CHAPTER 3

50 1 1
                                    


"Good morning Ms. Ellie"

"Good morning din! Naayos na ba lahat? Mukhang maraming customers and reservations today. Kailangan maayos at ma-eentertain lahat ng papasok sa atin okay? Pakitawag si Manager Ji at papuntahin sa office ko."

"Sige po. Pero Ms. Ellie may inaasikaso pa po about sa mga reservations later"

"Ah ganun ba. Sige sige after na lang ng ginagawa niya."

"Yes po. Ms.Ellie"

"Okay Thank you"

Iba na naman ang nararamdaman ko today parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Omgg si mama bakit hindi pa tumatawag? Tawagan ko na kaya? Ay hindi muna, baka busy pa siya.

/Mama (calling)/

"Hello mama, buti na lang po tumawag ka."

"Bakit anak may problema ba?"

"Wala naman po, kinakabahan po kasi ako now. Then naisip po kita."

"Relax anak baka napepressure ka kasi wala ako diyan"

"Hindi naman po ma, kaya ko naman po. Iba lang pakiramdam ko."

"Wag ka muna kaya pumasok? Umuwi ka muna. Si Manager Ji na ang mag-aasikaso ng lahat."

"Hindi ma okay lang po ako talaga, siguro po dito muna ako sa loob ng office, ipapahinga ko lang po saglit then lalabas po ako later, to check kung naasikaso naman po ba lahat. Especially yung mga nagpa-reserved."

"Ikaw bahala anak, basta huwag magpabaya sa sarili okay? Baka umuwi ako bukas pa ng gabi kung may kailangan ka tumawag ka lang. O sige na magpahinga ka muna"

"Sige ma thank you po! Kayo rin po ha wag magpabaya, kumain on time."

"Yes anak, o sige na bye na"

"I love you ma!"

"I love you too anak"

Bakit ngayon pa ako nagkakaganito? Ngayon naman sumasakit ang ulo ko. Okay fine, dito muna ako sa office.

Napakaraming gagawin today, sana maging success lahat.

Habang inaasikaso ko ang mga papers na kailangan pirmahan ni mama. May lalake nasa labas ng pinto. Naka-itim? Baka siya yung kagabi.

"Sandali sandali sandali"

Pilit kong hinahabol ang lalaking humawak ng aking kamay. Patuloy lamang siya sa mabilis na paglalakad. Tila hindi ko siya maaabutan kahit anong bilis ng takbo ko. Hanggang sa siya ay huminto.

"Hayyyyy....Buti na lamang ay naabutan kita. Pwede ko ba malaman kung bakit mo hinawakan ang aking kamay? Mister....?"

Nakakapagtaka naman bakit ayaw niyang humarap sa akin.

Pilit ko siyang tinititigan kahit sa gilid lang ng kanyang mukha ay makita ko kung sino siya.

Maya maya lamang papaharap siya at isang liwanag ang nakasilaw ng aking mga mata. Pilit ko parin tinitingnan hanggang sa isang ngiti ang aking nakita..

"Mister! Sa wakas humarap ka rin"

"Ms.Ellie?"

"Mister! Sa wakas humarap ka rin"

"Ms. Ellie? Ms. Ellie Min gising po! Nanaginip po kayo"

"Ha... hindi hindi"

"Ms.Ellie, si Manager Ji po ito"

"Manager Ji?" pagdilat ko si manager nga, nakatulog na naman pala ako.

"Pasensya na Manager Ji, ang sama kasi ng pakiramdam ko"

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon