“You need to do a warm-up exercise before swimming...”
“Tss. Masyadong halata.”
“...kailangan yun..”
“Kapal ng mukha para kiligin.”
“Hindi pa kasi ako ni minsan nagtake ng lesson..”
“Tinuruan ka ni Johnny! Tss!”
“Hahahahahaha. Let's start?”
“Sige.”
“Nyenyenyenyenye. Feeling mo ang importante mo.”
“Jacq!” Halos mapatalon sa gulat si Dale, Kara at ang dalawang bata dahil sa malakas na pagbagsak nya ng dala nyang magazine sa table na kinaroroonan nila malapit sa pool. “Anong ginagawa mo?” Salubong ang kilay na lumingon sya sa pool kung nasaan si Yosen at Celine, sakto namang nakatingin ang dalawa sa kanila. Malamang sa lakas ng nalikha nyang ingay narinig din nila ito.
Inirapan nya ang dalagang nakatingin sa kanila tsaka sya umupo ng maayos sa natitirang bakanteng upuan habang nakanguso. Natatawa naman si Kara dahil sa inaasal ng lalaki. Samantalang si Yura naman ay nagpakandong kay Dale mula sa lap ni Kara at sa binata naglambing. Tahimik namang kumakain mag-isa ang pinakabatang si Rylie.
“You act like a jealous boyfriend, kuya Jacq.”
“Kanino?”
Nginuso naman ng babae ang dalawang nasa pool. Yosen is teaching Celine basics. Lalong sumama ang timpla ng mood nito sa nakita.
“Ang pabebe! Naturuan na yan ni Johnny!” Ungot nya sapat lang para marinig nilang nasa mesa.
“Nagseselos ka nga?”
“Hindi ah. Bakit ako magseselos? May kaselos selos ba?”
“Eh bakit ang sama nga ng mukha mo?”
“Hoy bastos. Anong masama sa mukha ko?”
“Eh?” Hindi napigilan ni Dale ang matawa dahil sa pagiging slow ni Jacq.
“May nakakatawa ba?”
“Ikaw. Isa kang malaking joke, Joaquin.”
Sasapakin sana ni Joaquin ang kapatid pero napukaw ang atensyon nila sa tawa ng dalawang nasa pool.
“Ang ganda ni ate Celine.” Puri ni Kara dito. “Right, Rylie?”
“Eo! I wiw mwewi her!”
“Ang advance mo mag-isip paslit ka. Aga mong manguntrata ng sakit sa ulo.” Joaquin deadpanned, napailing naman si Dale dito.
“Masyado kang halata, Joaquin.”
“Pinagsasasabi mo, Dale?”
“Selos ka lang.” Nagmake face lang ito bilang sagot.
“Ah! Andami talagang kunwari hindi marunong pero ang totoo nyan naturuan na talaga! Tatakas ka pa sa mga kasama mo para lang lumangoy mag-isa pero dahil medyo engot ka muntik ka ng mamatay!” Pasigaw na sabi ni Joaquin sapat para marinig nilang lahat tsaka pinagkrus ang mga braso.
Napakurap kurap na lang ng mata ang mga kasama nya sa mesa pagkatapos ay napalingon sa dalawang taong nasa pool.
“Kaasar,” Nangigigil na sabi ni Celine habang nakatingin kung nasaan sila Dale. Akala naman ni Jacq hindi nila naririnig ang mga pinagsasabi ng lalaki. “Ang kapal talaga ng mukha.”
“May problema ba kayo ni hyung, noona?” Tanong sa kanya ni Yosen at tsaka sya nito inalalayan papunta sa gilid ng pool.
“H-ha? Wala naman?” Napangiti sa kanya ang mas bata tsaka napailing. Hindi naman ito inosente kaya aware sya sa mga nangyayari sa paligid nya.
BINABASA MO ANG
It Has To Be You
Teen FictionShe's been missing for the past fifteen years. She's been living her life being somebody else. Believing in a made up identity and her fake family. Si Celine yung tipo ng babaeng hindi maarte. Mabait na ate, mapagkakatiwalaang kaibigan, masipag sa l...