CHAPTER 6

26 1 0
                                    

Jungkook's POV

Nagkayayaan kaming pito at ibang mga staff na kumain malapit sa bighit...Kwentuhan at tawanan ang nangyari sa aming pito habang kumakain. Buti na lamang nasa isang reserved room kami. Medyo hindi masyadong rinig.

"Jungkook-ah ilang araw na lang graduation mo na, saan tayo magcecelebrate niyan?" Pagtatanong ni Hobi hyung sa akin.

"Kain na lang tayo hehe!" Pag-suggest ni Jin hyung.

"Tama si Jin hyung, pumunta na lang ulit tayo sa kinainan natin noong unang araw ni Jungkook." Pagsang-ayon naman ni Jimin hyung kay Jin hyung.

"Sige ako na bahala magsabi sa manager natin guys!" Sabe naman ni Namjoon hyung.

Swerte ko talaga bilang maknae nila. Pinaghahandaan talaga nila ang graduation ko.

Tapos na kami kumain dito sa Min Diners. Hindi naman halatang busog na busog mga hyung ko, ang kukulit na naman. Hahaha

Hindi na lang muna ako nakipagkulitan dahil sa maraming tao rin.

Papalabas na kami ng may nabunggo akong isang babae.

-Tok-

"Aray!" Sabay naming pagkakasabi.

Hindi namin inaasahan na magka-untugan kami dahil sabay kaming dumampot ng phone niya.

"Ms....Sorry!"

"Hindi ayos lang"

Nahawakan niya ang aking kamay sa pag-aakalang phone nya ito. Ang lambot ng kamay niya tapos medyo malamig pa. Bakit kaya? tapos tila nag-aalala pa ang kanyang mukha.

"Hala.. I'm sorry kung nahawakan kita."

"Okay lang! ako sana dadampot ng phone mo."

"Sorry talaga and Thank you"

"Ok ok.. Gwenchanayo?"

"Oo ayos lang. Kamsahamnida..."

"Arraseoyo"

"Jungkook-ah!"

"Hyung, wait lang sunod na ako"

"Sige, una na ako"

"Thank you ha."

"Ne..."

Nang lumabas na ako, nagtanong naman si Jimin hyung..

"Sino iyon? Bakit tagal mong lumabas?"

"Nakabungguan ko lang, nahulog nga iyong phone niya. Hindi ko tuloy alam kung nasira ko ba. Ang lakas kasi ng pagkakabangga ko."

"Ahhh.. laki kasi ng braso mo eh hahaha" pagsisingit ni Hobi hyung.

"Hyung naman eh! Hindi ah! Hahaha" si Hobi hyung talaga nakakagulat bigla na lang sumasabat. Hahaha

"Humble naman ng baby namin" pang-aasar ni Jimin hyung.

"Oo nga kaya love ko yan eh" isa pa tong si Jin hyung.

"Kayo talaga" hindi na lang ako umimik para tumahimik na sila.

"Pero sino ba iyon? Ha! Jungkook?" Pagtatanong ni Jin hyung.

"Hindi ko rin kilala.. kulit niyo tara na bumalik na tayo sa dorm."

"Arasseo!" Sabay sabay binanggit ng tatlo.

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon