CHAPTER 12

25 1 0
                                    

Jungkook's POV

"Jungkookie kookie..." pagtawag ni Jimin Hyung habang lumalapit sa akin sa may sofa.

"Hyung shhhhh" sabay lagay ko ulit ng earphones ko.

"Ehhh? Jungkook-ah" pagkulit niya ulit.

"Bakit? Hyung"

"Wala lang, yung tanong ko kagabi kasi bakit ayaw mo sagutin."

"Wala naman ako dapat sagutin kasi wala nga."

"Sabihin mo na kasi alam kong mayroon eh"

"Aisshh! Arasseo! arasseoyo!"

"Yessss hindi niya rin napigilan" sabay tusok ni Jimin Hyung sa tagiliran ko.

Napangiti na lang ako imbes na maasar sakanya, sasabihin ko na ba? Sige na nga! Mapagkakatiwalaan ko naman tong liit na to.

Nakatitig ako sakanya sabay ngiting may kahulugan.

"Kookie, ano na? sasabihin mo ba?" Pagseryoso ni Jimin Hyung.

Tumango ako at tumitig sakanya ulit....

"Ano magtitigan na lang ba tayo? O sige titigan na lang!" Nilapit niya ang mukha niya para makipag-eye contact sa akin.

"Hyung naman hahahaha" tinulak ko siya ng kaunti para umusog siya.

"Kasi naman ano bang ginagawa mo diyan? Ayaw mo bang sabihin?"

"Saglit, huwag maatat, humuhugot pa ako ng lakas ng loob"

"Sige po! Sige po!" Pagpapa-cute ni Jimin Hyung sabay ngiting hindi na naman makita ang mata.

"Ganito kasi yan, yung nakita mo..."

"Oo nga nakita ko sa Min Diners!"

"Pinuntahan ko kasi si..."

Lumapit naman si Hoseok Hyung para malaman kung ano pinag-uusapan namin, "Ano pinuntahan mo ha? Maknae?"

"Ah wala Hyung, walang pinuntahan si Jungkook, doon ka muna nag-uusap lang kami!" Pagsingungaling ni Jimin Hyung at pagpapa-alis kay Hobi Hyung.

"Okay okay! Maya ka sa akin Jimin!" Pag-nguso ni Hobi Hyung.

"O maknae, sino ba kasi pinuntahan mo?" Mahinang tanong ulit ni Jimin Hyung.

"Yung nakabunggo ko noon. Nanghingi lang ako ng sorry tapos umalis din ako."

"Iyon lang? Pero naka-ilang balik ka ha!"

"Ha? Teka akala ko ba...."

"Pati yung gabing nagmamadali ka, nakita ko rin iyon."

"Grabe iba ka! Paano?.." pagkabigla ko talaga.

"Sinilip kita ulit, akala mo pumasok na kami agad. Nagpa-iwan muna ako tsaka kita sinilip, medyo natagalan kang naghintay. Sino ba iyon?"

Hindi ko alam kung stalker ko to si Jimin Hyung o may concern lang talaga siya.

"Buti na lang Hyung ikaw lang nakakita... wala naman bang iba?" Paninigurado ko.

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon