CELINE
"Masakit pa ba?" Tumango ako sabay iling. Masakit naman kasi talaga, pero dahil kailangan kong itanggi at magkunwaring matibay, umiling ako. Tinawanan lang ako ng kuya ko pagkatapos. Siguro halata sa mukha ko na masakit talaga. Kakatapos lang kasi nyang linisin ang mga sugat ko sa tuhod at pisngi na nakuha ko dahil sa ginawa sa akin kanina. Sya kasi mismo ang gumamot dito.
Nakapagbihis na din ako. Pagpasok pa lang namin kanina ay may nakahanda ng mga damit para sa akin.
Nandito kami ngayon sa bahay.. Uh, bahay nila. Hindi ko pa masasabing bahay ko ito dahil hindi naman ako dito nakatira. Hindi pa. Hindi ko alam kung nasaang parte kami ng bahay na to. Ang laki laki ng bahay nila, nagkikita kita pa ba ang mga tao dito? Nakaupo lang ako sa isang sofa na kulay blue. Nakikita ko na tong ganitong sofa sa TV eh. Habang sya ay nakaluhod lang sa harap ko habang sinisipat ang tuhod ko. Akala ko iuuwi nya ako sa bahay namin nila mama kaya habang nasa sasakyan kami, nag iisip na ako ng mga pwede kong gawing palusot kay mama kung sakali pero hindi naman pala. Dito kami dumiretso. Hindi ko na din nakita si Dale pagkatapos. Kahit sa sasakyan hindi ko sya nakita. Baka naiwan o kaya ibang sasakyan ang sinakyan nya. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya, kung hindi nya ako nakita kanina hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin. I was so scared. Buong buhay ko hindi ko pa nararanasang masaktan ng ibang tao. Kahit si mama hindi ako napagbuhatan ng kamay. Hindi ko akalaing ibang tao pa ang makakagawa sa akin ng ganun.
Sigurado namang kumalat na yon sa buong school. Madaming nakakita sa nangyari kaya hindi malabong kumalat ito ng parang apoy. Kilala si kuya sa buong school. Hindi lang dahil dati syang nagtuturo dun, kundi dahil na din sa itsura at katayuan nya sa buhay. Sigurado din akong alam na nila na hindi nya ako girlfriend, kundi kapatid. Sino ba naman kasing makakapansing magkapatid pala kami eh sa kulay lang naman ng mata kami may pagkakapareho na mahahalata kaagad.
"Sa susunod na may gumawa ulit sayo ng ganun, tawagan mo ako." Bakas pa din ang pag-aalala sa mukha nya. Parang ang gaan sa loob, kahit pa nasaktan ako may ibang tao pa palang nag-aalala sa akin. Kaso hindi naman iba. Kadugo ko sya.
"Wala ka namang number sa akin eh." I answered innocently. Natawa na naman sya ulit. Nakakatawa ba talaga ako? Hindi naman ako clown para pagtawanan nya.
"Oo nga pala. Wala pala akong number sayo." Inilahad nya ang kamay nya sa akin, naguguluhang tinignan ko sya.
"Eung?" (Hindi ko alam kung paano ko sya ii-spell pero guys, kung paano nyo basahin ang "응" sa Korean, ganun sya. Hehe.)
"Handphone."
"A-ah!" Dali dali kong kinapa ang bulsa ng uniform ko pero wala akong makapang cellphone. "Asan na yun?" Kinapkap ko na lahat ng pwede kong paglagyan pero wala. "Nawawala.." Mahinang sabi ko sa kanya bago ako napayuko. Baka nahulog kanina. Paano ko matatawagan si mama para sabihing wala ako sa school? Naramdaman ko na lang ang paggulo nya sa buhok ko kasabay ng marahan nyang pagtawa.
"Don't worry, we'll buy you a new handphone."
"E-eh kasi si mama.. b-baka hinahanap na nila ako.."
"I already told her that you're with me. Don't think about it too much. She was worried, she knew about what happened. And I also made an action on how to discipline those brats who hurted you."
"Pero hindi naman na kailangan.. Isang sorry lang, okay na ko.." Sabi ko sa mahinang boses.
"Hindi lahat ng bagay nadadaan sa sorry, Lindey. Kung nadadaan lahat ng to sa isang sorry lang, bakit kailangan natin ng pulis? Bakit tayo may batas na sinusunod? Seeing you hurting was the last thing I would want to see in my entire life. Madami akong kasalanan sayo pero hindi nadaan sa sorry nung nawala ka. People needs to learn lessons in life. So those brats will face the consequences of what they did." Seryoso sya sa pagsasalita. Alam ko yun kasi nakikita ko naman kung anong itsura at tono ng pananalita nya kapag seryoso. Para saan pang naging prof namin sya ng medyo mahabang panahon kung hindi ko alam?
BINABASA MO ANG
It Has To Be You
Dla nastolatkówShe's been missing for the past fifteen years. She's been living her life being somebody else. Believing in a made up identity and her fake family. Si Celine yung tipo ng babaeng hindi maarte. Mabait na ate, mapagkakatiwalaang kaibigan, masipag sa l...