13.

138 14 1
                                    

"Sa wakas, natapos din!" Ibinagsak ko ang katawan ko sa loob ng tent na may foam. Buti naman may consideration sila at nagdala sila ng foam kahit manipis lang para sa aming lahat. Kakatapos lang namin i-set up ang tent at talaga namang gusto ko ng mahiga at magpahinga. Sobrang nangangalay na kasi ang mga binti at braso ko sa kakalakad at pagbubuhat kanina. Ni hindi naman ako tinulungan ni Jacq magbuhat ng gamit. Wala talaga syang kahit katiting ng pagiging gentleman.

Inabot na kami ng dilim sa pag aayos. Buti pa yung iba, mabilis lang. Kung hindi pa kami tinulungan hindi pa kami matatapos.

"Ang sakit ng likod ko!" Reklamo ni Margaux sa tabi ko. Naglupasay na din sya dahil sa pagod. Ni hindi pa kami nakakapagbihis dahil sa ginawa namin.

"Nagugutom na ko," Napalabi ako dahil biglang kumulo ang tyan ko.

"Ako din."

Napabuntong hininga ako tsaka sumilip sa labas ng tent. Hindi naman kalayuan ang pagitan ng mga tent namin at kada tent ay dalawanag tao ang magkasama. Ang dami namin. Karamihan ay nasa labas pagkatapos magset up at kung anu anong pinaggagagawa. Buti na lang talaga bukas pa simula ng training. Hays.

Nasaan kaya yung magkapatid na yon? Sigurado naman na magkasama yung mga yun. Inseparable kaya sila.

"Oy C. Nagwawala na talaga mga alaga ko." Nakangusong reklamo ng katabi ko.

"Hindi ka ba bumili ng pagkain sa dinaanan nating convenient store kanina?"

"Hindi. Si Jimin lang ang bumili. Binigyan lang nya ko. Kaso naubos ko na,"

Hindi naman kami pwedeng kumain lang ng junk food. Junk food na lang kasi ang natira sa pinamili namin ni Johnny kanina kasi halos kinain lahat ni Joaquin yun kanina nung paakyat kami. Aish. Napakalaki talaga ng bodega nung lalaking yun! May rice cake na nga, kinain pa lahat ng biscuit na binili ko.

"Antagal naman kasing magluto nila coach!" Nagmamaktol na sabi nya. "Kahit hindi masyadong masarap, makakain lang!"

Hindi na maipinta ang mukha ng kaibigan ko. Oo nga no? Antagal naman yata nilang magluto. Nag announce kasi sila kanina bago kami magset up ng tent na magluluto daw sila pero tingin ko sa dami namin sigurado matatagalan yun.

Hindi ko na lang masyadong pinansin yung pagmamaktol ni Margaux. Uminom na lang ako ng mineral na natira sa binili ko kanina. Nagring naman bigla ang cellphone ko na kaagad kong hinanap. Teka, nasaan na ba yun?

"Anong hinahanap mo?"

"May tumatawag sa cellphone ko. Nasan na ba yun?" Tinulungan nya akong maghanap at halos maihagis ko na lahat ng mahawakan ko.

"Eto!" Itinaas ni Margaux ang cellphone ko na nakita nya sa ilalim ng foam namin. Yung totoo? Hindi naman ganun kakapal ang foam. Siguro mga two inches lang. Nakita kong si kuya ang tumatawag kaya kinuha ko ito kaagad at sinagot.

"Kumusta ang camping? Nag umpisa na ba ang training nyo?" Agad na tanong ni kuya pagkasagot ko. Hindi man lang nag-hello?

"Ayos naman kuya. Bukas pa daw umpisa ng training. Kakatapos lang namin magset up ng tent." Gumugulong gulong pa ako sa higaan habang kausap si kuya.

"Asan yung kambal?" Biglang tanong ni kuya. "They're not entertaining phone calls everytime na may camping kaya sayo ko na itatanong." Napatango naman ako na para bang kaharap ko lang si kuya. Gumapang ulit ako at sumilip sa labas. Sinusubukan kong hanapin yung kahit anino lang ng isa sa kanila para may masagot ako kay kuya. Hindi naman ako nabigo dahil nakita kong lumabas sa pang apat na tent mula sa tent namin si Joaquin habang nakasimangot. Nakita ko pa ngang may kung anong lumipad at tumama sa ulo nya.

It Has To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon