Ellie's POV
Isang napakagandang umaga ang bumungad sa akin, Ilang araw na rin ang nakalipas ng binigay sa akin ni Jungkook ang bracelet na ngayon ay aking pinagmamasdan.
Kamusta na kaya sya ngayon? Naiisip pa ba niya ako sa panahong ito, o baka hindi kasi sabi nga nya busy siya.
Paglabas ko ng aking kwarto, may nakahain ng almusal.
"O anak mag-breakfast kana! Good morning!" Habang nakangiting sabi ni mama sa akin.
Nagkusot kusot ako ng aking mga mata,"Ma! Nandito kana? Talaga?" Hindi ako makapaniwala.
"Oo anak! Hindi na kita ginising kagabi masyado ka ata napagod sa business natin." Sagot ni mama sa akin.
"Omo omo! Waaaahhhhhhh!!" Sabay yakap ko kay mama. Grabi ang pagkakasabik ko sakanya. Dahil na rin sa nakalipas na mahigit isang linggong wala siya sa tabi ko.
"Oh oh anak! Teka ang higpit ng yakap mo hindi ako makahinga" pag-inda ni mama sa mahigpit kong yakap.
"Ay! Sorry mama! Nasurprise po kasi ako, grabi rin kasi ang pagka-busy ko kaya hindi ko naalala ang pagdating mo.Pasensya na po." Sabi ko kay mama. Nakakatuwa lalo akong gaganahan nito sa pag-tatrabaho.
"Ayos lang anak naiintindihan ko.Buti na nga lang at natapos rin namin ayusin ang lahat, malapit na rin magbukas iyon. Isasama kita!" Pag-aya ni mama sa akin.
"Pero ma! Yung Min Diners?" Pag-aalala ko.
"Si Manager Ji muna ang bahala, 2 days lang naman tayo doon tsaka para makapagrelax kana rin."
"Okay sige po! Wait! Malelate na ako ma!" Nataranta na ako kasi anong oras na rin pala, hindi na sana ako mag-aalmusal ng pigilan ako ni mama.
"Hay anak! Kumain ka muna. Hinanda ko para sayo ito dahil hindi kita naalagaan ng isang linggo."
"Ay sige ma! Pero ma, male-late ako! Hmmmm...Bibilisan ko lang po ha!"
"Anak! Masyado ka natataranta. Sinabihan ko na si Manager Ji na hindi ka maaga makakapasok, nabalitaan ko kasi sakanya na lagi kang maaga sa Min Diners tapos ikaw rin nahuhuli. Sobra na pagod mo kaya magrelax ka muna"
"O sige ma. Nag-aalala lang po kasi ako sa mangyayari sa restaurant natin baka kailangan nila ako."
"Andyan naman si Manager Ji maaasahan, sasabihan naman tayo agad kapag kinailangan ka or ako. Okay?"
"Okay ma!" Sadyang nasanay na kasi ako sa ginagawa ko sa araw-araw kaya ganito na lang siguro ako kung mag-alala.
Kumain muna kami ng almusal, nang matapos na kami, sinabi ni mama na sabay na lamang kami papasok at para makamusta na rin niya ang Min Diners.
Abala kami ni mama sa pag-aasikaso ng Min Diners ngayong araw na ito. Kinamusta na rin niya ang aming mga employees. Ako naman ay busy sa pag-continue ng mga documents about sa restaurant.
Tok! Tok!
"Pasok!" Habang ako ay nakatingin at busy sa pagbabasa ng mga papers na hawak ko.
"BFF?" Pagbulong ni Farrah at pagwagayway ng kanang kamay na nakatapat malapit sa aking mukha para mapansin ko siya.
"FARRAH!!!!!!" Nang ako ay tumingin at mapansin kong siya nga.
"Omggggg BFF!!!!!! I MISS YOU!!!" Pag-iingay ni Farrah sa loob ng opisina ko.
"Sssshhhhh hinaan mo boses mo magtaka sila ano na nangyari sa akin"