o baka nga mabait naman talaga medyo masungit lang.
"Maganda.. Maganda dito. Ikaw ba ang nagpagawa?" Pinilit ko namang wag kabahan para hindi mautal. Alam ko, hindi pa naman ako close sa kanya o kahit kanino sa kanila bukod kay kuya at sa mga magulang ko. Hindi ko pa sya nakakausap at nakakasama ng matagal hindi kagaya nung si Jacq na kulang na lang ay itali nya ang sarili sa akin dahil sa grounded sya.
"Ako ang nagdesign nito si kuya ang gumawa ng blueprint at si Jacq ang namili ng interiors."
"Ah.." sabagay, engineering student naman talaga siya. Mas mukha ngang sila ang Architecture students dito at hindi ako. Mukha akong sablay student major in katangahan. Meh. Mukhang mapapanisan naman ako ng laway kapag ganito lang ang kausap ko. Hindi sya basta basta kumikibo. Mysterious. Pero nakakaamaze talaga ang tree house na to. Super modern at ni halos hindi mo mapapansin na nasa puno ito kung hindi mo lang makikita ang mga dahon nito sa bubong ng bahay.
"Lagi ka ba dito?"
"Kapag gusto kong mapag-isa." Naguilty naman daw ako. Gusto nya palang mapag-isa ngayon kaya sya nandito pero pumasok pa ako sa eksena at nakapirwisyo pa.
"Sorry." Sabi ko habang nakatungo. Hindi naman na sya ulit nagsalita pa. Natahimik kami pareho. Hindi kami nagsasalita hanggang sa sya na lang ang bumasag ng katahimikan.
"Umuwi na tayo. Baka hinahanap ka na."
"Huh? Ako lang?"
"Mm. Hindi nila ako hahanapin dahil hindi naman ako lumalabas ng mansyon maliban na lang kung may importanteng lakad. Alam naman nila kung nasaan ako." Plain na sagot nya. "Hindi naman ako kagaya ng kapatid kong kung maari lang ay kailangang itali sa puno para hindi mawala." Dugtong nya pa. Gusto ko sanang tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka kasi iba ang isipin nito. Tumalikod sya at naglakad patungo sa hagdan ng tree house. Sumunod ako sa kanya.
Alam ko sa oras na ito, pulang pula na ang mukha ko at hindi na naman mapatid ang tibok ng puso ko. Kanina lang kumalma na to ah. Jusko naman. Inalalayan kasi nya akong bumaba sa hagdan. Gentleman sya, dagdag points para sa mga babaeng may pagka-gentleman ang hanap. Gaya ko. Hehe.
Hindi na ulit kami nag-imikan at sinusundan ko na lang sya palabas sa lugar hanggang sa makarating kami sa mismong mansyon. Tinignan ko ang sarili ko, basa pa din ako at ganun din naman sya. Kailangan ko na ding maligo at magbihis. Baka kung ano pang isipin ng ibang tao dito kapag nakita nila akong ganito ang itsura.
BINABASA MO ANG
It Has To Be You
Teen FictionShe's been missing for the past fifteen years. She's been living her life being somebody else. Believing in a made up identity and her fake family. Si Celine yung tipo ng babaeng hindi maarte. Mabait na ate, mapagkakatiwalaang kaibigan, masipag sa l...