Sobrang rami ng tao, lahat nagsisigawan, nagtatatalon sa tuwa. Hindi na makapaghintay ang lahat.Umiiyak sa kaligayahan at sinisigaw ang mga pangalan na ilang sandali na lamang ay lalabas na.
"Omggg Ellie! Dali punta na tayo sa seats natin. Ang ganda ng pwesto natin"
"Oo na teka lang ang hyper mo masyado! Kalma ka lang hindi pa nag-uumpisa" Kaloka to si Farrah talaga! Hindi mo alam kung anong meron sa katawan eh super hyper. Purgahin ko kaya to! Haha.
"Hindi ko akalain nandito na tayo, yung simpleng pangarap natupad natin! Ahuhu ok ok stop! Ayoko magdrama! Yung face ko nasisira. Omggggg Ellie! *sabay hampas*"
"Aray ha! Kumalma ka muna kasi..hindi pa nag-uumpisa wala kanang energy mamaya nyan"
"Sige na nga (sabay hiyaw)"
Mag-uumpisa na sana ng biglang....
"Ellie! Ellie! Ellie! Gising na tanghali na! Sabe ka ng sabe na maaga ka matutulog, inumaga ka na naman matulog." Malumanay na pag-gising ni mama.
"Opo mama gigising na...Haba po kasi ng panaginip ko kung anu-ano tapos may isa kasama ko raw si Farrah hndi ko matandaan masyado. Ikaw po kasi eh ginising mo ako, mukhang maganda pa naman."
"Aba! Masama na ba maging concern ang nanay? Hindi kana nakakain ng almusal puro kana lang brunch" Malambing na boses ni mama.
"Yiiee mama naman eh kaya loves kita! Sige na nga hindi na po ako magpupuyat kakanood ng kdrama. I love you ma!"
"Sus! Hanggang salita lang yan... Anak! Mahirap magkasakit kaya wag magpapabaya masyado! Ikaw na lang nasa akin"
"Ayan ka na naman ma! Wag kana malungkot! Basta dito lang ako for you! Kahit mag-asawa man ako, isasama kita sa titirhan namin or kaya dito tayo, sa bahay na iniwan ni papa para sa atin!"
"Hayy anak ko, ang maganda kong anak ay nagmamaganda lang pala haha kumain na tayo ng almusal. Pupunta tayo sa resto natin"
"Hala! Anong oras na ba ma? Sabe mo po tanghali na eh!"
"7am pa lang anak! Sinabe ko lang tanghali para mabulabog ka, tagal mo kasi magising ngayon"
"Kala ko naman late na po, sorry naman po nanaginip eh! sige ma susunod na po ako, mag-ayos lang ako."
"Sige bilisan mo maraming naghihintay sayo."
"Okay okay ma!"
Maaga ako naulila sa ama,limang taong gulang pa lamang ako ng maaksidente ang aming sinasakyan, may mapait man na nangyari sa buhay namin ni mama, hindi kami pinabayaan ni papa.
Lumago ang restaurant na ipinundar nila ni mama at dito kumuha ng pantustos si mama sa aking pag-aaral. Ngayon, ako na ang mamamahala ng aming business.
Unang araw ko sa business namin, pinagpahinga muna kasi ako ni mama after ng school at graduation, ayun nasanay ang body clock na napupuyat. Pero ayoko biguin si mama, kaya go ako! Kahit inaantok.
"My dear employees! Good morning sainyo! Bago tayo mag-open, may papakilala muna ako sainyo. Lagi nyo na nakikita ang aking unica hija. But for formality, I would like to introduce my daughter, Ms. Ellie Min, your future boss. Siya na ang magma-manage ng resto kapag nasanay na siya sa pasikot sikot dito. Syempre I'll check kung maayos ba ang lahat dahil nag-uumpisa pa lamang si Ellie."
Nakakapressure si mama. Huhu buong tiwala ang binigay nya sa akin, pag-iigihan ko talaga.
"If I'm not here to manage this resto, kay Ellie kayo lahat mag-rereport. Just enjoy and focus to your work, na lagi kong sinasabe sainyo. Si Ellie ay parang ako lang.100% makakasundo niyo siya."
"Good morning Ms. Ellie Min!" Sabay sabay na pagbati nila sa akin.
"Hello! Good morning to all of you! Ms.Ellie na lang itawag nyo sa akin. Let's work hard together to reach our success this year and in upcoming years. Hopefully, we can earn more trust and satisfaction to our dear customers. Thank you for your warm welcome"
Omggg nakakatuwa na nakakakaba, sobrang excited na ako maka-work silang lahat. Pinakilala isa isa sa akin ni mama ang mga empleyado.
Napakasaya ko,ako na ang magpapatuloy ng pinaghirapan ng aking magulang. Mas papalaguin ko pa to katulad ng ginawa nila.
/12pm-Lunch time/
Sobrang busy ang resto! Kahit ako tumutulong na sa pagseserve at pag-kuha ng order.
"Good afternoon! Maam! Welcome to Min Diners..." pagtingin ko si Farrah pala.
"Halooo my dear bff! Hahahaha kamusta ang pagiging bossing? Haha"
"Aish! Bff upo ka muna dito ha! Maya tayo mag-usap. Eto tea para malibang ka."
"Arasseo chinguya, hwaiting!"
"Ne...."
Unti-unting natapos yung pagserve namin ngayong lunch medyo kaunti na ang customer.
"O napadaan ka Farrah!"
"Pagkatapos mo ako paghintayin, yan lang bungad mo sa akin. Hay nako bff nga talaga kita"
"Eto naman tampo na agad! Pagod lang kasi hehe" tampururot na naman si Farrah. Buti na lang kaibigan ko to, napakahaba ng pasensya at mabait pa haha.
"Farrah! May kwento ako sayo."
"Ay gusto ko yan! Ano iyon?"
"May napaginipan kasi ako ang weird tapos kasama raw kita. Tuwang-tuwa at hyper kapa nga sa mga oras na iyon"
"Ehhh? Maria clara kaya kilos ko. Hahaha joke!!! Ano raw nangyari?"
"Malabo kasi hindi ko masyado natandaan yung ibang part tapos ang raming tao nagsisigawan"
"Ohh?? Baka kakanood mo na yan ng mga kshow, maingay lagi. Hindi naman kdrama? Hmmm.."
"Parang may meaning kasi bebe, ay basta bahala na"
"Hayaan mo na lang yan Ells baby ahaha. Punta tayo sa mall, first week of next month coz it's my salary time sa katapusan plus you're so busy now kase,sooo next month na lang. okay ba?"
"Sige sige paalam ako kay mama na maaga ako lalabas dito,dinner date tayong dalawa niyan"
"Yes yes, Go go go Ellie! O sya ako ay may gagawin pa sa office, napadaan lang ako para bisitahin ang working girl haha"
"Yes boss! Ikaw na may hawak sa oras, anytime pwede maka-alis"
"Of course! Pero bago naman ako aalis para mag-break tinatapos ko muna gawain ko! O sige na ba bye na! Hwaiting bff! I love you"
"Ok ok! Fighting rin! I love you too!"
Siyang siya talaga yung nasa panaginip ko. Si Farrah daig pa ang sampung bata sa kakulitan pero maaasahan naman sa hirap at ginhawa.
/9pm/
Habang ako ay nasa aking higaan na nag-iisip ng mga pupwedeng gawin sa resto,hindi ko maiwasan na sumagi sa aking isipan ang panaginip na maaaring may kahulugan sa aking buhay.
"Ang weird talaga! bakit ko ba naiisip palagi ung panaginip ko na iyon? May something ba na kailangan kong malaman? "
"Aish! Ang gulo ,ang gulo, makatulog na nga, ayaw ko muna isipin, mahalaga nag-uumpisa na ako sa kung anong mayroon sa akin ngayon."