CHAPTER 7

26 1 0
                                    

Jungkook's POV

/10:00 am/

Pabalik na ako papuntang ent. Bumili lang kasi kami nina Jimin Hyung at Taehyung hyung sa tawid.

"Mga hyung mauna na ako sainyo ha." Pag-papaalam ko sakanila.

"Ay o sige sige sunod na lang kami may tinitingnan pa kasi si Taehyung." Sabi naman ni Jimin Hyung.

"Ok sige" sabi ko.

"Dali dali Jimin Hyung, punta muna tayo doon" sabay bulong ni Taehyung Hyung.

Nauna na ako sakanila, may tinitingnan pa kasi sila at baka may bibilhin pa ata. Hindi ko na rin inalam kung ano yung binulong ni Taehyung Hyung kay Jimin Hyung.

Habang naglalakad ako napansin kong may babaeng tila nagmamadali papuntang building.
Saktong nag-green light naman na para makatawid.

"Si Ellie kaya iyon?" Pilit kong tinatanaw yung babae habang ako ay papatawid. Medyo familiar kasi, parang si Ellie Min talaga.

Sinigurado ko muna na walang tao sa paligid. Lalo na at nasa labas ko siya makakausap.

Dahan-dahan kong tinakpan ang mga mata ni Ellie. Pagkaharap niya nginitian ko siya na alam kong ikaka-komportable niya.

"Ano ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Dba may trabaho ka?" Pagtatanong ko kay Ellie.

"Ahhh eehhh kasi may hinahabol ako tapos alam kong pumasok siya dito sa building na ito."

"Ha?! Eh! Wala naman pumasok ah?! Saan? Saan?" Maloko kong pagtatanong.

"Jungkook naman eh! Ang loko mo!" Napapangiti niyang sabe sa akin.

"Oh ayan ngumiti ka rin, halata kasi sayong nag-aalala ka..bakit ano ba nangyari? Bakit ka may hinahanap?"

"Ah wala naman may gusto lang ako makita"

Sino kaya hinahanap niya? May napansin siya sa bandang gilid at ito ang name ng aming agency.

"BigHit?"

"BigHit?!" Pagkakasabi ko rin na tila makulit.

"Teka nga taga-rito kaba? Ha? Jungkook?"

"Ahhh hindi ah hindi!"

"Eh bakit ka nandito?"

"Teka tanong ko yan ha!"

"Kaya nga...Bakit ka nandito rin?"

"Napadaan lang! Haha naglalakad-lakad kasi ako tapos napansin kong ikaw pala iyon. Kaya nilapitan kita. Hehe" totoo naman talaga at sa hindi na naman inaasahang panahon.

"Ahhhh ganun ba." Pagdududa niya sa akin.

Parang ako naman ang kinakabahan ngayon. Bumaliktad ang sitwasyon ah, kagabi siya kinakabahan, ngayon ako naman. Pero bakit naman ako kakabahan eh totoong nakita ko lang siya.

"Oo ganun nga hahaha. Ay! Ellie okay lang ba kung...."

"Okay lang na ano?"

"Magkita tayo mamayang gabi. Kahit minuto lang, hindi naman magtatagal kasi may gagawin pa ako"

Sana pumayag siya, sabi ko sa isipan ko.

"Hmmm saan naman?"

"Sa roof deck ulit..hintayin kita doon ha!" Buti naman pumayag siya.

"Eh makikita ka ng mga empleyado ko.... ay ng mga kasamahan ko pala...hmmmmm ahhhh sige sige same na lang din sa nangyari kagabi magpapa-iwan na lang ako tutal may aayusin pa akong papeles"

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon