05.

240 25 0
                                    

"Umakyat ka muna sa taas, Charlie.."

"Ayoko po. Dito lang ako. Baka paglabas ko wala na si ate. Mama, ayoko po!" Humigpit lalo ang yakap nya sa akin at ganon din ako. Naguguluhan kong tinignan si mama kasunod sila sir L. Humihikbi lang din sila kagaya ni mama at Charlie.

"Charlie, wag ng matigas ang ulo. Makinig ka kay mama. May mga bagay lang kaming pag uusapan na dapat kasama ang ate mo." Hindi sya sumagot. Humihikbi lang sya at tila ayaw talaga nya akong bitawan.

Mrs. Young was hugging her husband as he rubs her back. Si Sir Marcus naman ay nakayuko pero pansin mo pa din ang pag-iyak nya.

"Charlie.. Umakyat ka na. Sige na, mag uusap lang kami." Mahinahon na sabi ko sa kanya pero ramdam ko ang pag iling nya. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko sya iniharap sa akin.

"Ano ka ba? Tama na nga yang pag iyak mo. Hindi naman ako patay ah. Kung makaiyak ka naman para naman akong namatay. Andito pa nga ako oh! Humihinga sa harap mo. Tama na nga yan!" Pilit kong pinatatag ang boses ko kasabay ng pagpunas ko sa pisngi nyang nabasa na ng luha nya ng dahil sa pag iyak. Unti unti ay tumatahan na rin sya pero pansin mo pa din sa mukha nya na parang takot na takot sya.

"Ate, mangako ka ha.." Hindi ako nagsalita, ngumiti lang ako sa kanya. Matalinong bata sya kaya alam kong alam nya ang nangyayari ngayon at ganun din ako. Pero may parte pa din ng puso at isipan ko na sana hindi tama ang hinala ko.

Tumayo sya at sumulyap sa mga bisita pagkaraan ay nagsimula ng maglakad paalis. Patakbo nyang tinungo ang hagdan at walang lingon syang umakyat at dumiretso sa kwarto.

Naiwan kaming lima. Umupo ako sa tabi ni mama at agad kong hinawakan ang kamay nyang nanginginig. Nangungusap ang mga matang tinignan ko sya. Nagpunas ng luha si mama tsaka sya tumingin kila sir. Umayos naman sila ng pagkakaupo at nagpunas sila ng mga kanya kanyang pisngi na nabasa din ng luha.

Wala akong imik at naghihintay lang ng sasabihin nila. Maging si mama hindi din umiimik. Ilang sandaling nabalot ng katahimikan ang buong sala at tanging tunog lang ng orasan ang naririnig.

Hanggang si Sir na ang bumasag sa katahimikang iyon.

"We are here to talk about C-celine, Mrs. Pua."

Napapikit ng mariin si mama tsaka humugot ng malalim na paghinga. Sinusubukan nyang ibuka ang kanyang bibig pero walang salitang lumalabas dito.

"Tungkol sa akin? Ano sir, bibigyan nyo po ba ako ng scholarship hanggang makapagtapos ako ng college ng walang maintaining grades? O baka naman pag uusapan natin yung naging issue sa atin kamakailan lang? Akala ko ba namatay na yung issueng yun?" Hindi naman sa hindi ko naiintindihan ang nangyayari, sinusubukan ko lang pagaanin ang sitwasyon. Ngumiti din ako pero alam ko sa sarili kong peke ang ngiting iyon.

"Anak..."

"Ma, pinagmeryenda nyo na po ba ang mga bisita natin? Nakakahiya naman po kasi. Sir, anong gusto nyong meryenda?"

"We're okay.. don't worry."

"Hindi naman ako worried, sir. Assuming ka. Ayoko lang na baka gutom na pala kayo pero hindi man lang namin kayo mapagmeryenda. Baka isipin mo kasi ginugutom namin kayo. Alam mo na, baka ibagsak mo kasi ako. Diba, mama?" Tumawa ako at pinilit kong maging masaya. Hangga't maaari ayokong buksan ang usapang gusto nilang pag usapan ngayon.

"Celine anak.."

"Ah, di pa pala ako nagpapakilala ng pormal sa inyo, sir, ma'am!" Tumayo ako at tumakbo palapit sa harap nila. "Ako pala si Celine Pua. Estudyante po ako ni Sir. N-nice to meet you po!" Pagpapakilala ko sa mga magulang ni sir. Unconsciously, biglang naging garalgal ang boses ko. "Ay, sorry." Sabi ko pa pero this time, I know my voice cracked. Hinawakan ko din ang mga kamay nila and I insisted a handshake pero sa paghawak kong iyon sa kanila ay ang pagdaloy ng kakaibang pakiramdam sa buong katawan ko. Na para bang pamilyar na sa akin ang mga palad na iyon. Parang matagal ko na itong hawak. Bumitaw ako sa kanila at kaagad na bumalik sa kinalalagyan ni mama. Hindi ako umupo at nakatingin ako sa kanya. Nagsusumamo.

It Has To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon