Ellie's POV
Habang pinagmamasdan ko ang bracelet na bigay ni Jungkook sa akin. Naalala ko yung gabing ibinigay niya sa akin ito.
Kumikinang-kinang kasabay ng pag-kinang niya bilang isang idol.
"Kahit pagod na pagod kana, mukhang masigla kapa rin kapag tinititigan mo yan, sino ba nagbigay niyan anak?"
"Ah eh kayo pala ma, kaibigan ko po."
"Hmmm...sino? Isa ba sa mga kilala kong kaibigan mo?"
"Uhmm new friend ko pa lang ma, pero papakilala ko rin po siya soon."
"Okay," nakangiti si mama na parang may kahulugan.
"Ma, bakit po?" Namula ako ng kaunti.
"Siya na ba?"
"Ma!!! Hindi po ahahaha kaibigan ko lang po siya."
"Hmmm sige! sabe mo eh, o siya anak mauna na ako sayo umuwi."
"Sige po ma, may hinihintay pa po kasi ako."
"Mag-ingat sa pag-uwi ha?!"
"Yes po! Kayo rin!"
Bumilis yung kabog ng dibdib ko, nabigla ako sa mga tanong ni mama. Pero natural lang sa magulang ang magtanong hehe. Sabagay, kaibigan ko lang naman talaga si Jungkook.
/7pm/
/Jungkook's text/
Hello! Nakalimutan mo ata.
Oh? Si Jungkook!
/Ellie (calling)/
Ellie!
Hindi ko nakalimutan, marami lang tao kaya hindi na ako nakapag-text sayo.
Akala ko hindi na niya maaalala kaya medyo nagulat ako sa text niya.
Ah o sige huwag muna tayo magkita baka maabala ka lang.
Hindi ayos lang, sige see you later.
Okay okay!
/call ended/
Tumawag pa talaga siya para maka-sure. Maka-akyat na nga sa itaas para hintayin siya.
/7:45 pm/
Matagal na ang paghihintay ko pero wala parin si Jungkook. Ano na kaya nangyari doon.
Bumaba muna ako saglit para medyo mainitan ako kahit papaano. Sobrang lamig pa naman ngayon, hayyy Jungkook talaga.
Pag-akyat ko sa itaas ulit. Nandoon na si Jungkook.
Oh? Nakatalikod pa talaga siya. Hahaha at hindi pa talaga nagtext, mang-susurprise pa ata to sa akin.
Sobra ang aking ngiti habang lumalapit sa kanya. Medyo umatras ako ng kaunti, nang siya ay humarap na.
"IKAW!"
Spring-X's notes:
Thank you readers☺
