CHAPTER 14

20 1 2
                                    

Jungkook's POV

"Jungkook-ah!" Pag-gising ni Jimin Hyung sa akin.

"Hmmm?" Sagot ko dahil sa tulog pa ang aking diwa.

"Gising na kasi..."

"Ano ba meron.. bakit ka nang-gigising?"

"Yung sasabihin mo, sabe mo bukas! bukas! promise bukas! eh umaga na po kaya!"

Napadilat at napa-upo ako agad sa sinabi ni Jimin Hyung dahil naalala ko na ngayon pala iyong pagkikita namin ni Ellie.

"Hyung!!!!" Pagsigaw ko kay Jimin Hyung.

"Ohhh?" Nabiglang sabi ni Jimin Hyung.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?"pag-sisi ko sakanya.

"Ano ba maknae? Kanina pa! Hayyy.. batang to."

"Ha? Talaga? kanina paba?!" Napakamot na lang ako sa ulo.

"Opo sir! Kaya tumayo kana diyan. Mag-ayos kana sa sarili mo. Mamaya may sasabihin kapa sa akin na dahilan ng hindi maayos na pagtulog ko. Okay? Okay?" Mahinahon niyang sabi sa akin, sabay ngiting nakakaloko.

"Hehe okay!"

Teka,Bakit ba ako nagmamadali pala? Eh gabi pa kami magkikita ni Ellie. Si Jimin Hyung talaga...

Ahhhhh... oo nga pala kaya siya nang-gigising sasabihin ko pala yung tungkol kay Ellie. Parang akong sabog ha! Hindi ko naalala iyon.

Nag-ayos na ako ng sarili ko at pagbukas ko ng room, si Jimin Hyung ang bumungad sa harapan ko.

"Oh! Jimin Hyung bakit ka nandito?" Pagkagulat ko sakanya.

"Wala lang gusto lang kita abangan" sabay ngiti, hayyy yung mata na naman niya nawala na naman.

"Hyung, may sabihin ako sayo. Wag ka maingay ha!" Pabulong kong sabi habang tinutulak ko siya papalabas ng dorm.

"Yah yah yah! Teka dahan dahan! Okay okay stop! Dito na lang tayo mag-usap. Ano ba iyon?"

"Kasi ano...magkikita kami ni Ellie mamaya, anong dahilan gagawin ko?"

"Jusko yun lang pala, tingnan mo nangyari sa akin nagkaroon ako ng eyebags kaka-isip kagabi"

"Saan hyung? Teka eyebags ba yan? Kaya ka pala walang mata, natatakpan ng eyebags Hehe"

"Aish! Aish!" Pag-amba niya sa akin.

"Hahaha biro lang! Sinabi ko ba kasing isipin mo."

"Hayyy wag mo na pansinin, ano ba dapat kong gawin?"

"Ano gagawin niyo?" Pag-silip ni Hoseok Hyung mula sa pintuan.

"Yah! Hyung! Ano ba!" Sabay naming sabi ni Jimin Hyung. Nagulat kaming dalawa ni Jimin Hyung sa pagsulpot ni Hobi Hyung.

"Ano na naman ba kasi pinag-uusapan niyo? Nakaraang araw ganyan din kayo."

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon