CHAPTER 10

28 1 0
                                    

Ellie's POV

"Ahhh ehhh kasiii...may hinahanap ako! Oo tama may hinahanap ako!"

Mas lalo akong kinabahan. Si Farrah na lagi kong pinagsasabihan na baka may iba pang makakita sa amin. Mukhang ako pa ang nahuli, malaking gulo napasok ko. Aish!

"Parang hindi kapa sigurado sa sinasabi mo. May hinahanap ka or may gusto kang makita?"

"Hindi wala wala... yung bracelet ko kasi nawawala. Hindi ko naman sinasadya na mapadaan sa dressing room niyo. I'm sorry!" Nagluluha na ang aking mga mata sa takot at kaba na naghahalo halo na. Daig ko pa nahot-seat nito.

"Hahahahaha" pagtawa ng lalaki.

Bakit siya tumawa? hindi ko alam kung ano iniisip niya.

"Bakit may problema ba?" Pagtatanong ko na tila may ibig sabihin ang tawa niya. Mas lalo pa akong natakot.

"Wala naman!" Sabi niya habang papalapit sa akin.

Habang lumalapit siya, ako naman umaatras ng umaatras hanggang sa.....

"Ayyyyy!!" Napasigaw ako dahil sa may upuan sa likod ko. Bago pa ako ma-out of balance isinalo niya ang aking likod at sabay tinakpan ang aking bibig.

"Sshhh wag ka maingay! Baka may makakita sa atin ano pa isipin nila?" Sabi ng lalaki.

"Ha? Ang weird ha! Bakit sino kaba?" Nakakapagtaka biglang nagbago ang ihip ng hangin, kanina lang nakakatakot siya sa mga tanong niya.

"Ahhh ehh kasi.... teka tanong ko iyan ha!" Sabi niya sa akin na parang napa-isip.

"Hahahaha parang kang si Jung.. ay yung kaibigan ko pala nevermind haha" naalala ko si Jungkook sakanya. Naalis yung kaba ko nung nagsalita siya na hindi na seryoso.

"Tanong ko kasi yan.. sino ka? Ha? Ms..."

"Hindi ko na kailangan pang magpakilala kasi kailangan ko talagang hanapin na yung bracelet ko. Kung hindi mo ako dinala dito baka nakita ko na iyon" pagka-inis ko sakanya.

"Ang cute mong mainis, hahahaha"

Aba! Lokong to! Pagkatapos niya akong pakabahin at inisin ito lang sasabihin niya.

"Sige na! Ms....." habang hinaharang-harangan niya ako hanggang hindi niya nalalaman ang aking pangalan.

"MIN ELLIE! ELLIE MIN! Okay na ba?" Pagtataray ko sakanya.

"Okay Ellie! Ingat ka! Sana mahanap mo na yung bracelet mo" sabi niya habang naglalakad ako papunta ng pinto.

"Salamat sa pang-iinis!"

"Walang anuman! Sana mag-enjoy ka mamaya sa gagawin namin!"

Bigla akong napahinto sa sinabi niya. Gagawin namin? Tumingin ako saglit sakanya.

"Oh bakit? May kailangan kapa?" Tanong niya sa akin.

Lumapit ako saglit at bumalik sa wisyo ng maalala ang tanong niyang...

Anong kailangan mo sa dressing room namin?

"Ikaw! Ikaw!? Bang..." pagkagulat ko at pagtakip ng aking bibig.

Biglang tumango siya at kumindat na mas lalo pang ikina-tameme ko.

"Sige na! Hanapin mo na ang bracelet mo kapag may iba pang makakita.... bye bye na ang bracelet mo!"

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon