11.

144 17 5
                                    

"Ikaw na kasi ang magdala nyan sa loob."

"Ayoko nga, baka magalit pa siya."

"Pero sabi ni ma'am Josephine kailangang madala na 'tong pagkain ni Young master Joaquin sa kwarto nya para makakain na sya. Baka pareho pa tayong mapagalitan!"

"Eh ikaw na lang kasi! Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto nya ni minsan!"

"Bakit? Kahit naman ako ah. Wala namang nakakapasok dyan maliban sa kapatid nya, magulang at si ma'am Josephine pero minsan lang. Kaya kumilos ka na!"

Kunot noo akong nakikinig sa usapan nung dalawang maid na nasa harap ng pinto ng kwarto ni Joaquin. Nagkataon lang naman na madadaanan ko ang kwarto nila kapag bumababa ako. May hawak na tray ng pagkain ang isa sa kanila at mukhang kabadong kabado ang mga ito.

Pababa na dapat kasi ako para magpahangin sa garden dahil wala naman akong ginagawa sa kwarto ko. Wala din naman kaming klase ngayon kaya tiyak na nandito naman kaming lahat maliban kila kuya at mga magulang namin dahil may trabaho pa sila.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila na nakatayo sa harap ng kulay grey na pinto. Nang mapansin nila ako ay nanlalaki ang mga mata nila at mabilis na kumilos para bigyan ako ng daan.

"Anong ginagawa nyo?"

Nagkatinginan muna sila bago sila yumuko. "Miss Lindey.. D-dala po namin ang pagkain ni young master. Hindi pa po kasi sya lumalabas para kumain ng agahan. Inabot na po kasi ng tanghalian kaya po dinalhan na namin sya." Nahihiyang sabi nung isa. Tumango tango naman ako tsaka ko ulit tinapunan ng tingin ang pinto. Hindi pa sya lumalabas?

Nakakaya nyang hindi lumabas? Samantalang nitong mga nagdaang araw, linggo at buwan, palagi ko syang nakikitang pakalat kalat sa buong masyon. Ni hindi nga daw sya mapakali sa iisang lugar at tiyak na kung hindi lang sila pinagbabawalang umalis twing walang pasok at walang okasyon, bihira mo lang itong makita sa loob ng bahay.

"Bakit hindi pa kayo kumatok?"

Natatarantang napaangat ng tingin ang dalawa. "H-hindi pa po kasi kami nakakapasok sa kwartong iyan kahit kailan. Ayaw po ni young master na may ibang pumapasok sa kwarto nya. A-at tsaka po kapag hindi lumalabas si young master sa kwarto nya, i-isang dahilan lang po ang pwedeng isipin."

"Anong dahilan?"

"Galit po sya."

Tuluyang nagsalubong ang dalawang kilay ko at napatingin sa kanila. Kapag galit sya? Paano nga ba magalit ang isang Joaquin Dalton? Hindi ko pa sya nakitang magalit ni minsan. Lagi syang tumatawa o kaya naman nakangiti. May mga pagkakataon ding nakikita kong intimidating ang itsura nya pero hindi naman sya galit.

"Galit sya?" Tumango tango sila. "Bakit sya magagalit? Baka naman may ginawa kayo?"

"Ay, wala po, Miss Lindey!" Mabilis na sagot nila.

"Celine na lang." Sabi ko. Tumango naman silang pareho.

"Minsan lang naman po sya maging ganyan. Huling nagkaganyan po sya isang taon na ang nakaraan. Masayahing tao po kasi si Young master. Mabait na bata din naman po kahit medyo pilyo. Basta ang alam ko lang po simula nung pumasok ako dito, hindi po talaga pwedeng pumasok sa kwarto nya. Parang exclusive lang po ito para sa kanya."

"Paano kapag nagkakasakit sya? Sino ang nagbibigay ng gamot nya?" Hindi naman ako worried sa kawirduhang ito. Curious lang.

"Lumilipat po sya sa kwarto ni young master Dale." Napataas na ng tuluyan ang kilay ko. Saksakan talaga ng weird ang taong ito.

"Eh sinong naglilinis sa kwarto nya?!" Nanlalaking matang tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila ulit pero hindi nagsalita. Baka naman dump site na ang loob ng kwarto nya! Napangiwi ako sa isiping yun. Naiisip ko pa lang na walang naglilinis sa kwarto nya kinikilabutan na ako eh. Gaano na kaya ito kadumi?!

It Has To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon