"Panaginip"Sa bawat pagtulog natin, ilang panaginip ang ating nakikita, minsan masama at madalas magandang panaginip.
Panaginip na maaaring ikasaya o ikalungkot ng damdamin sa bawat pagmulat ng ating mga mata.
Panaginip na sa isang mahabang pagkakatulog, maaaring magpa-gising sa iyo sa katotohanan at magpapabago ng yugto ng iyong buhay.
Ano man ang nangyayari sa ating pakakahimbing......
Maniniwala ba kayo kung sakaling magkatotoo ang iyong panaginip?
Paniniwalaan mo ba ito dahil sa ito ay magandang ala-ala?
O paniniwalaan mo ito dahil sa ito ay mapait na pangyayari na kailangan mong iwasan sa totoong buhay?