12.

192 19 2
                                    

"Hoy, tumayo ka na nga dyan! Mamaya nandyan na yung service. Para kang mantika dyan!"

"Iwan nyo na lang kasi ako. Ayokong sumama eh!"

"Sabi nang tayo na eh!"

"Aray naman, Joaquin!"

"Baka maiwanan tayo!"

"Edi umalis na kayo. Iwan nyo na ko."

"Asdfghjkllkjhgsfsh$($+/(%-%+!$_$_$__$------"

Ngayon ang araw ng camping naming mga athletes sa school at nandito na kami sa may living room. Dapat kanina pa kami nasa labas pero sa sobrang antok ko pa humiga ako sa sofa at ngayon hirap na hirap na akong bumangon. Sanay naman akong gumising ng maaga pero ngayon kasi hindi talaga ako nakatulog. Hindi ako dinalaw ng antok at kung kailan naman aalis na tsaka ako inantok. Naligo na nga ako at lahat lahat, inaantok talaga ako.

Tumawag na din sila Margaux kanina na on the way na daw ang service ng school dito kaya naghanda na ang magkapatid. Hindi naman sila excited masyado. Kung si Dale ay normal na kilos lang ng isang athlete ang ginagawa, itong si Joaquin naman ang kabaliktaran. Akala mo hindi pa nakakapagCamping sa buong buhay nya eh ngayong school year ay pangalawang beses ng magcacamping ang athletic team. Nung first sem kasi ay hindi ako sumama. Wala naman kasing rules nun na kapag hindi ka sumama, ibabagsak ka sa isang subject kaya imbes na magsayang ng panahon at magpagod ako ng limang araw sa camping na iyun, hindi na ako sumama. At isa pa, masyadong malayo noon ang bundok na pupuntahan namin at masyadong magastos. Sinamahan ko na lang sila mama sa shop noon.

Si Dale ay nakaupo lang sa single couch at may nakasaksak na earphone sa tainga at walang pakialam sa paligid. Nasa paanan naman nya ang mga maletang naglalaman ng mga gagamitin namin sa loob ng limang araw. Suot namin ang university jackets ng athletic team na may tatak ng University sa likod. Sa babae ay light pink, sa mga lalaki naman ay puti. Pareho namang gray na jogging pants naman at white shoes bilang pangterno.

Pero ang hindi ko naman talaga mawari eh kung saang sports club kasali si Joaquin. Kung si Dale, obvious na obvious na nasa basketball team sya dahil varsity player nga ito. At ang hindi ko lang maintindihan, sa aming tatlo ay sya ang hindi nakasuot ng University jacket. Nakasuot lang sya ng hoodie na may monster design. Ang laking pasaway, diba? Kaya hindi ko alam kung athlete ba talaga to o saling pusa lang.

Nahinto lang kami sa bangayan namin nang marinig namin ang boses ni kuya Marcus. Sabay kaming napalingon sa hagdan at nakita namin syang pababa at bihis na bihis. Maging si Dale na kanina ay parang walang pakialam, tumayo na.

"You guys are still here. Baka naman maiwan kayo."

"Wala pa sila, kuya. They're 3 minutes late." Walang ganang sagot ni Dale. Aba, bilang na bilang ang minuto ah.

"Saan ka pupunta, kuya?"

"I have an early flight to Macau. May business trip akong pupuntahan. I wasn't expecting na hindi pa kayo nakakaalis. I thought I was just hallucinating na naririnig kong may nag-aaway and I am right. It's the two of you again." Turo nya sa amin ni Joaquin. Nag ismiran lang kaming dalawa, napailing lang si kuya.

"Bantayan mo ang dalawang to, Dale. I don't want you guys going home wounded." Ewan ko kung nagpapatawa ba o seryoso si kuya eh. Hindi naman sya nakangiti pero hindi naman seryoso ang mukha. Wala kang makikitang emotion. Ano yun, ang weird. "Stop bickering, will you?"

"Tss. Kasi yan kuya, ayaw pang tumayo. Gustong magpaiwan. Gusto nyang bumagsak sa isang major subject nya." Taas kilay na sabi niya kay kuya.

"Tsk!"

Magsasalialta pa sana ako pero biglang nakarinig kami ng sunod sunod na busina ng sasakyan. Marahil ay sila na yun. Mabilis na kumilos ang dalawa para hilain ang mga maleta nila. At dahil tamad na tamad akong maglakad, mabagal ang naging paglalakad ko papunta sa maleta ko.

It Has To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon